1989 - kamalig

57 2 0
                                    

marso 1989

Nagmamaktol ako dito sa aming lupain, ipinatapon ako ng aking ama dito dahil napagalaman niya ang mga kabulastugan ko sa buhay. Ano ba ang kaniyang magagawa, sa edad na dise-otso ay nagiisip ako ng mga masasayang bagay na magagawa ko sa aking buhay.

Wala akong nagawa ng ibagsak niya sa akin na kailangan kong manirahan muna dito sa kamalig hangga't hindi ako nagtitino.

Patuloy ako sa paglalakad at biglaan na lamang nadulas maputik na lupa. Nagsitalimsikan sa akin ang putik, iritang irita ako lalo na nang makita ko ang lalaki na nakatayo lamang sa aking harapan at nakatitig sa akin para akong isang manika.

Tinignan ko din siya at nahiya naman ako sa aking itsura, putikan ako samantalang siya ay nakasuot ng puting damit na mukang pangsaka ngunit kapag binalik ang tingin sa kaniya ay mukang pangmayaman ang damit.

"senyora!" mukhang nakahupa na siya sa pagkakagulat at inialay ang kaniyang kamay sa akin.

"salamat" mahinhin ko na sabi sa kaniya

"pasensya na hindi kita agad natulungan, nagulat lamang ako" ika niya at biglang namula ang kaniyang mukha

"dahil akala mo isa akong baboy ramo na nagtatampisaw lamang sa lusak" tinukso ko siya ngunit parang totoo ang aking sinabi, mukha akong bata na naglalaro sa putik at nagmamaktol dahil sa pagpapadala sa akin dito ng aking ama

"hindi senyora, pagpasensyahan niyo na sadyang napatigil lamang ako sa inyong kagandahan" nanigas ako sa kaniyang pahayag at naramdaman ang kiliti sa aking tiyan.

"senyora solidad!" hindi nagtagal ay naging malalim ang aming pagsasama ni manuel, hindi lamang simpleng tauhan ang tingin ko sa kaniya, alam ko na isa itong atraksiyon.

"manuel anong ginagawa mo!" pagalit kong sabi sapagkat nakikinita ko siya sa puno na kaharap ng aming terasa dito sa mansiyon

"baka kung mapaano ka diyan! Bumaba ka nga" sa kabila ng aking galit ay nakuha niya pang ipakita sa akin ang malawak niyang ngiti, ang mapuputi niyang ipin at lubo sa kaniyang pisngi

"maganda ka na nga senyora, lalo ka pang gumaganda sa aking paningin" malamyos na wika niya na nagpainit sa aking pisngi.

Tumagal pa an gaming pagsasama at napagdesisyunan ng aking ama na umuwi na ako sa maynila dahil nakita na daw niya ang mga pagbabago sa akin. Inamin ko sa kaniya ng araw na iyon ang relasyon k okay manuel

"mahal ko po si solidad, ginoong remus!" sambit ni manuel sa matapang na tono

"at ano ang ipapakain mo sa anak ko hijo! Putik!"

Hindi kami tinanggap ng aking ama at lubos itong ikinasama ng aking loob, ang aking mga kapatid ay malayang nakuha ang kanilang gusto samantalang ako ay hindi niya bigyan ng pagkakataon na magmahal.

"solidad!" nang araw na iyon naroroon nanaman si manuel nakamasid sa puno na iyon at inaantay ako na dumungaw

"tumakas tayo solidad! Mahal kita gagawin ko ang lahat para sa iyo"

Hindi kami nagalinlangan na gawin ang bagay na iyon, lumisan kami at namuhay ng tahimik

"mama! Ano na ang nangyari nung umalis si araw at sumama kay buwan?"

Ngumiti ako sa pagkabibo ng aking anak

Biglang tumabi sa akin ang aking pinakamamahal

"senyora" dinampian niya ako ng halik sa labi, nanduon pa rin ang saya at pagmamahal ko sa kaniya hindi nawawal at lalong nagiinit

"anak, natanggap sila ng mundo" pagtutuloy niya sa aking kwento

"solidad!" tawag sa akin

"uuwi na ako at tapos na ang pagiinuman naming niyang asawa mo, napagdesisyunan naming na magbukas dito sa nayon ng bagong negosyo" ika ng aking ama

Tumingin ako sa aking asawa at alam niya na ang aking nasa isip.

"senyora, kaunting tulong lang naman kay ginoo ang ibinibigay ko pasasalamat para sa pagtanggap sa akin" ika niya

Hinalikan ko siya ng malalim at may papahayag na nais ko siya ngayong gabi, ngumiti naman siya na ibig sabihin ay sabik na din siya sa akin.

"tulog na ang anak natin senyora" bulong niya sa akin

Napahagikgik na lamang ako sa kaniyang kapilyuhan, natanggap kami ng aking ama dahil sa pagsusumikap ni manuel makagawa ng kaniyang sariling pangalan. Kahit nuong una ay hirap na hirap siya ay itnaguyod niya ako at aming anak at tuluyan na kaming tinanggap ng aking ama.

"senyora tulog na, mas mamahalin pa kita bukas"

Kami ang nakatakda para sa isa't isa at tatahakin naming ang landas na ito n gaming buhay at sa susunod naming na buhay.

Nagmamahal,

solidad

vote.comment.follow_me

The Story of UsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora