Chapter 13

1.6K 43 1
                                    

Love. Sex. Insecurity.

[Chapter 13]

By: Crayon

***Kyle***

12:30 pm, Sunday

March 20

"Salamat.", sabi ko kay Lui matapos kong gamitin ang kanyang cellphone para tawagan ang mga magulang ko.

"No problem.", maiksi niyang sagot.

"You can leave me now, my parents will be here in a while. You don't have to worry because i won't file a complaint against you.", pagpapauwi ko kay Lui. Wala naman talaga akong balak magsampa ng kaso dahil partly may kasalanan din ako. Nainis lang ako sa pagiging antipatiko niya kanina kaya binantaan ko siya na magsusumbong ako sa police.

"Well, i can't just leave you here. I mean, i can wait til your family arrives before i go."

"Im fine, thanks. You don't have to do that, mahirapan lang ako lalo mag-explain kung anong nangyari sa akin."

"Ok."

"Salamat uli sa pagdadala sa akin sa ospital."

"Walang anuman.", sagot sa akin ni Lui. "So i guess i should be going now."

"Right.", hindi na sumagot si Lui. Kinuha niya na ang dala niyang gamit sa lamesa at saka tumayo sa gilid ng kama ko. Akala ko ay may sasabihin pa siya kaya tiningnan ko siya sa mata. Mukhang hindi siya mapakali. Magsasalita na sana ako ng magmuwestra siya ng bye-bye at tumalikod na papunta sa pinto. Nang marinig kong bumukas ang pinto ay ipinikit ko na ang aking mata. Balak kong matulog habang hinihintay ang aking mga magulang.

Hinihintay kong marinig ang pagsara ng pinto ngunit may dalawang minuto na siguro pero mukhang nakabukas pa rin ito. Napilitan akong dumilat para i-check kung nasara na ni Lui ang pinto. Nagulat ako ng makita siyang nakatayo sa may pintuan habang nakatingin sa akin.

"May nakalimutan ka ba?", taka kong tanong sa kanya.

"Ah wala, sige mauna na ako.", sagot niya sabay sara ng pinto. Muli ko ng ipinikit ang aking mata ngunit wala pang sampung segundo ay bumukas muli ang pinto ng kwarto ko.

"Uhmmm, Kyle i was just wondering if i can get your number so i can check if okay ka na after 3 weeks?", hindi ako nakasagot dahil sa gulat sa biglang pagbukas ng pinto at dahil na rin sa pagkalito dahil sa kinikilos niya.

"Hahaha, stupid. Nawala nga yung phone ko di ba?", natatawa kong sagot ng mag-sink in sa akin yung tanong niya.

"Ah, right. Sorry, just forget i asked that moronic question. Bye now.", nahihiya niyang sagot.

"But you can just leave your number. I can text you once i get a new phone."

"Yeah, tama. Saglit lang, hihingi lang ako ng papel at bolpen sa nurse station.", masayang sabi ni Lui at saka tinungo ang nurse station.

Wala pang ilang minuto ay nakabalik na siya. Matapos ibigay ang number niya ay tuluyan na siyang nagpaalam.

-------

Matagal din akong nakatulog, pagtingin ko sa relos ay mag-alas kwatro na ng hapon. Siguro napagod din talaga ang katawan ko sa dami ng nangyari kahapon. Mukhang kailangan ko na talaga mag-resign sa work ko. Hindi ko kaya magtrabaho ng may mga personal na problema at sa pisikal kong kondisyon wala rin akong gana pumasok ng work.

Kasalukuyan kong pinag-iisipan ang mga bagay na ito ng dumating ang pamilya ko.

"Anak, anu namang nangyari sayo?", bungad sa akin ng aking ina.

Love. Sex. Insecurity. (LSI)Where stories live. Discover now