PAGMULAT

17 3 1
                                    

Umaga na at nandito ka parin sa aking tabi
Ang akala kong hindi magtatagal
Ay siya pala ang mananatili
Ramdam ko pa ang dama ng iyong mga labi

Mga katawan parin ay nangangaligkig
Dulot ng malakas na hanging malamig
Magkatabi parin tayong naka yapos
Hinihiling na sana hindi mag tatapos

Sana hindi na sumikat ang araw pa
Kahit sa ngayon lang naman
Nais ko pa naman sanang lasapin pa
Ang hindi inaasahang palasintahan

Ang sarap magising kasama ka
Pinagmamasdan ang iyong angking ganda
Tila naka tingin sa isang bathala
At tila ako'y nahulog na sayo sinta

◀⏮▶-✒·~〰〽.·.°·✴☪⚫❇.°·*.

Haraya ng PusoWhere stories live. Discover now