Magkasalunggat

26 0 0
                                    

Ako'y naglalakad papalapit sayo
Ikaw nama'y sumisibad papauwi sa inyo
Bakit lagi kang umiiwas sa pag-ibig ko
Lahat ng ginawa ko'y wala lang sayo




Kung saan  masaya't naging totoo
Ikaw nama'y malungkot at nagloloko
Sa pagsasalita't pagsusulat ko'y kay haba
Sagot mo lamang ay kay ikli't kay sama



Nasa entablado ako't nagtutula
Tanging hiyaw lang ng iba aking nakikita
Umamin ang pusong baliw sayo
Hindi man humihingi ng kahit ano


Halos malublob na ang sarili sa mga libro
At ikaw pana'y lang ang tawa't biro
Ako'y nasa bahay, paaralan o simbahan
Ikaw naman? Diba nasa computer shop na naman?


Kung saan seryoso ako't tapat sayo
Doon ka nagbibiro't tinatawanan ako
Ilang search, stalk at chat sayo
Ngunit haha, seen ,likezone lang ako



Gusto kita dahil magkasalunggat tayo
Lahat ng mga minamahal mo'y mahal ko
Lahat kaya kung gawin para sa iyo
Kahit na masaktan at magsakripisyo ako


Andami ko ng linyang pinaparinig
Hindi ko alam, bakit pinaglihi kang manhid
Sa bawat taban ng aking kamay sayo
kagya't mo na mang inaalis at matuling tatakbo!





*********
Salamat sa patuloy na nagbabasa😘
Lahat po ng tulang ginawa ko ay iyon ang naging karanasan ko at nararamdaman ko😊 may iilan na relate lang ako sa mga taong nakakausap ko kaya't ang mga nararamdaman nila ay sinusulat ko😊


🖤MissLdine07🖤

Part 2: Anyong TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon