CHAPTER 15: The Threat!

6.2K 143 2
                                    

Narinig niya ang matinis nitong halakhak sa kabilang linya sa wari niya’y parang baliw itong naliligayahan sa kaba niya sa mga oras na iyon. She felt as if she is playing her feelings at kaya siya nitong paikutin sa mga palad nito ng basta ganon na lamang.

Dahil ba sa mayaman ito?Kaya na nitong kontrolin ang buhay niya?

Hindi siya makakapayag na basta na lamang siya nitong takutin o tanggalan man lamang ng scholarship……she will fight what it takes.

“Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa Grace, iwan mo si Renz” maotoridad nitong sabi sa kanya ni walang bahid na paki-usap man lamang.

Napaigtad ang kilay niya sa mga namutawi nitong salita.

“Hindi ako bastos Grace…but if you will not leave him I can and I will make your life MISERABLE……”mahina ngunit binigyan nitong diin ang huling salitang sinabi.

Napabuga ng hangin sa Grace sa tinuran nito, dahil alam niyang kaya ng babaeng gawin ang mga pananakot nito sa kanya.Ngunit hindi siya tanga upang maging puppet nito o gawin nitong tauhan.

“Tinatakot mo ba ako?” mahina ngunit palaban niyang sabi dito. Sa pakiwari ni Grace biglang nanginig ang kanyang kamay at kating-kati na ang mga ito na sabunutan ang antipatikang babae na nasa kabilang linya ng telepono.

“Hindi, but I am just reminding you kung ano ang kaya kung gawin sayo, do I have to repeat it for you?”

Uminit ang sintido niya at bigla siyang nag-alburoto sa inis.

“Hindi ako bingi…..but I’m sorry….hindi mo ako manika na kung anong gusto mo ay siyang susundin”.

“Well then…….bibigyan kita ng isang linggo to think it over so enjoy most of your time with him ba bye girly bitch!” yon lang at binagsakan na siya nito sa telepono.

Napaigtad siya sa pagkabigla at naiinis na ibinalik ang receiver ng telepono. Napailing na lamang siya. Inaamin niya sa sarili na natatakot siya kung ano ang kayang gawin ng babae sa kanya at ang lalong kinatatakutan niya ay ang pwede nitong gawin upang magkahiwalay sila ng binata.

Napahilot siya sa kanyang sintido dahil sa pakiwari niya para siyang itinulos sa kanyang kinauupuan. Things are getting complicated between them. Ngunit hindi niya hahayaan ang sino man na sirain ang namumuong magandang relasyon nila ng binata. Maybe it’s not a promise of a happy ending love story but all she can tell right now that she loves him and she is very much willing to take risks.

Naputol ang pagmuni-muni niya ng ipinatawag daw siya ng kanilang librarian. Kalmandong tinungo ni Grace ang opisina nito. Pumasok siyang may nakapaskil na ngiti sa kanyang mga labi ngunit napamaang siya ng mabungaran ang sandamukal na mukha ng kanilang librarian kulang na lamang na batuhin siya nito sa 4 inches nitong takong.

“What the hell grace, kay aga-aga ang dami mo na namang palpak, Ano ba gamitin mo na man yang utak mo kung minsan” ngumuso pa ito upang maemphasize ang full lips nito na kung titignan mapagkamalan itong clown keysa tigre.

Katawa-tawa naman talaga ang hitsura ni Ms. CLOWN este ng kanilang librarian.

“Ms. Hindi ko po alam kung anon a naman ang nagawa kung kasalanan at nagalit kayo ng ganyan pwede ho ba paki explain ho”

Tumayo ito at nakapamewang sa harapan niya. At kahit nakasuot na ito ng apat na pulgadang takong magmukha parin iton unano sa height niyang 5’7.

“Tumawag ang Engineering department, mali-daw ang naibigay mong control numbers ng kanilang mga libro, ang dali-dali lang naman ng pinapagawa ko sayo hindi mo pa nagawa ng maayos”. Tumaas ang kilay nito hanggang noo, hindi na niya alam kung sino ang kamukha nitong comedy artist si pokwang ba o si ai-ai.

“Ms. Naman na check ko ho yan ng makailang beses, tama naman hong lahat ang ibinigay ko sa kanila kahapon, baka naman ho nagkamali sila ng pag-check”

Sukat sa sinabi niya lumaki ang butas ng ilong nito at padabog na umupo ulit.

“Hmpp..ayaw ko ng maulit ito Grace, maliwanag?.....ayaw kung maging palpak kayo.” Kalamado na itong nagsalita at tinignan siya ng may pag-alala.”

“Okay you can go now”

Tumango siya at walang kaabog-abog na umalis. Nagtataka siya sa aligasyon nito, alam niya sa sarili niya na mali ang nasagap nitong balita dahil makailang-ulit kaya niyang chineck ang mga control numbers bago niya ifinorward sa Engineering dept.

That is so impossible allegation….hindi pa siya nagkakamali sa aspetong iyon ng kanyang trabaho. Napabuntonghininga siya at pumwesto na lamang pabalik sa kanyang trabaho ngunit napamaang siya ng tumunog ang phone niya with a text message in it. Hindi nakarehestro ang number ng nagpadala ng mensahe ngunit ang nakapagtataka ay ang mensahe nito.

“See? I can make your life miserable darling…trust me….this is just the beginning….”

Para siyang nawalan ng lakas matapos mabasa ang mensahe at kahit hindi na ito magpakilala alam niyang galing iyon sa makati at malanding babae.

Napabuntonghininga siya sunod-sunod ngunit napaigtad siya ng may kumalabit sa kanyang isang estudyante.

“Ms. may nagpapabigay” ang nakangiting mukha nito ang nabungaran niya

Actually it is just a small paper folded in many ways na may nakalagay na scotch tape sa gitna upang hindi madaling buksan. The paper is completely sealed.

Dahan-dahan niyang binuksan iyon at sumilay ang kakaibang ngiti sa kanyang mga labi ng mabasa ang nakasulat dito.

“Meet me in the graduate school section, 3rd passage left wing”

Iprinoseso ng makailang ulit ng kanyang utak ang note na nabasa at ng maliwanagan sa direksyon at kung sino ang nagpadala madali niya itong itinupi at tinago sa loob ng kanyang bag.

At dahil sa sobrang excitement at kaba, nakalimutan niya ang problemang kinahaharap.Nakapagdesisyon na siya hindi niya sasabihin sa binata ang ginawang pananakot sa kanya ni Suzane.At hindi siya patitinag dito lalaban siya ng patas.

Mabilis pa  sa alas kuwatrong binaybay ni Grace ang daan patungong Graduate school section, kung saan sila lihim na magtatagpo ng binata. Patingin-tingin pa siya sa paligid kung baka may nakakita o nakasunod sa kanya bago siya umarangkada patungo sa binata.

She gasped when someone hugged her from behind, and she can tell by the scent and the closeness they can get its Renz….his life…his love….

“I miss you love” mahina nitong bulong sa kanyang tainga

Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon