42: Frank

8.3K 338 52
                                    

"Gising ka na pala."

"Anong nangyari?"naguguluhang tanong nito sa akin at talagang iginala pa ang paningin sa paligid.

"Huwag kang mag aalala. Buhay na buhay ka."nakangiting sabi ko sa kanya.

Oo! Lynn still alive.

Dito ko masasabi na talagang naghimala Siya. Na talagang totoo Siya at nakikinig lang Siya sa atin. Hindi man sa gusto mong oras Siya maghimala, pero nasa tamang pagpanahon. Dahil pinakinggan Niya ang dasal namin sa Kanya.

And God has a porpose kaya sa kahulihuliang minuto na natitira para sa operasyon sana nila ni Dylan ay naantala pa ng kalahating oras. Dahil may isang mabuting pamilya ang lumapit sa amin at sinabing i do donate nila ang puso ng anak nila na wala na tyansang mabuhay pa. Because her daugther was suffering Deadbrain dahil sa car accident na kinasangkutan nito at matinding tama ang natamo nito sa ulo.

"How?"hindi makapaniwalang tanong nito.

Nilapitan ko ito at ginulo ang buhok nito ng ipatong ko ang kamay ko sa ulo niya saka ngumiti.

Kaya naman sinimulan ko ng ikwento sa kanya ang kabuuang nangyari kanina, back at 10 hours ago mula ng maipasok siya sa OR.

*****

Flashback:

Pigil ko man ang luha ko ay hindi ko mapigilan ang panikipan ng dibdib dahil sa operasyon ng asawa ko at si Lynn na magsasakripisyo para sa kapatid niya.

20 mins.

15mins.

10mins.

At talagang pabigat ng pabigat ang nararamdaman ko.

5 mins. Hanggang sa pumasok na ang doctor sa OR.

Wala ng makakapigil pa. Mayroong mabubuhay kapalit ng isa pang buhay.

Tuluyan ng tumulo ang luha ko para kay Lynn. Ang sakit sa dibdin dahil kailangang siya ang magsakripisyo. Bakit? Bakit kailangang siya pa.

Kulong ko ang mukha ko ng dalawang palad ko dahil hindi ko na talaga mapigilan ang mapaiyak. Saka naman dumating si tito Nathaniel.

Tinapik niya ang balikat kaya naman napatingala ako sa kanya. Umiling ito at kita din sa mukha nito ang lungkot. Pinipigilan din nitong maluha kahit kitang kita na ang pamumuo ng luha niya sa mga mata.

"Talagang ganyan Frank. Wala na tayong magagawa sa magiging kapalaran nila."

"Pero ang sakit din isipin tito. At alam kong hindi din matatanggap ni Dylan ang lahat ng ito kapag nagising na siya at malaman na ang ipinalit sa puso niya ang ang puso ng kapatid niya."

"Kaya kailangan natin mag isip ng idadahilan sa kanya. Kailangan-." Hindi na naituloy ni tito Nathaniel ang sinasabi ng biglang may tumakbo palapit sa OR.

"Open the door."sabi ng isang doctor na ngayon ay kasamang nagtutulak sa trolley bed na may nakahigang pasyente na halatang malala din ang sakit na ngayon ay ipinapasok sa OR. Na agad namang binuksan ng isang nurse iyon.

Nagkatinginan pa kami ni tito Nathaniel dahil doon. The OR was occupied bakit kailangang doon ipasok ang pasyente nila. May isa pa namang OR kung gagamitin nila.

Kaya naman kinabahan ako sa posebleng mangyari. Paano kung magkagulo sila sa loob. Agad kung nilapitan ang isang nurse na lumabas sa OR matapos maipasok ang pasyente nila.

"Anong nangyayari? Bakit nila ipinasok doon ang isa pang pasyente. Hindi ba nila nakikita na occupied ang OR?" May galit at pag aalalang tanong ko dito.

✅Falling Inlove With My Wife's Brother (BOYSLOVE)Where stories live. Discover now