"Okay na ba kayo?" tanong ni Jeremiah sa mag-iina niya.
"Yes, dad. Excited na ako bumalik ng Pilipinas." tuwang-tuwang sabi ng asawa niyang si Colyn at yumakap pa sa bewang niya.
He kissed the top of his wife's head. "We'll stay there for good."
Napagdesisyunan nila ni Colyn na mag-migrate sa US nang may mag-offer kay Colyn ng malaking trabaho bilang fashion designer sa isang hollywood star, pagkatapos nun ay nagtuloy-tuloy na ang biyaya sa asawa niya at lumaki at lalong sumikat ang tatak nitong 'Glambition' at 'Menvasion' sa buong mundo.
Labing-dalawang taon ang panganay nilang si Calix habang sampung taon naman ang bundo nilang si Calvin nang umalis sila sa Pilipinas. Mahirap para sa kankla na iwan ang barkada noon, pero ang mga ito narin ang nag-udyok na ituloy na nila ang pag-alis dahil sayang nga naman ang oportunidad.
Habang busy sa pag-aaral ang mga anak niya at sa trabaho si Colyn sa States, siya rin ay nagbukas narin ng sariling restaurant at bars sa States hanggang sa tinangkilik narin ng mga Amerikano ang negosyo niya.
Pitong taon na ang nakakalipas, at napagdesisyunan nila ni Colyn na oras na para umuwi sa Pilipinas. Kahit ang mga bata ay hindi naman na nagreklamo nang sabihin nila sa mga ito na sa Pilipinas na nila ipagpapatuloy ang pag-aaral ng mga ito.
"Let's go, Dad. I'm so sleepy." antok na yaya ni Calvin habang kinukusot ang mata.
Inakbayan ni Colyn ang bunso nila. "Okay, let's go!"
Tahimik lang na sumunod si Calix kela Colyn at Calvin habang siya ay nahuhuli dahil bitbit pa niya ang iba pang mga bags nila.
Kanina tumawag sina Dylan sakanya kung ano'ng oras ang lapag ng eroplano nila dahil susunduin daw sila ng buong barkada. Hindi maalis ang ngiti niya sa buong biyahe dahil sa wakas, makukumpleto nanaman silang magkakaibigan.
Minsan ay umuuwi-uwi naman sila ni Colyn sa Pilipinas para magbakasyon. Hindi nila naisasama ang mga anak dahil may mga pasok at activities sa States kaya sila nalang ng asawa ang umaalis.
-----
"Remember, greet your ninangs and ninongs politely, okay? Nasa Pilipinas na tayo, iba na rito kesa sa States." paalala ni Colyn sa mga anak habang inaayos ang mga gamit nila.
Nag-landing na ang eroplano nila at naglalakad na sila palabas ng terminal.
"Mommy, who is my ninang again that used to play with my cheeks?" tanong ni Calvin na ngayon ay seventeen years old na.
"That's ninang Erin, Calv." sagot ni Colyn sa anak.
Habang tinutulak niya ang trolley na laman ng mga bags at pasalubong nila, inakbayan niya ang panganay nilang si Calix na may nakasuksok na earphones sa isang tenga.
"Anak, may sasabihin ako sa'yo." sabi niya rito.
Tumingin sakanya si Calix. "Ano iyon, dad?"
"Bakit ang pogi mo?" tanong niya sabay tawa.
Napapalatak nalang si Calix sa kalokohan niya. Ginulo niya ang buhok nito.
"Dad! Magulo na nga, guguluhin mo pa." naiinis na sabi nito sakanya.
Natawa nalang siya. Sa magkapatid ay si Calix talaga ang pinakakamukha niya. Kaya lang, sige aaminin niya na mas pogi ang anak niya kesa noong kabataan niya.
BINABASA MO ANG
The Barkada Series Special: A Promise 'til Infinity
General FictionStill can't get enough of the boys? Here's a special book of the isa't kalahating gago gang! Have a peek on their lives after marriage. Witness how these five handsome and powerful men shower their everything to the love of their lives. At humanda d...