TULDOK

32 4 7
                                    

Di ko maintindihan kung bakit dito tayo humantong
Ang sabi mo sa akin walang iwanan
Ako ang sagot sa iyong mga tanong
Pero bakit nagkaroon ng hanggan

Ang tila napakaliwanag na kinabukasan
Na tapos lang sa isang iglap ng iyong pag tanan
Sa gitna ng akala kong walang katapusan
Bigla kang pumiglas ng walang paalam

Paano na ang mga plano at pangako
Sino na ang sasalo sa nasawi kong puso
Ang lahat ng ating pangarap linagyan mo na ng dulo
Di man lang ako nakapag paalam sa bigla mong paglaho

Alam mo ba ang sarap mong hatakin diyan sa langit
Gusto lang kitang muling makapiling
Nakakalungkot man itong isipin, nakakagalit
Na di ka na magawang yakapin

Iniisip na lang na ang pagtuyo ng mga luha sa hangin
Ay ikaw na pumapahid sa aking mga mata
Na ang pag sikip ng aking dibdib
Ay ikaw na yumayakap ng mahigpit, aking sinta

Tila nawalan ng gana sa atin ang tadhana
Nabulag yata sa ating kinubukasang sobrang matinang at masaya
Pero nais ko sa iyong ipaalam
Sa iyong pagpanaw, pag-ibig ko'y iyong dala

◀⏮▶-✒·~〰〽.·.°·✴☪⚫❇.°·*.

Haraya ng PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon