Miss na Kita

7 1 2
                                    

Entry 021 - 07/17/19
MISS NA KITA

Sa bawat araw na ika'y wala, laging hinahanap
Init ng iyong bisig at mahigpit mong yakap.
Isang bagay lamang ang tanging hinihiling--
Dumating ang oras na muli kang makapiling.

Sa kada pagkikita ay lubos na nananabik
Sa iyong mga lambing at sa matamis mong halik.
Mga pangamba ko'y biglang nawawala
Sa bawat oras na tayo'y magkasama

Ako'y nagagalak, ako'y kinikilig
Sa oras na marinig ko ang malambing mong tinig.
Hindi ko maiwasan na minsa'y matulala
Pag pinagmamasdan ko ang maamo mong mukha.

Biglang nabablangko ang aking isipan
Kapag kamay mo'y aking mahahawakan.
Puso ko'y tila sasabog sa sobrang kaba
Sa tuwing paningin natin ay magtatama.

At higit sa lahat, ako'y natitigilan
Kapag ako'y iyong sinasabihan:
"Kumusta ka mahal? Namiss mo ba ako?
Nandito na ulit ako, I love you po."

A Loner's Random ThoughtsWhere stories live. Discover now