Hindi nawala ang pagmamahal ko sayo
Tumingin o lilingon man sa ibang tao
Masasayang araw man ay maglaho
Nakangisi't nakatayo pa rin akoLaging tanaw ang iyong pagtawa
Hinahangad na muling makapiling ka
Masaya na akong masaya ka sa iba
Pag-irog mo'y 'di sa'kin kundi sa kanyaMay nakaraan man sa'ting dalawa
Nakasama't nakilala ang isa't isa
Dumaan sa pagsubok na agad namang sumuko
Nais sanang ayusin, ngunit bigoDalangin na sana sa iyong paglalakbay
Mahanap mo ang para sayo habambuhay
Hindi tulad ko na biglang bibitaw
At kung aayusin ating relasyon ay agad na akong aayawTanging dalangin ko para sa inyo
Sana magtagal kayo
Yung hindi tulad sa atin noon
Na kahit binigyan pa ng pagkakataon**********
Salamat sa nagbabasa😘Hindi bitter ang linya noh? nagparaya kasi mahal niya 😊 at tinanggap na ang katotohanan na may iba ng mahal ang dating mahal niya😄 Kaya MAGDIWANG TAYO🍻🎉🎆 ... tantararan taran🎉 Wooohhh!!! 😂 Request ng lalaking kaibigan ko yang tulang yan, Una nag-interview muna ako sa kanya kung anong dapat na content at kung anong nararamdaman niya😂 At nung napakita ko na yung tula, Sakto raw😂😂 hayssss.... Sana all🎉🎉
🖤MissLdine07🖤
![](https://img.wattpad.com/cover/194636763-288-k244724.jpg)
YOU ARE READING
Part 2: Anyong Tula
PoetryPatungkol sa daloy ng karanasan sa buhay Maaaring maintindihan o ika'y magulumihan -Please! Read my poems! It's about days the I've experience happiness and sadness. Be a reader of my masterpiece when I was in Grade 9 and 10- Good luck!💖