Chapter 7

87 1 0
                                    

Masaya si Cassy dahil umuwi rin para sa sembreak ang dalawang matalik na kaibigan.Kahit papaano ay may makakasama na rin siyang mag-ikot sa plaza at may makakakwentuhan na.Mahigit isang linggo na  din siyang nagkulong sa bahay pagkatapos mangyari ang insidente sa kanila ni Neil.She has mixed feelings about the kiss.Pag naiisip niya ang nangyari ay nahihiya at kinikilig siya.Nahihiya dahil siya ang unang nag-initiate at kinikilig dahil ito ang first kiss niya.Hindi na siya lugi dito,he was almost perfect.Almost,dahil ang bastos na lalaki ay hindi man lang  nagparamdam sa kanya hanggang ngayon kaya nagsisimula siyang mainis dito.Pakiramdam niya ay naisahan siya nito.

Gaga!Ikaw ang nang-isa,sino bang unang nanghalik?Tanga! Nabuburyong na talaga siya kaya kung ano-anong pumapasok sa isip niya.

Mabilis na siyang naghanda dahil may usapan sila nina Aaron at July na magkita sa snack house sa may bayan para magkwentuhan.Malapit na din kasing matapos ang short sem break nila.Sa susunod na linggo ay pasukan na naman para sa summer kaya sinusulit na nila.

Pagdating sa tagpuan ay agad niyang nakita si Aaron na nasa sulok.Kumaway siya at naglakad patungo sa kinauupuan nito.

"Si July?"Tanong niya kay Aaron.Ang gwapo sana ng kaibigan niya kaya lang ay pusong babae din.Tanging sa kanya lang sinabi nito ang sekreto dahil natatakot itong malaman ng Tatay nitong pulis.Pati kay July ay hindi pa ito umaamin.Isa pa ay parang aso't pusa sina Aaron at July,mas close sila ng lalaki dahil mas matagal silang magkaibigan.Si July ay Second year highschool na nila naging kaklase dahil transferee lang ito galing Baguio.

Hindi pa nakakasagot si Aaron ng marinig niya ang pamilyar na boses ng kaibigan niya papasok ng snack house.May kausap ito sa telepono.Nakangiti pa ang babae habang nagsasalita.

"Hoy,sino yang kausap mo?"Nakangiting tanong niya dito.

"Isang bagong kakilala Cassy.Iyong apo ni Mayor,Neil daw pangalan."

Nagulat siya sa sinabi ng kaibigan.Si Neil ang katawagan ni July?Paano nagkakilala ang dalawa?

"Si Neil?Magkakilala kayo?"Pasimpleng tanong niya dito.

"Oo.Kinuha niya number ko nung isang araw noong pumunta kami ni Mama kina Mayor.Nahihiya nga ako eh pero mapilit siya kaya binigay ko na.Wala namang masama di ba?Single naman kaming dalawa."

Hindi niya pinahalata pero nadismaya siya sa sinabi ni July.Kaya pala hindi na nagpaparamdam sa kanya ang lalaki,nilalandi pala ang kaibigan niya.Akala pa naman niya hindi ito ganoong tipo ng lalaki.

Inis na inis talaga siya hanggang makauwi.Hindi na tuloy niya masyadong na-enjoy ang pagkikita nilang tatlo.Apektado talaga siya dahil sa mga sinabi ni July.Kilala niya ang kaibigan,hindi ito magsisinungaling sa kanya.

Nakabalik na si Cassy at lahat sa Baguio ay hindi pa rin nagpakita si Neil.Kahit nadismaya ay hinayaan na lang niya.Hindi na siya nakibalita kay July kung tinatawagan pa ito ng lalaki.Para saan pa,pasasamain lang niya ang loob.Mag-fo-focus na lang siya sa summer class para matapos ang prerequisite subjects para sa final year niya sa school.Nagpapakahirap ang mga magulang niya sa pagtatanim ng mga bulaklak tapos siya ay lalaki lang na ilang araw lang niya nakasama amg pinoproblema.Napailing na lang siya at naglakad na palabas ng main gate ng school.Hindi pa siya masyadong nakakalayo ng gate ng may tumapik sa likuran niya.Gulat siyang lumingon at nanlaki ang mga mata ng makita kung sino ang may gawa.Si Neil!

"Neil?!Anong ginagawa mo dito?"

"Hi Cassy.I came here to apologize kung bakit bigla akong nawala noon sa Cabun.Naospital kasi father ko sa abroad kaya pinuntahan ko.Hindi na ako nakapagpa-alam kasi emergency,nagka-mild heart attack ang Daddy ko.I flew out of the country ng mabilisan."

"Ahhh...Kaya pala.Okay lang naman.You don't need to say sorry.Kakakilala lang naman natin di ba?Saka dapat lang namang puntahan mo Dad mo kasi kailangan ka niya."

Nakita niyang napangiti ng konti si Neil.
"You are more than an acquiantance to me Cassy.I know you feel that too.Hey,can we go somewhere to eat?I'm starving,deretso ako dito from Manila."

Nabagbag naman ang kalooban ni Cassy.Kaya pala mukhang puyat ang lalaki.Isa pa ay kanina pa siya pinagtitinginan ng mga kakilala niyang estudyante.Sumenyas na siya sa lalaki para makaalis na sila at nagpaunang maglakad bago pa siya matsismis ng kung ano ano.

They end up in a the nearby Mall.Pumasok sila sa isang sikat na restaurant at ipinaubaya sa plaki ang pag-order.Nagulat pa siya ng pagdating ng pagkain ay parang pang-isang barangay.

"Neil,may kasama pa ba tayong darating?"

"Wala.Sino naman?Kain na.Gutom na ako."Sabi nito saka sinalinan ng kanin ang plato niya.

In fairness,gentleman ang ugok.

They had a casual meal.Nagpumilit pa itong ihatid siya sa apartment kaya pumayag na siya.Pagdating sa gate ay sinabihan niya itong bawal pumasok dahil mag-isa lang siya na agad namang naintindihan ng binata.

"Can I get your number?"

"Ha?B-bakit?Para saan."Medyo na-tense pang sagot ni Cassy.

"Syempre para ma-tawagan kita mamaya."

"Bakit naman.Sabihin mo na sa akin kung anong itatawag mo mamaya.Andito ka na rin lang di ba?"

Napakamot ang lalaki sabay ngisi. "Cassy naman,sige na."

"Bakit nga?Hindi ako namimigay ng number kung kani-kanino."

"Grabe ka naman.Tatawagan nga kita mamaya.Diyahe kasi pag sa personal,di ako marunong."

"Anong hindi marunong?Saan?Wag ka ngang pa-kenkoy diyan.Sabihin mo na baka matulungan kita."

"Nambabasag ka naman agad Cass."Parang totoy na sagot nito.

"Bakit ba kasi di mo sabihin ngayon?May patawag tawag ka pang nalalaman."

"Cassy naman.Sige na nga.Sabi ng hindi marunong eh.Pag ikaw....."

Cassy watched as Neil sighed.Gusto na niya matawa sa ina-akto nito peromukhang seryoso ang mama.

"Cassy....Gusto sana kitang maging girlfriend..."

My summer loveUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum