i met him at the city hall or nah?

97 2 0
                                    

Kasalukuyan akong naglalakad sa kahabaan ng city hall, kakagaling ko lang sa Pamantasan para sa araw araw na madugong labanan na dinaranas ng bawat estudyante. Mabuti na lang nakakasurvive pa ako sa mga nnangyayari sa pamantasan.

Sa paglalakad ko na okupado ang utak ko hindi ko namalayan na nakabanggaan ko na ang isang tao.

"miss, okay ka lang?"

Napatingin ako sa kaniya ay natanto ko na pucha ang pogi pala niya hayup sa panga si mister. Bigla tuloy akong napaayos ng tayo sa katangahan na ginawa ko.

"Fiona?" ani niya

Sigurado na kita sa aking mukha ang gulat kung bakit alam niya ang pen name ko sa isang site na pinagsusulatan ko na kung saan hindi ko naman ipinapahayag ang tunay kong pagkato

"ah, hindi po Fiona ang pangalan ko" mabilis kong puna sa kaniya pagkakasabi

Biglaan akong umalis sa kaniyang harapan at akma na itutuloy na ang pagtahak sa aking destinasyon. Ngunit, bago pa ako makaalis sa kaniyang harapan ay nahigit na niya ang aking braso.

"sorry miss pwede ka ba maaya kahit magkape lang?"

Bakas sa aking paggalaw ang hindi pagiging komportable sa paligid niya pero sa kabilang banda napansin ko din na nakauniporme siya sa kabilang unibersidad na malapit sa amin.

"bakit?" tanong ko, ang pokpok ko hindi na lang ako humindi agad.

Paano ba naman kasi ang pogi niya para siyang hulog ng langit pero may pagkademonyo ang itsura na parang hindi gagawa ng maganda pero mukang mabait, ay basta! Hayun pogi siya matipuno at mas matangkad sa akin, matangos ang ilong at perfect ang ipon parang nilapatan ng isang daang kahon ng toothpaste. Magulo ang buhok niya na medyo kulot tapos may hikaw din siya sa may gilid ng kaniyang ilong.

"Gusto ko lang na magkwento ka sa akin ng kahit na ano" ika niya na medyo nakangisi pa.

Hindi naman ako ganoon karupok kaya nagpalipas muna ako ng panahon at inantay naman niya ang king sagot.

"so ayun nga, alam mo kasi maganda talaga ang isang istorya kung bibigyan mo ng puso. Kumbaga hindi lang siya istorya, you get me?" ako na hindi na natitigil sa pagsasalita pagkatapos umoo sumama sa lalaking hindi ko naman kilala

"uhuh, but then some stories need to be finished soon because there are a lot of people or audiences na nagaantay" habang nagsasalita siya pinagmamasdan ko talaga ang mapula niyang labi, yung paglabas ng dimple niya at yung paggalaw ng adams apple niya. Walang wala yung butete awra ko.

"what I am trying to say is that a lot of writers need to think of a better idea, hindi yung todo sulat lang for the sake of audiences, kailangan din na maisip ang gagawin kaya it takes time to write. Kaya ayaw na at ayaw ko speed writing because people are just crowding on your work because they can finish it easily"

While I talked and talked ayun napadpad na kami kung saan saan, sa tinatagal ng pinagusapan naming nakatatlong buwan na kaming magkaibigan, we share a lot of ideas na pinagtatalunan naming but in the end palagi niya akong binibigyan ng daan at ngingiti na lang siya as a sign of defeat. Ewan ko ba minsan pakiramdam ko ginagawa niya lang iyon para mapagbigyan ako sa kung ano anong kalokohan ang nasa isip ko.

"hoy! Victoria nakita ko si emman nasa labas nanaman yiee" sabi ng kaibigan ko

"oh ano naman magkaibigan lang naman kami" sabi ko naman

"sus magkaibigan, kami pa ang niloko mo. Amoy na amoy naming ang kalandian mo dito"

"alam niyo kung ayaw niyong maniwal edi wag niyo" kunyaring galit na pahayag ko sa mga kaibigan ko.

Sa totoo lang hindi ko matanto kung bakit sobrang tiwala nila kay emman at nuong unang pakilala k okay emman ay para bang kilig na kilig na agad sila sa akin.

"victoria sama ka ba mamaya inuman?" aya nanaman ng aking mga kaibigan

"sige ba!" go na go talaga ako sa mga ganiyang inuman kasi minsan na lang kami makapagrela na magkakaibigan.

"sama mo na din si emman loves mo!" matapos ang paratang na iyon ay nagsigawan na ang lahat.

Lumabas ako ng pamantasan at nakita ko na si emman na nagaantay sa akin.

"emman! Sama ka ba magiinuman kami na magkakaibigan" anyaya ko sa kaniya

"sige para maihatid na din kita kapag nalasing ka nanaman" sabi niya, nanaman? Hindi ko na tinanong ko ang pahayag na iyon kahit hindi ko pa naman siya naisasama sa gala ng barkada.

Hindi naglaon ay narating nanamin ang four m, dito kami madalas tumambay at kadalasan din itong puntahan ng mga estudyante sa iba ibang unibersidad na kalapit dito sa intramuros.

Patuloy lamang kami sa pagiinuman at kasiyahan hanggang malasing. Katabi ko si emman at pinipilit niya na hindi uminom ng marami sapagkat sinabi niya na ihahatid niya pa ako.

Nakatingin lang siya sa akin at nakangiti na para bang ako lang ang taong nandoon. Marahil sa tama ng alak hindi ko na alam kung ano ang iniisip ko at hinalikan ko siya, marahan at madiin.

Ramdam ko ang kagustuhan naming dalawa sa halik na iyon na para bang matagal na naming ninanais maramdaman ang isa't isa.

"YES!" sigaw ng barkada ko na nakapagpagulat sa akin, nakinita ko rin na nagsulputan ang mga kaibigan ni emman marahil ay naanyayahan niya na rin ito.

"oh pusta ko" narinig kong sabi nila

Hindi ko alam kung anong nangyayari pero naiiyak ako sa pangyayari, ano ito? Pinagpustahan nila kami ni emman? Kasama ba si emman sa pumusta.

Naramdaman ko na lang na pinupunasan ni emman ang luha ko

"victoria wag ka na umiyak" matapos iyon sinabi niya sa mga nakapaligid na tigilan na muna ang ginagawa

"ano ba victoria ang gaga mo naman kasi!" sabi ng kaibigan ko matapos ay ipinakita ang isang video kung kalian nagiinuman din kami pero hindi matandaan kung anong petsa iyon

"five seconds may malisya, five seconds may malisya" napapanood ko sa cellphone na pinapakita sa akin ng aking kaibigan

"bakit may malisya?" tanong ko sa video kasama ang halakhak

Nagulat ako na nasa video din si emman at nakatingin ako rito. Matapos ang halik sa bidyo ay nagiwan ako ng kataga.

"kapag nagkita ulit tayo tapos hinalikan kita papakasal ako sa iyo" sabi ko

"sige, promise yan ah!" sabi naman ni emman at naghiyawan na ang nasa background at narinig ko na nagpupustahan na sila na magpapakasal nga kami.

Matapos ang bidyo ay tumingin ako na nahihiya putsa! Minomol ko na pala sig ago kaya ako kilala tangina!

"ano victoria pakasal na tayo?" nakangiting sabi niya

Napangiti na lang din ako sa kamomol ko.



vote.comment.follow me ヽ(o^▽^o)ノ

The Story of UsWhere stories live. Discover now