Final Chapter

12.3K 231 13
                                    

May Epilogue pa po ito! AHAHAHA XDD sana magustuhan nyo comments please!

--

Final Chapter

Hinihintay ko na matapos ang lahat, nakapikit ako habang hinihintay ang paglabas ng doctor sa hospital. Di ako mapakali, di ko maintindihan ang nararamdaman ko. Kaba, ang nararamdaman ko dalawa ang nanganganib na nawala sa akin. Si Jeanna at ang anak namin, natatakot ako na masaktan ng lubos, natatakot akong mawala sya sa akin.

Mamaya maya ang ibang doctor sa loob ng kwarto tumingin sya sa akin at agad akong tumayo tinanggal nya ang face mask nya at tumingin sa akin “The patient is now safe” sabi nya sa akin napabuntong hininga ako ‘But I am sorry we failed to save the baby” dagdag pa nya sa akin.

Masakit parang tumusok sa puso ko ang nadinig kong iyon “She will wake up tomorrow, wag nyo muna syang pakainin for a week, nasunog ang lining ng bituka nya dahil sa nainom nyang bleach” sabi nya sa akin.

“Sige po” sabi ko sa doctor nakita ko na nilabas si Jeanna sa loob ng kwarto at nilipat sa room nya pumasok ako, I waited for her to be settled. Nang matapos na sya ayusin hinawakan ko ang kamay nya “Mabuti naman ligtas ka na” bulong ko sa kanya.

“Yung baby natin, di na daw naligtas.. pero wag kang magaalala di naman ako galit sayo, Natatakot lang ako sa maaring maging reaksyon mo” sabi ko sa kanya at hinalikan ang kamay nya “Jeanna, di ko na alam ang gagawin ko para gumaling ka” sabi ko sa kanya hinaplos ko naman ang pisngi nya.

TOKTOK!!

Narinig ko ang pagbukas ng pintuan matapos ang katok may pumasok, si Doc. Arthur lang pala ngumiti ito sa akin at tiningnan nya si Jeanna “Amiel, we need to what is best for her” sabi nya sa akin.

OO alam ko iyon, ang dalhin si Jeanna sa mental hospital para doon na magpagaling para umayos na ang sitwasyon nya. Naiintindihan ko naman eh, pero--- ayokong malayo sa kanya ang gusto ko kasama ko lang sya, kasama nya ako habang nagpapapagaling. Gusto ko maramdaman nya na andito ako.

 

“Amiel, mas makapapagpokus sya pagpapagaling kung andoon sya saka maigi na rin na di mo sya kasama para di sya mahirapan, nagkakaworries si Jeanna sa tuwing magkasama kayong dalawa” sabi nya sa akin “At nakakaapekto ito sa paggaling nya” sabi nya sa akin.

“Leave her for a while” dagdag pa nya sa akin napapikit na lang ako “Di ko kayang iwan si Jeanna” mahina kong sagot sa kanya “Pero gagaling sya, Amiel you need to leave her para di sya umasa sayo para naisin nya na mas gumaling” sabi nya sa akin.

“Amiel, di ko sinasabing hiwalayan mo sya, stay with her but be far from her… Hanggang di pa sya magaling o umayos man ang sitwasyon nya. Wag ka munang magpapakita sa kanya, kayong dalawa ni Henry” sabi nya sa akin.

Tumulo ang luha ko ‘Paano kung hanapin nya ako?” I asked him.

Broken Soul [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon