Prelude

158 8 0
                                    


This book is a work of fiction. Names, characters, places and incidents are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental.

Plagiarism is a crime.

Date Started: March 1, 2020
Date Finished: April 29, 2020

The Writer's Point of View
By KhatlynHope

Happy Reading!

__

Prelude:

Sa isang pikit mata, ika'y aking nakita,
Puso'y nawala no'ng ikaw ay unang matanaw.
Hindi inaakalang puso'y mahuhulong sa'yo.
No'ng ating mata'y nagtagpo, puso'y nagtampisaw sa tuwa.
Inaakalang... tayo'y kapwa ay nakatadhana.

Pero... sa isang pikat mata,
Ika'y nakitang may kasamang iba
Isang binibining tila hindi ko katulad,
Sapagkat... ako'y may akda nitong tulang ginawa,
Habang kayo... ang isinulat ng tadhana.

"Miss Lopez..."

Natigil ako sa pagsusulat sa'king kwarderno nang marinig ang mala-kulog na boses na 'yun.

Lakas loob akong nag-angat ng tingin sa harapan, kung nasaan si Miss Tabamo. Ang kilalang terror teacher sa Rosemary High. 'Di ko mapigilang manginig at mapalunok sa paraan ng pagtingin nito sa akin. Tila ba'y isa siyang dragon na handa akong bugahan ng apoy.

"Y-Yes, ma'am?" Tanong ko.

Pansin kong nasa akin lahat ng tingin ng aking mga kaklase. Sa mga reaksyon pa lang nila, alam ko na ang pinapahiwatig.

"Patay ka, Lopez."

"Alam mo bang ayaw na ayaw ko sa mga estudyanteng hindi nakikinig sa leksyon ko?" May halong gigil na sabi ni Ma'am Tabamo. "Stand up!"

Agad akong napatayo sa sigaw niya. Takte! Pinaglihi ba sa kulog itong si ma'am? Pinagpapawisan na ako ng malamig. Kung ano ba kasing katangahan ang pinaggagawa ko!

"What are you writing during my class, Miss Lopez?" Natatakot na tanong ni Ma'am Tabamo. Hindi ako kumibo. Mas lalong nagkasalubong ang kilay niya. Kulang na lang ay mag-fusion ang mga ito. "Ano hindi ka sasagot!" Ubod na lakas niyang sigaw. Halos mahulog ang eyeglasses ko dahil sa vibration ng boses niya. Maging ang mga kaklase ko ay takot na takot.

Napalunok ako. "I'm sorry, ma'am."

"Sorry? Anong magagawa ko sa sorry mo!?" Anito.

Napangiwi ako. What!? Nagsihiyawan naman ang kaklase ko.

"Boom!"

"Akala ko ikaw ay akin!"

"Sana all!"

"Quite! Quite!" Sita ni ma'am.

Halatang isang asar na lang ay paniguradong lahat kami'y sa guidance office ang bagsak. Sabi nga nila, the students that stays together, graduates together! Happy one family ika nga.

Ink in Our FateWhere stories live. Discover now