Chapter 3

464 18 0
                                    

JK's POV (finally a change of POV come on fangirl with me!)

Ako lang mag-isa sa classroom kaya medyo naiinis ako. Ang boring kasi eh. Patulog na sana ako nung may pumasok sa classroom. Nagisingan ako ng diwa at nagsalita.

"Oh, kala ko ba magpapractice tayo ng lunch? Bakit hindi mo dala gitara mo?" sabi ko kay Juliann habang papasok siya sa classroom.

"Wala ako sa mood." sabi niya habang umuupo sa upuan niya.

"Bakit naman?" tanong ko. Instead na sumagot, pinakita niya ang isang video mula sa phone niya. Ito yung video niya noong napahiya siya.

"Sino nagpost nito?" tanong ko.

"Hindi ko alam." sabi niya. Teka, naluluha ba siya? Hala, ano gagawin ko?! Icocomfort ko ba?

"Sorry." yun lang ang kinayang sabihin ng mga natataranta kong bibig. Umupo siya sa sahig sa may bandang pader. Sumandal siya doon at yumuko dahil sa sobrang lungkot. Sinamahan ko siya doon at inakbayan siya. Kinomfort ko siya para mas gumaan naman yung pakiramdam niya.

"Haha! Wala ka namang dapat ipagsorry eh. Hindi mo kasalanan yun." sabi niya habang pinupunas yung mga luha sa mata niya.

"Basta sorry pa rin." sabi ko. Tinapik ko ang likod niya para medyo gumaan naman ang loob niya. Pero instead na tumahan siya, mas hagulgol na yung iyak niya. JK mag-isip ka nga! Anong gagawin mo pag may umiiyak na babae? Ahh. Alam ko na.

Kung tayo ay matanda na

Sana'y di tayo magbago

Kailan man, nasaan ma'y

Ito ang pangarap ko...

Makuha mo pa kayang

Ako'y hagkan at yakapin, hmm

Hanggang pagtanda natin

Nagtatanong lang sa 'yo

Ako pa kaya'y ibigin mo

Kahit maputi na ang buhok ko...

Patuloy pa rin ang pag-iyak niya. Nilagay niya ang ulo niya sa dibdib ko at patuloy na umiyak.

Pagdating ng araw

Ang 'yong buhok ay puputi na rin

Sabay tayong mangangarap

Nang nakaraan sa 'tin...

Ang nakalipas ay ibabalik natin, hmm

Ipapaalala ko sa 'yo ang aking pangako

Na ang pag-ibig ko'y laging sa 'yo

Kahit maputi na ang buhok ko...

Medyo kumalma na siya. Tinapik tapik ko pa ang balikat niya habang nakalagay pa rin yung ulo niya sa dibdib ko. May kakaiba akong nararamdaman ngayon. Hindi ko talaga maintindihan.

Kahit maputi na ang buhok ko...

Noong natapos ko na yung kanta, biglang humina yung iyak niya. Puro singhot nalang ang naririnig ko mula sa kanya. Hindi pa rin natatanggal yung pagkaakbay ko sa kanya kaya patuloy ko siyang kinomfort.

"Uhm."

Balak ko pa lang magsalita nang biglang may pumasok sa classroom namin.

"JC may nangyari daw sayo!" sabi ni Chi. Tinulak namin ni Juliann ang sarili namin palayo sa isa't isa. Pinunas naman agad ni Juliann ang mga luha niya.

"Uhm, oo. Yung video kasi, uhm." Sabi niya. "May nag-upload kasi."

"Ha?! Kung sino mang *toot* na nag-upload nun reresbakan ko yun eh! That *beep* *beeeeep* *toooot*!" pagmumura ni Chi. "People are so annoying these days." sabi niya habang hinihimas ang noo niya. Bigla nalang siyang napatingin sa akin at nanlaki ang mga mata niya. Tumingin naman siya kay Juliann at biglang ngumiti nang nang-aasar.

"Mukhang may naistorbo ata ako ah." sabi niya. "Sige na. Bye lovebirds!" sabi niya habang nakangiting lumabas ng classroom namin. Tumingin si Juliann sa akin nang may nanlalaking mata. Ganun rin ang ginawa ko sa kaniya.

"Diyan ka na nga!" sabi niya nang may kunot na mukha. Bumalik na siya sa upuan niya at ganun rin ako. Natameme nalang ako nang tuluyan.

***

Juliann's POV

"JC, bumalik nanaman ang demonyita." sabi ni Chi sa akin habang tinititigan yung babaeng kasalubong namin sa canteen.

"Hayaan mo na nga siya. Wala namang ginagawa sa atin eh." sabi ko habang umuupo sa pwesto namin.

"Wala PA."

"Hi Juliann! Long time no see." sabi niya.

"Hi Louise." sabi ko habang sumusubo.

"Miss me?" sabi niya.

"Do I have to answer honestly?" tanong ko with a sarcastic tone.

"Ugh. You never fail to annoy me." sabi niya. Umalis na siya kasama ng mga katropa niya.

"Hmp. Bwisit na bwisit na talaga ako diyan sa Ventura na yan ah." sabi ni Chi. Yup, Louise Ventura ang pangalan niya.

"Hayaan na natin. Intindihin nalang natin ang mga taong may kapansanan sa utak." pagbibiro ko. Bigla namang tumawa ng hagalpak si Chi.

"Laptrip ka JC! Ang benta nun. Hahahaha!" sabi niya. Tumawa siya ng tumawa na parang isang retarded seal. May kasama pang palakpak palakpak yung pagtawa niya. Abnu. Haha.

"Uy yung natapunan ng gravy oh."

"Siya pala yun."

"Nakakahiya naman yun."

"Buti kaya pa niyang pumasok."

"May juice pa atang natapon sa kaniya eh."

"JC, hayaan mo na yang mga taong yan. Mga *toot* na *beeeep* sila." sabi ni Chi.

"Tama sila. Buti may lakas pa ako ng loob pumasok. Dapat ata nag-absent nalang ako ngayon. *singhot*" sabi ko habang pinupunas yung mga luhang tumulo na mula sa mga mata ko. Humanda lang yung nagpost ng video.

***

"JK!" sigaw ko.

"Aba! Hindi na boy badtrip ah. Anong nakain mo?" tanong niya.

"Hmp. Edi Boy Badtrip na. Oy, boy badtrip!" sabi ko.

"Tss. Di ka naman mabiro." ngiti niya. May itsura din pala to pag ngumiti eh.

"Practice na tayo bukas." pag-aaya ko.

"Sa inyo?" tanong niya.

"Oo na sa amin na."

"After lunch?" tanong niya.

"Tungaks ka ba? May pasok bukas. Sa uwian nalang." sabi ko.

"Okay."

"Sige tol! Uwi na ako ah. Hanapin ko lang si Chi." sabi ko habang sinapak ng mahina ang balikat niya.

"Haha bye bye!" sabi niya bago kami maghiwalay.

~~~

Hiiiiii!

Bitin po ba? Haha sensya na ah. Busy pa rin kasi ako eh. Saka maraming activities sa school kaya ayun, di maka update. Pero sana vote niyo pa rin at basahin ang book ko. Maraming mga surprising events ang mangyayari kaya abangan niyo. ;)

xx

Siguro {juan karlos labajo}Where stories live. Discover now