Chapter 6

524 22 10
                                    

Juliann's POV

Pagkatapos umiwi ni Juan Karlos, umuwi na rin ako sa bahay. Umakyat ako ng hagdan pero tinawag pa ako ni Mommy. Nakaupo siya sa dining table, may ginagawang paper works.

"Juliann." sabi niya.

"Po?" sabi ko. Hindi pa rin ako bumababa ng hagdan dahil malapit lang naman siya.

"Gusto ko siya." ngiti niya.

"Huh? Anong gusto?"

"Parang maganda future mo kasama siya."

"Hala ka! Hindi ko siya gusto ma. Kaaway ko nga siya eh."

"Kaaway pero ganun tingin mo sa kaniya? Anak, nakikita ko kung paano kayo magtinginan. Ibang iba." sabi ni Mommy habang inaayos yung salamin na suot niya.

"Iiih." sabi ko habang kinakamot-kamot yung ulo ko.

"Pero nak, pag-aaral muna ah?"

"Luh. Hindi ko nga po siya gusto." tawa ko.

"Bakit ka kinikilig? Alululu!" pang-aasar ni Mommy.

"Iiih ikaw kasi eeeh." sabi ko ng tumatapak tapak pa.

"Sige na nga anak, tumaas ka na. Baka hindi ka pa makatulog." pang-iinis niya.

"Eeeh Ma naman eh!" sabi ko. Umakyat na ako at tinawag pa ako ni Mommy.

"Labyu nak!"

"Labyu too po!" sabi ko at hinalikan si mommy sa pisngi bago umakyat.

Pagkahiga na pagkahiga ko ng kama, kinuha ko yung unan ko at niyakap ito. Ganito kasi ako matulog. Sinubukan kong matulog na pero hindi ko magawa. Lahat na ng posisyon, fetus, starfish, o kahit nakatalukbong ng kumot, di ako makatulog. Nasa isip ko lang yung kanina. Si Juan Karlos. Mukha akong timang na pagulong-gulong sa kama.

"Argh matulog ka na JC!" sigaw ko habang nakatakip ng unan yung mukha ko.

"Nak, okay ka lang?" tanong ng nanay ko habang kumakatok.

"Opo. Matutulog na po ako."

"Sige JC. Baka mapaginipan mo si Juan Karlos ah."

"Ma naman!" sigaw ko habang umuupo.

"Oo na. Tulog ka na dali."

Kahit sinubukan ko, di pa rin ako makatulog. Paikot ikot ako sa kama pero di ko pa rin makuha yung tamang pwesto para makatulog ako. Kinuha ko yung phone ko para magearphones kasi yun yung nagpapaantok sakin. Medyo nagtagal pa pero nakatulog naman ako. Shemay, eye bags ang aabutin ko nito.

***

Nagring yung alarm clock ko ng sobrang lakas kaya nagising ako. Pero dahil puyat ako, hindi ako agad tumayo. Pero dahil tuloy-tuloy ang ingay ng bwiset na alarm clock ko, pinatigil ko ito. Noong pinatigil ko ang ingay ng napakalakas kong alarm clock, nahulog ako sa kama, na siyang dahilan ng pagkagising ko. Pumunta ako ng banyo at humarap sa salamin. Ang una kong nakita ay isang panda dahil parang may eye bags na ako.

"Patay tayo jan." sabi ko habang tinitingnan yung eye bags ko. Tumakbo na ako sa shower at naligo. Nagbihis ako agad at kumuha nalang ng sandwich. Ayaw kong makita ako ni Mommy na may eye bags. Baka asarin ako.

"Juliann, baka gusto mo munang magbreakfa-"

"Ma wag na po. Bye po!" sabi ko habang palabas ng bahay. Umuulan kaya syempre kinuha ko muna yung payong ko bago ako pumunta sa sasakyan ko ng tricycle. Nagbayad na ako sa tricycle pagkadating na pagkadating ko sa school. Bago ako makapasok ng gate, nadulas muna ako sa isang puddle ng putek. Buti nalang hindi ako completely na natumba. Nakakahiya kaya.

Siguro {juan karlos labajo}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon