1

438 11 6
                                    

Lisa

"Leo, alis." Inis na saad ko at pilit na pinaalis ito sa mukha ko habang pilit niya naman akong ginigising sa paraang nakakainis, isinisiksik niya ang ulo niya sa ilalim ng baba ko na akala mo ay ipinagkakasiya ang malaking katawan niya sa maliit kong leeg."Gising na ko, Leo, tumigil ka na." May pagka inis na sabi ko, inaabot ko ang kanyang ulo at sinimulang himasin ang kanyang balahibo mula sa kanyang ulo hanggang sa kanyang buntot, nagbuga ako ng isang malalim na buntong hininga dahil matagumpay niyang nasira ang pagtulog ko.

Akala ko ay tapos na ang kalbaryo ko kay Leo pero may isa pang dumating para dagdagan ang inis ko ngayong umaga, si Luca, ang aking napakagwapong pusa, ay bigla na lamang tumalon sa aking tiyan at tuluyan ko na ngang binuksan ang aking mga mata upang humugot ng isang malalim na hininga at bumangon ng marahas mula sa maliit kong kama.

Sa wakas ay nagising ako ng dalawang alarm clock na talagang sumisira sa tulog ko sa araw araw na ginagawa ng Diyos. Naupo ako at kumurap ng ilang beses bago ako gumulong mula sa kama at tamad na hinila ang aking mga paa pababa sa kama at naglakad papunta sa maliit kong banyo dito sa loob ng kwarto ko.

Isang maaliwalas na Lunes ng umaga ang sumalubong sakin paglabas ko ng kwarto, habang tumatalon pababa ng aming gawa sa kahoy na hagdanan, nakikinig sa kanta na patuloy na tumutugtog sa aking isipan mula kagabi, Gone by Park Chaeyoung. Yung sikat na soloist sa Korea na kinababaliwan ng kaibigan kong manok.

Pagbaba ko ay agad kong naamoy ang niluluto ni mama, fried rice na may itlog at tuyo, may kapares na hot chocolate drink na nasa paborito kong baso na nakahanda na sa lamesa.

"Napakasarap talaga gumising pag ganito, malas lang ni Jisoo at wala siya dito." Mahinang saad ko habang papunta ako sa kusina.

"Good morning to the most beautiful woman on earth!" Masiglang bati ko pagpasok ko sa pintuan ng kusina, sa totoo lang, wala talagang literal na pintuan, isang divider lang ang nakaharang sa magkabilang gilid at naglalagay ng puwang sa gitna para maging daan papasok ng kusina.

Napalingon si mama sa balikat niya at ngumiti ng matamis sakin bago ulit siya humarap sa niluluto niya. "Umupo ka na diyan Lisa at sandali nalang ito." Utos ni mama na agad ko namang sinunod. Maya maya pa ay bumukas ang pinto sa may banyo na nakapwesto dito sa baba at lumabas ang papa ko na bagong ligo.

"Good morning." Bati niya habang naglalakad siya papunta kay mama at hinalikan ito sa pisngi, gumanti naman ng halik si mama at tinapik ang mukha nito ng mahina. "Good morning Lisa." Bati ni Papa sakin bago ito umup sa kabilang upuan.

"Good morning, Pa." Bati ko pabalik at inabot sa kanya ang kape na nakahanda na sa lamesa, ngumiti lang ito bilang pasalamat bago humigop sa kape niya at pagkatapos ay binuksan niya ang newspaper na nasa gilid niya.

Hindi ko tunay na ama si papa kasi pangalawang asawa lang siya ni mama, isa siyang Swiss na nakilala ni mama noong nagtatrabaho pa siya sa Switzerland bilang isang waitress sa isang restaurant. Isang araw, naghahanap daw si Papa ng isang restaurant na nagseserve ng masarap na pagkain, taoos pumasok siya sa isang restaurant kung saan hindi niya inaasahan na makakasalubong niya ang babaeng makakakuha ng atensyon niya, at duon sila nagkakilalang dalawa.

Love at first sight daw sabi ni Papa nung first time niya makita si Mama, he courted her, pero nung mga oras na yun,  hindi pa daw handa si Mama na pumasok sa bagong relasyon kasi bagong hiwalay pa lang daw sila nung tunay kong ama, but due to Papa's persistent, sinagot na din siya ni Mama, after three years of working out of the country, nag decide na si Mama na umuwi dito sa Pilipinas para alagaan ako dahil mag aapat na taon palang ako nun, Pinilit daw ni Papa na sumama sa kanya, sinabi niya kay Mama na handa siyang iwanan ang yaman at ang kanyang sariling bansa upang makasama lamang siya at heto na nga sila ngayon.

Just Drive [JENLISA]Where stories live. Discover now