Book 2 : Chapter 1

1.3K 36 0
                                    

****Kyle****

10:05 am, Tuesday

April 13

Kakatapos ko lamang maligo at kasalukuyan akong namimili ng isusuot na damit para sa araw na ito. Medyo lutang ang aking isip dahil hanggang sa puntong ito ay hindi ako makapaniwala na nakatapos na ako ng pag-aaral. Hindi rin ako makapaniwala na parang napakabilis lumipas ng dalawang taon sa aking buhay. Parang kailan lang ay bumalik ako sa Laguna para tapusin ang aking pag-aaral at takasan ang mga problema ko.

Sa loob ng dalawang taon na iyon ay napakaraming pagbabago ang nangyari sa akin. Hindi ko mapigilang pagmasdan ang aking sarili sa malaking salamin sa aking kwarto. Hindi naman sa pagmamayabang ngunit di maipagkakaila na malaki ang iginanda ng aking katawan. Ang dating mataba o chubby na Kyle noon ay may muscle na sa katawan. Malapad na balikat, matipunong dibdib, malaman na mga braso, at flat na tiyan. Hindi ko mapigilang

mapangiti sa aking mga napansin. Nandoon pa rin ang aking chinito features na bumagay sa bagong hubog ng aking katawan.

"Feeling pogi.", natatawa kong sabi sa repleksyon ko sa aking salamin.

Isinuot ko na ang napili kong stripe na tank top sando at khaki shorts. Inayos ko na rin ang aking buhok upang makaalis na ako. Nakatakda kasi kaming magkita ni Lui ngayon.

Nang makapaghanda ay naglakad na ako palabas ng aking inuupahang apartment. Habang naglalakad ay may mangilan-ngilan ding napapalingon sa akin. Medyo agaw atensyon kasi ang itsura ko ngayon. Kailan ko lang din kasi naisipan na i-showcase na ang aking magandang katawan. Dati kasi noong nagbubuhat pa lamang kami ni Lui sa gym ay hindi ako masyado nagsusuot ng sando o mga fitted na shirt dahil hindi pa ako confident sa aking itsura, kadalasan ay maluwag na shirt ang aking suot. Madalas nga akong laitin noon ni Lui dahil mukha raw akong tanga dahil sa aking pananamit.

Kahit na may mga napapalingon sa akin ay wala akong binabati sa kanila. Hindi sa nagsusungit ako pero hindi ko din kasi sila kilala. Sa dalawang taong inilagi ko sa unibersidad ay pinanatili ko ang pagiging low profile. Tanging mga nagiging kaklase ko lamang ang nakakakilala sa akin. Hindi rin ako nag-abala na maghanap pa ng mga bagong kaibigan. Tanging si Lui lamang ang madalas kong kasama sa tuwing gusto ko ng makakausap.

Hindi ko namalayan na nasa tapat na pala ako ng Boston Cafe, isang shop na madalas tambayan ng mga estudyanteng naghahanap ng libreng wifi. Agad akong pumasok at ganun pa din ang eksena. May ilang mga estudyante ang napalingon sa aking direksyon. Pakiramdam ko ay napaka-pogi ko sa araw na ito dahil sa atensyong nakukuha ko.

Lumapit ako sa counter at saka namili ng aking o-orderin. Nakakatuwang isipin na maging sa pagkain ay nagkaroon ako ng disiplina sa pagpili. Iniisip ko na ngayon kung ano ang maganda at hindi sa aking kalusugan. Since madalang naman ako kumain ng matatamis na pagkain ngayon ay hinayaan ko na ang aking sarili na umorder ng isang frappe at blueberry cheese cake. Napangiti pa ako sa babae sa counter habang sinasabi ang order ko dahil may biglang pumasok sa aking isipan. Tila kinilig naman ang babae sa aking biglang pagngiti.

Hinintay ko saglit ang aking order at ng makuha ito ay naghanap na ako ng mauupuan. Pumwesto ako sa isang couch para komportable kaming makapagkwentuhan mamaya ni Lui. Hinugot ko ang aking cellphone para makapag-net muna ako habang hinihintay kong dumating si Lui.

Maya-maya ay may narinig akong pagbati sa may bandang pintuan ng cafe na nakapagpalingon sa akin.

"Hi Lui! Ang gwapo mo naman ngayon.", malakas na sabi ng isang babae.

"Salamat.", nakangiting wika ng mahangin kong kaibigan. Nakita ko siyang luminga-linga na parang may hinahanap. Itinaas ko naman ang aking kamay para kunin ang kanyang atensyon.

Love. Sex. Insecurity. (LSI)Where stories live. Discover now