CHAPTER 11

639 23 1
                                    


M I N J U

_Its been 3 years narin pala since huli naming nakita si Yuri, I really missed her so much.

Ang hirap pala talagang makalimutan yung taong mahalaga sayo, Hinahanap-hanap mo yung mga bagay na nakasanayan mo na na ginagawa nya, Hinahanap mo yung presence nya, Hanggang dumating yung point na may nakikita kang tao na akala mo sya pero hindi pala. I really missed her coldness, sweetness, I missed her to call me "Minju gatu ohh.." in a sweet way when she want something from me I really missed her voice.. Bakit kasi nawala pa sya. Bakit kasi nawala pa sya.

««««««Flashback«««««

"YURI SA LIKOD MO!"-sigaw ko sakanya habang nakikipag laban ako bago nya malapitan si black phantom.

Narinig nya naman sinabi ko kaya napatumba nya agad yung kalaban na aatake sana sakanya saka nya ulit hinarap si black phantom.

Nag focus na ulit ako sa laban at pinoruhan ko kalaban ko. Inatake ko sya sa Sikmura at sa ulo yun lang ang target ko sakanya hanggang sa napatumba ko na sya, Puro pasa narin katawan ko dahil malalakas din sila.

narinig kong may sinabi si Yuri kay black phantom habang nakaluhod ito.

"Just accept the truth that we won on this fight black phantom"-saad ni Yuri.

After non diko na narinig usapan nila at napatingin ako kay Ruth at Aira ngumiti naman sila sakin pero bakas sa labi nipa na may dugo rin ganon din si Shimmer at Prince Jay. Pag tingin naming lahat kay Yuri naka Tayo lang ito na parang nanghihina habang si black phantom naka ngiti lang sakanya.

"Anong nangyayare kay Black Angel"- wika ni Ruth.

Ilang sigundo lang bigla nalang bumagsak si Yuri sa sahig.

Lalapit na sana kami kila Yuri para tulungan sya ng biglang may lumabas na usok sa buong paligid pati mga kalaban na napatumba namin nawala na sa pwesto nila. Nakakahilo yung usok na lumabas sa mga tubo ng budega hanggang sa isa-isa kaming natumba, narinig pa naming may pumutok na baril bago kami nawalan ng malay dahil sa usok.

"Minju gising."-wika nila Prince

"Anong nangyare? asan si Yuri?-tanong ko.

"Hindi rin namin alam, 1 oras tayong nakatulog dahil don sa usok na lumabas sa mga tubo."-saad naman ni Aira.

"Dinaya tayo sa laban ng Black Serpent gang."-Shimmer

"Umpisa palang si Yuri talaga ang target nila,"-Prince Jay

"Hindi pwede to. Anong kailangan nila kay Yuri? saka narinig nyo ba yung putok ng baril? bago tayo mawalan ng malay?"-Tanong ko sa kanila.

" Oo , pero hindi naman siguro si Yuri yung binaril dahil kung si Yuri yon dapat andito parin sya."- wika naman ni Nicole.

"Tama ka."-Chlea

"Kung ganon hawak nila si Yuri."-sambit ko.

"Kailangan na nating umalis dito at bumalik sa hide out, Ang mahalaga alam nating buhay pa si Yuri." Prince Jay

"ok. sige.. kailangan din nating I track kung saan sya dinala"-Nicole

"I track? pano?"-Ruth

"Di nyo alam na nilagyan namin ni Prince Jay lahat ng damit natin na maliit na tracking device"-wika ni Aira.

"Check nyo, Ikaw Ruth nasa Zipper ng leather jacket mo, Ikaw naman Nicole nasa loob ng packet ng jacket mo"-Prince jay.

"Minju yung sayo nasa kwelyo ng Black Suit mo and chlea on your mask."-sambit naman ni Aira.

THE COLD GIRL IN UNIVERSITYWhere stories live. Discover now