9 : BBPNMPSAKSKHM

53.3K 1.4K 85
                                    



Bakit ba palagi nalang masakit para sa akin kahit sinusubukan kong huwag masaktan - Jules

-----

Kaetlyn Julianne

Morning classes are done. Gaya nga ng sinabi ni Gino ay talagang nasa labas siya ng klase namin na naghihintay sa akin. Pati iyung iba kong mga kaklase ay pansin din siyang naghihintay.

Alam ko namang ako ang pinag-uusapan nila. At ang laman non ay tungkol sa pagpapapayat ko para lang kay Gino.

It somehow makes me realize that not all can understand every situation. Ngayon, parang mabilis na tumigil ang pagkukutya nila sa akin na mataba daw ako, na hindi ko maabot ang sahig. Dahil ngayon ay kaya ko ng abutin ang sahig. Hindi na ako iyung Julianne na mataba. Ngayon, I have the body that looks good and perfect in their eyes. Araw araw din nila akong sinasabihan na pumayat na daw ako na hindi na ako mataba.

Gusto kong matuwa. Pero paano ako matutuwa kung ang kapalit nun ay ang pag-usapan din naman nila si Gino. Sinasabi nila na bakit daw ako ang pinili niya. Na dapat hindi ako kase dati akong mataba.

That's how people view change now. Though not generalized but somehow we can eradicate that some still looks at it that way.

" Huy, lumalove life ka na ngayon, Jules. Masaya ako para sa 'yo" Wika sa akin ni Badet. Kitang kita ko ang saya mula sa kanyang mga mata.

" Tapos may dala pa siyang flowers, Jules. Ang sweet niya" Kinikilig na wika sa akin ni Badet. I looked outside, may dala nga siyang bulaklak.

He smiled when our eyes met.

" I miss you" Basa ko sa kanyang labi.

Aaminin ko, kinikilig ako. Ang lakas na ng tibok ng puso ko na para bang hindi ko na kayang pabagalin pa. I smiled back at him.

" Okay class dismissed" We all heard our instructor say. May mga nauna ng lumabas. Nag-ayos muna kami ni Badet ng mga gamit namin bago kami tuluyang lumabas.

" Ngiti ka Jules para maganda" Saad sa akin ni Badet na sinunod ko naman.

I smiled when we finally walked going outside of the room.

" Hi" Iyun yung unang katagang sinabi niya sa akin. Napangiti ako.

" Hi" Ang awkward kase nandito si Badet at halata kong pinipigilan niyang matawa sa sinabi ko.

" Tara, lunch na tayo." Aya ni Gino. Tumingin siya sa akin bago tumingin kay Badet.

" Sure" Saad ni Badet

" Pero okay lang ba na kasama iyong baby loves ko. Parating na rin siya" Tuloy niyang sabi.

Gino nodded in response.

" No problem" He said

" Flowers for you, Jules" He handed me the flowers. All were roses. Red roses. Kinikilig talaga ako. Ganito pala iyung pakiramdam na mabigyan ng bulaklak. Nakakataba ng puso. I blushed and I am aware of that.

Nakita ko kung paano ngumiti sa akin si Gino.

" Oo na, kinikilig na ako" I give up. Alam ko namang hindi ko kayang itago kapag kinikilig ako kase namumula iyung pisngi ko.

" OMG iyung bestfriend ko kinikilig na" Hindi rin nagawang itago ni Badet ang kanyang saya. We were all laughing when we saw Lyndon together with Miggy approach us. Kasama na ni Miggy si Aya.

Unmasked Deceit (Completed) [R-18]Where stories live. Discover now