{ s o u l 1 0 }

13.6K 241 34
                                    

Updated na po ang Broken Soul!! Please Do Support it!! Ahihihi 45 Votes and 25 Comments for the NExt Chapter!!

--

Chapter 10

JEANNA’s POV

 

Nang magising ako wala na si Amiel sa tabi ko, bumaba ako at nakita ko si Henry na nakabihis “Mama, bakit di ka pa nakabihis ha? Sabi ni Tito Amiel, pupunta tayo Star City!” sabi nya sa akin. Hinanap ng tingin ko si Amiel, nakita ko sya na nakabihis na hinahanda ang mesa “Magbihis ka na mamasyal tayo ng bata” sabi nya sa akin.

“DALI MAMA! DALI!!” sigaw sa akin ni Henry at hinila ako pataas ng bata ‘dahan dahan madadapa ako” sabi ko sa kanya at saka ako tumawa ng mahina. “dali mama! Dali!” sabi nya sa akin  nagligo ako at nagbihis nang malapit na akong matapos pumasok si Amiel sa kwarto napaatras ako “Magbihis ka, para kang manang sa suot mo, wala ka bang ibang damit kundi yan?” tanong nya sa akin. Pumunta sya sa may closet at kumuha ng piraso ng Tshit at Pantalon “yan ang suotin mo at ng magmukha kang tao” sabi nya sa akin tumango ako sa kanya at saka yumuko “saka pwede ba pag makikipagusap ka sa akin wag kang yuyuko, di ako sahig” sabi nya sa akin.

“O – okay” sagot ko sa kanya.

Sinuot ko ang damit na binigay nya sa akin. Nagbyahe kami papunta sa Star City, excited na excited si Henry na sa entrance pa lang ay takbo na ng takbo, dumiretso sya sa bumper car. Gusto daw kasi nyang saktan iyon “TITO AMIEL! RIDE TAYO DOON!” sabi nya dito. Pumayag naman si Amiel at sumakay sila ng bumper car, nakakatuwang panoorin silang dalawa. Para silang mag ama sana pwede na lang na si Amiel ang ama nya pero impossible, ayokong ipaako kay Amiel ng tuluyan ang bunga ng kasalanan ko sa kanya.

Nang matapos silang maglaro sa bumper car, sa carousel naman ang sunod na sinakyan nila. Nagstar flyer sila, at kung ano ano pa, ako nanonood lang pinupunasan ang pawis ang bata sa tuwing mapapawisan sya “Order the Lunch, may pupuntahan lang ako” sabi sa akin ni Amiel at nagiwan sya ng pera sa akin.

“Mama, ang bait ni Tito Amiel No?” tanong nya sa akin. Tumango ako sa kanya “Henry, wag kang masyadong malikot pag kasama mo ang Tito Amiel mo ha? Wag mo syang iinisin” sabi ko sa kanya “Opo Mama, di ko po iinisin ang tito!” sabi nya sa akin. Di nagtagal bumalik na si Amiel na may dalang paper bag.

“Oh sayo!” sabi nya at hinagis nya sa akin iyon. Kinuha ko naman at binuksan iyon. Tatlong pirasong scarf ang laman nun “para malabhan mo na yang gamit mo” sabi nya sa akin at kumuha sya ng juice. “Salamat” sabi ko sa kanya at saka ako nayuko ulit “Diba sabi ko wag kang titingin sa sahig kung kausap mo ako? Mukha ba akong lupa ha?!” tanong nya muli sa akin.

Tumingin ako sa kanya, nakita ko ang expression nya para syang naiinis dahil sa inaasar mo sya, ngumiti na lang ako at saka tinabi ang paper bag, nang matapos ang araw napagod masyado si Henry kaya nahiga sya sa likod ng sasakyan. Nakaunan ito sa hita ko habang hinihintay na makarating kami sa bahay “Tito Amiel thank you po sa paglabas natin” sabi nya kay Amiel “ we will do it again next week, you don’t need to worry” sagot naman nya dito.

Broken Soul [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon