Chapter 4.2. Date?

8.2K 213 4
                                    

Inis, yon ang ensaktong damdamin na nararamdaman niya sa mga oras na iyon. Hindi niya alam kung ano ang nakain ng binata na agad-agad ang coldness nito sa kanya. Hindi niya malaman ang dahilan kung bakit katiting na pagkakamali niya nakita pa nito.

Padabog niyang initsa ang libro sa lamesa at umupo at dahil sa sobrang inis niya sa lalaki hindi tuloy siya nakapag audition sa debating team. Oo nga at winelcome na siya nito at alam niyang matatanggap siya but the fact na naiinis siya sa lalaki nawalan na siya ng ganang magpakita dito.

OO mahal niya ito, but it doesn’t change the fact na wala itong katiting na pagnanasa esti respeto sa kanya. Well, hinalikan siya nito pero sapat kaya ang mga halik nito upang pawiin ang naghuhurumintado niyang puso.

Napaigtad siya ng may tumawag sa kanya, ng lingunin niya ito si Ms. Anne ang librarian nila. Lumapit siya dito at nag bigay galang.

“ Magandang hapon po mam, bakit ho?”

May kinuha itong nakasalansang libro sa isang paper bag at ibinigay sa kanya.

“Paki hatid sa faculty room ng Education Department Grace, kailangan daw iyan ni Dr. Salas ngayon”.

Kinabahan siya ng lihim. Education Department?

So it means na makikita niya si Mr. Real? Sagot ng isip niya.

Tumango siya sa librarian at nagpa-alam na rito. Ngumiti lamang ito bilang tugon.

Habang patungo sa faculty room samot saring ideya ang naglalaro sa kanyang isipan.

Pakiwari niya parang naka lutang siya sa cloud nine sa sobrang kilig na nararamdaman sa mga oras na iyon. Hindi kasi niya alam kung bakit ganon nalang ang kaba niya.

Kahit naiinis siya sa lalaki hindi maitatwang nagustohan niya ang takbo ng love life niya. Binigyan kasi siya nito ng dahilang ngumiting mag-isa, magalit ng walang dahilan at kiligin to the maximum level meaning nagiging abnormal ang tibok ng puso niya simula ng pansinin na siya nito.

At inaamin niya naging colorful na ngayon ang lovelife niya at marami ding nagsabing naging mas maganda siya ngayon hindi nga lang seksi…oppppsss..napahiya tuloy ang belbel niya.

Pumasok siya na walang ka abog-abog sa faculty room at laking gulat niya ng magtama ang mga mata niya sa mga matang kay tagal na niyang pinapangarap. Nagbawi siya ng tingin at hinagilap ang tao na pakay niya ngunit…..ng tignan niya ang buong lugar....sila lamang dalawa ang tao sa faculty room!

Biglang bumilis ang tibok ng puso niya, pakiramdam niya aatakihin yata siya sa sobrang excitement.

Tumayo ang lalaki at sa isang iglap nasa harapan na niya ito, 4 inches apart from where she is standing right now. She can feel and smell his manly scent. Ang sarap sa ilong ng pabango nito pakiramdam niya nakalutang siya sa mga sandaling iyon.

“Ssir…sssan po pala ang table ni Dr. Salas, ilalapag ko ho itong librong hiniram niya sa library?”nagkautal.utal siya sa sobrang kaba

Hindi siya makatingin dito dahil baka hihimatayin siya sa sobrang kaba.

“ There…..” swabeng itinuro nito ang lamesa at dali-dali naman niyang inilagay ang libro upang maka-alis agad but before she can do it hinila nito ang braso niya at wala sabi sabing hinalikan siya nito sa labi. Mapusok, mapaghanap. Napapikit na lamang siya at kusang yumakap ang dalawang kamay niya rito. She can feel his tongue in her mouth…playing her tongue in a very sensous manner. Isa lang ang alam niya sa mga oras na iyon she really wants him….and needed him so badly….

Ini lock nito ang pintuan ng faculty room isinandal siya nito sa likod ng nakaharang na malaking cabinet. Ang cabinet ang nagsisilbing harang sa conference room ng mga teachers.

At sa wakas pinakawalan din nito ang kanyang mga labi, habol pa nila ang kanilang paghinga ng matapos ang halik na iyon. Hindi siya makahuma sa mga nangyayari.Nagbaba siya ng tingin at alam niya nakakahiya na halos pinaubaya na niya ang sarili ditto.

“ God, I miss you baby”.. saad nito sa mahinang beses at hinawi ang buhok na tumatabing sa kanyang pisngi. Hinaplos nito ang kanyang mukha at marahan na itinaas iyon upang mag tama ang kanilang mga mata.

“ Hey look at me…..” kinabig siya nito upang mayakap at nagsalita ito ng mahina..

“Please meet me tonight, outside the campus at 8:00 pm”. Hinuli nito ng tingin ang kanyang mga mata. Hindi siya makapaniwala sa mga tinuran nito.Tumango siya rito bilang pagsang-ayon.

Kinabig siya nito ulit at hinalikan sa labi, this time marahan lang parang nanunudyo. She responded to his kisses at sa kanyang pagka dismaya bigla siya nitong binitiwan.

“8:00 Pm okay. That’s a date” She can sensed a finality in his voice that made her nod out of the blue.

Forbidden LoveWhere stories live. Discover now