(3.5) You're mine now

8.9K 250 11
                                    

Continuation...

NANINGKIT ang mga mata ko, I can’t believe na walang puso ang mga tayo dito. For pete’s sake! Hindi ba ako pwedeng pumili ng lalaking pakakasalan? The moment I told his servant na ayaw ko magpakasal sa kanya ay naging pormal sila sa akin. Si Craig naman ay umalis dahil may importante daw meeting. At ano naman meeting iyon? Tsk!

“This is your new room, next to Master Craig’s room.” Wika ng babae, hindi ko siya kilala pero pakiramdam ko ay siya lang ata ang tao dito na hindi ako gusto. I bet na gusto niya makipagpalit sa akin ng sitwasyon subalit kahit na hilingin ko na lang kay God na siya na lang na kidnap at hindi ako ay hindi pwede. Imposible naman kasi mangyari iyong hiling ko 'no.

“Thanks.”

“Whatever.”

“Huh?”

“Nothing. Anyway, if you need something do not hesitate to call me.”

“Ba’t hindi mo na lang akong tulungan na tumakas dito?” Siya naman ang nagtaka sa akin. Oh right, hindi pala siya marunong magsalita ng tagalog kaya dapat English. Napapailing na lamang ako, as if naman tutulongan niya ako 'no. I even ask some of the maids here na tulongan ako pero ayaw nila, siya pa kaya? Tsk!

Pumasok na ako sa loob ng kwarto ko. I was a bit excited na pumasok at hinagilap ang telepono but to my dismay wala! Walang telepono! Hindi bale, mayroon naman sa baba, hihintayin ko lang na gumabi para malaya ako makababa at tumawag sa hotel kung saan ako naka-check in. Nang iniwan na niya ako ay lumapit ako sa sliding window at tinanaw ang baba, napangiwi ako. Nasa dalawang palapag ako pero napakalulala parin tingnan.

Kung sakali man na hindi successful ang tawag ko ay tatakas na lang ako dito.

Kinapa ko ang bulsa ko. Parang gusto kong pumalahaw, I don’t have money! At kahit meron ay kailangan ko pa pumunta sa foreign exchange money para e-convert ang peso ko sa pera ng mga tao dito. Pasalampak na humiga ako sa malambot na kama at tumanganga lang. Hindi ko alam kung ilang oras ako sa ganun position at n’ong may kumatok and said na handa na ang makakain ay hindi ko sila pinansin. Good thing na may lock ang pito kaya’t ni-lock koi yon upang walang makapasok sa kwarto ko kung sakali man na may balak akong tumakas.

Kahit na dumating si Craig kanina ay hindi ko pinansin eh. Who cares? I don’t want to see that psychotic man anyway!

Bumalikwas ako at tiningnan ang wall clock, it was already eleven-forty five in the evening. Siguro naman ay tulog na sila, I tip toe and open the door, I was about to step outside nang makita ko sa baba ang isang tray na may pagkain.

Ah, food. Kumalam tuloy ang sikmura ko kaya isinantabi ko muna ang plano ko at kinuha iyon tray na may pagkain at sinimulan kainin. Hindi ko muna ginalaw iyong saging at apple. Babaunin ko na lang iyon kapag tumakas na ako dito.

Lumabas ako sa kwarto, and once again I tip toe na parang si Swiper the Fox ng Dora the Explorer na dinobleng ingat sa paglalakad. Madilim ang buong kapaligiran pero dahil nakatabing naman sa gilid ang kurtina ng bintana ay malayang nakakapasok ang liwanag ng buwan dito. Nagmadali na bumaba ako sa hagdan at hinagilap ang telepono.

Ha! Ang bobo naman ng kidnapper ko! Akala ba niya ay gugustuhin kong magpakasal sa kanya? Pwe! Kahit na gwapo siya ay hindi ko siya pakakasalanan! Never! As in NEVER! Unless siya na lang ang natitirang lalaki sa mundo ay baka pag-isipan ko.

“Oh God, thank you Lord! Hallelujah!” Halos halikan ko na ang telepono pero pinigilan ko ang sarili ko. Baka may germs!

Denial ko ang telephone number ng room ko pero walang sumasagot. “Come on! Come on! Pick it up! Please pick it up for me!”

The Bride Capture (SAMPLE ONLY)Where stories live. Discover now