"THE KISS"

188 8 0
                                    

-KRISTEN'S POV-

Pagkatapos nang aming trabaho ay nagtulungan kaming lahat para mailigpit ang mga nagamit namin.

"Parang masyado ka yatang nagmamadali Kristen.." tanong ni Apple. Tinignan ko lang siya at nginitian. Parang gusto ko na kasing makita si Kauri. Naiwan lang siyang mag-isa sa cottage. Sigurado akong nababagot na'yun dahil wala siyang makausap.

"Ah--Oo. Siguradong nababagot na si Kauri roon dahil wala siyang makausap. Kaya kailangan ko nang makaalis." sagot ko sa kanya.

"Mahal mo na ngata siya Kristen.😊 Masyado kang nag-aalala sa kanya😊".

Sa sinabing yaon ni Apple ay agad akong napangiti. Hindi ko na nga siguro iyon maipagkakaila. Para nga akong nakikiliti marinig ko lamang ang pangalan niya.

"Asus!😅 Sabi ko na eh. Hala sige lumayas ka nga sa harap ko at naghihintay na ang Juliet mo ..Rom-i-yow!😂😂😂".

Napailing na lang ako sa kagagahan ng babaeng to. Wala eh, tama nga naman siya. Dahil may tama talaga siya😅.. Dali-dali akong bumalik sa cottage pero wala akong nadatnan.

"Kauri?!!". tawag ko ngunit walang sumasagot. Nagsimula na akong makaramdam ng takot at pag-aalala. Nasaan ka na ba Kauri?. Please huwag ka munang umalis.

Nagpunta ako sa mga bahay -bahay para magtanong pero walang nakakita sa kanya. Papalubog na rin ang araw ngunit wala parin siya. Nawawalan na rin ako ng pag-asa.

Iniwan na ba ako ni Kauri?. Bumalik na kaya siya sa lugar nila?. Nag--nag-pa...nagpakasal na kaya siya sa Zamia na iyon?. Hindi ko maintindihan., Ang sakit. Iniisip ko pa lang hindi ko na kaya. Ramdam ko ang mainit na likido na tumulo mula sa mga mata ko.

Napatigil lamang ako sa pagluha ng may makita akong babaeng naglalakad malapit sa dagat na hindi kalayuan. Mabilis akong lumapit rito dahil alam kong si Kauri iyon. Hindi ako pwedeng magkamali.

"Kauri?!". tawag ko sa kanya.

Nahigit ko pa ang aking hininga ng lumingon siya at magtama ang mga mata namin. Napakapula ng kanyang mga mata. Galit ba siya?.. Nag-aalangan man ay unti-unti pa rin akong lumapit sa kinaroroonan niya.

"A-aakala ko i-iniwan mo na ako." mahinang sambit ko sa kanya. Pilit kong pinigilan ang luhang nagbabadyang bumagsak. Ngunit hindi siya sumagot. Nanatili lamang siyang nakatingin sa akin.

"Kauri?"..

"H-hindi b-ba't yun din ang gusto mo?. ". Kalmadong sambit niya ngunit may diin sa kanyang pananalita.

"H-hindi Kau--...

"Ayaw mo nun?. Wala nang gagambala pa sa'yo. Wala nang magiging pabigat sayo. Wala ka nang  aalagaan pang halimaw. Wala ka nang--.

"Tama na!. Kauri ano bang pinagsasabi mo?!. Hindi ko gustong mawala ka sa'kin. Hindi ka nakakagambala dahil ikaw ang importante sa akin.! Hindi ka pabigat dahil ikaw ang dahilan kung bakit nagiging magaan lahat ng problema ko , makita lang kita at higit sa lahat hindi ka halimaw dahil prinsesa kita! Naintindihan mo ba Yun?!."

"Sinasabi mo lang yan. Pero iba ang nakikita ko. Hindi mo alam kong gaano ako nagagalit sa sarili ko sa tuwing iba ang nagpapangiti sa'yo. Nagagalit ako sa tuwing may ibang nag-aalaga sa'yo na dapat ako ang gumagawa. Masaya ka naman kay Apple, kaya hindi mo na ako kailangan."

"So ayun., Eh di lumabas din ang totoo!. Nagseselos ka kay Apple. Bakit?. Kaibigan ko lang siya at walang kahulugan lahat ng kabutihan niya.. dahil ikaw ang mahalaga sa akin Kauri.! Dahil Mahal na kita!.. naiintindihan mo ba?. Ikaw lang at wala nang iba pa!"

Nahigit ko ang aking hininga ng mapagtanto ko ang lahat nang mga pinagsasabi ko. Wtf?!. Did I just confess?😱... Napakalakas ng pintig ng aking puso na para bang gusto na nitong lumabas sa aking dibdib. Nasabi ko na ang lahat ng gusto kong sabihin and I suddenly felt the urge to kiss her in my arms and that's when I realized that my lips is on hers already..
It was so soft and passionate. I can't hear the splash of the water from the ocean. Only my heart that beats aloud. I felt belonged and complete in Kauri's arms. Parang ayoko na siyang bitiwan pa. Pero kailangan,.. Nagulat ako nang makita ang bumabalot sa katawan ni Kauri. Mas lalo pa siyang gumanda sa combination ng blue , pink at violet. Napangiti ako,. yung pangarap kong makita na maging kulay niya., heto na ngayon sa harap ko at ako rin ang naging dahilan.

Now I knew it. Hindi man sabihin ni Kauri sa akin, pero alam kong Mahal niya rin ako.

"Mahal kita....... Kristen".

_______________________

_____________________

"KAKAIBAbe"  By: Stalzee_19Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt