RPW

80 2 0
                                    

RPW mundo kung saan malaya kang gawin ang mga gusto mo.

Mundo kung saan walang nakakakilala sa totoo mong pagka tao, kaya walang takot na namamayani sa pagka tao mo.

Mundo kung saan maaari mong ipahayag ang saloobin mo na hindi mo masabi sa ibang tao.

Mundong may mga tunay na kaibigang mag mamahal at mag aalala sayo, di tulad sa rialidad na kahit kaibigan mo ay sasaktan at iiwan ka.

Dati hindi ko alam ang dahilan kung bakit ang daming mga taong nabubuhay sa mundong ito, pero ngayon alam ko na dahil pala mas maganda ito sa rialidad.

Dito susuportahan ka nang bawat isa kahit na di pa kayo lubos na magka kilala. Pero sa rialidad ay kahit na kaibigan mo di ka nila masuportahan pag dating sa mga nais mo.

Nakakalungkot lang kasi pag papanggap ang laging nasa isip nang tao sa tuwing maririnig ang salitang RPW, ngunit nag kakamali sila sa mga akala nila.

Dahil sa mundong ito ay mas nakilala ko ang sarili ko na dati hindi ko alam na kaya ko palang gawin ang mga bagay na yun.

Ang saya sa mundong ito dahil dito pinapahalagahan ako nang mga tao at nais nila na gawin ko pa ang makakaya ko.

Sa katunayan mas lagi na akong aktibo dito kesa sa totoong account ko.

Dahil mas namulat ako sa mga bagay-bagay at pangyayari dito.

Lahat nang nais kong sabihin at gawin ay nasasabi ko nang walang taong mang huhusga sa akin kaya mas ninanais ko na dito nalang kesa sa totoong mundo.

Hindi naman masama na mamuhay dito bilang ibang tao dahil ikaw parin yun ngunit naiba ka lang sa iyong mukhang ipinakikita at iba din ang pangalang ginagamit mo.

Pero ang opinion at payo ko tungkol sa mundong ito at sa mga taong nandito na, bawat isa ay may ibat-ibang pag kakakilala kaya wag mong akalain na yang kausap mo ay ganyan din pag dating sa totoong mundo.

*********
WP: @K-razy_yanyan

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 13, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PoetryWhere stories live. Discover now