6 : TPKNMAGRNS

53.1K 1.6K 160
                                    


'Tong puso kong nasasaktan, minsan ay gusto rin namang sumaya - Jules

-----

Kaetlyn Julianne

Gabi na ng matapos kaming kumain. It was a really great night for me. Wala akong ginawa kundi ang lumamon habang nakikipag-usap kay Gino.

" Huy salamat, Gino. Feeling ko isang kilo lahat lahat ng kinain ko." Wika ko sa kanya na ikinatawa niya. Sabay na kaming sumakay sa kotse niya.

" Hoy seryoso ako huwag mo kong pagtawanan diyan" Dagdag ko pa.

Nilapit niya ang kanyang mukha sa akin.

" Okay lang iyan, Seksi at maganda ka parin sa mga mata ko" Saad niya sabay tawa. Bully talaga 'tong lalaking 'to eh.

" Hoy Mr. Ayala, akala mo ba ako lang, ikaw din kaya. Ang laki laki na din kaya niyang tiyan mo"

Busog na busog ako. Ang laki laki na ng tiyan ko. Shet para akong nagmukhang buntis.

He drove. Hanggang sa daanan ay nagbabangayan parin kami. Parang wala na ngang pagod ang mga dila namin sa kakasalita.

It took us almost 30 minutes before we reached our house. Gulat ang sumalubong sa akin ng makita ko ang pamilyar na kotse na nakaparada sa tapat ng bahay namin. It was Miggy's Toyota Fortuner. Napamura ako sa aking isipan.

Nang tumigil ang sasakyan ni Gino ay kasabay non ang paglabas ni Miggy sa kanyang sasakyan. Hindi pa man ako nagsasalita ay lumabas na din si Gino. Magkasingtangkad lang sila ni Miggy. Pareho din sila ng katawan.

" Miggy, akala ko nakauwi ka na" Saad ko. Tumingin siya sa akin bago binalik ang tingin kay Gino. His eyes were threatening.

" Gino pala pare" Pakilala ni Gino kay Miggy.

" Kung ilalabas mo ang kaibigan ko, dapat marunong ka ring magbalik sa tamang oras." Wika niya sa malamig na boses.

" Miggy, alas siyete palang. Ang OA mo masyado." Umeksena na ako.

" Nahatid mo na siya. Puwede ka ng umuwi" Nagtataka akong tumingin kay Miggy na ngayon ay seryosong seryoso na nakatingin kay Gino. Si Gino naman ay parang wala lang sa kanya. Hindi manlang siya nagpatinag.

" Nagdate lang kami pare. Wala naman akong dapat ipaliwanag pa sa 'yo. Hindi naman ikaw ang magulang niya" Oh my gosh! Bakit ganon ang sagot mo Gino! Mali iyun eh! Gusto kong sabihin sa kanya pero nagsalita na si Miggy.

" Leave. Don't wait until I will personally let you leave" Untag niya. His voice was still the same as awhile back.

" Huy sorry, Gino. Pero I think kailangan mo ng umalis. Salamat ulit. Ingat ka sa pagmamaneho. Huwag kang masyadong pabida sa kalsada. Hindi mo pagmamayari iyun" Untag ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin. Nagulat ako ng hapitin niya ako sa aking bewang at gawaran ng halik sa noo.

" I will. Sinabi mo eh" Wika niya bago tuluyang nagpaalam. He just looked at Miggy.

Pagkaalis niya ay agad akong nagsalita.

" Kamusta iyung date niyo ni Aya?" Tanong ko. Tahimik lang siya habang sinusundan ako papasok sa aming bahay.

" Ikaw, kamusta iyung DATE niyo ng kumag na iyon?" Tanong niya pabalik.

" Okay naman. Masaya. Kumain kami sa labas. Uy alam mo Migs, dinala niya ako sa Fiasco tapos kumain kami ng maraming masasarap na pagkain. Ang dami niyang inorder kaya ayun, parang isang kilo tuloy iyung kinain ko" Sagot ko habang nakangiti. Nakita ko ang saglit niyang pananahimik bago muling nagsalita.

Unmasked Deceit (Completed) [R-18]Where stories live. Discover now