Chapter 16

97 5 5
                                    

"Manang....Manang!"Nagulat si Cassy sa pagtawag sa kanya ng isa sa mga tauhan niya sa store.Hindi niya namalayang nakatulala na pala siya sa pag-iisip.She was bothered.Hindi rin siya nakatulog kagabi simula ng makita niya ang dating kasintahan.Hindi niya inaasahang makikita ito mismo na kasama ang anak.He seemed to be friendly with Sandy.Mukhang nagulat ito ng sunduin niya ang anak.But all throughout the lunch he didn't even glanced at her.She felt non existent.Muling bumangon ang sakit na akala niya ay naibaon na niya. He seemed to have moved on.Walang bakas ng kung anuman sa mukha nito at parang hindi siya kilala.Parang hindi sila naging magkasintahan dati.Is she really that easy to forget?Maybe,kaya nga siya ipinagpalit ng basta basta.

Ang importante ngayon ay hindi malaman nito na nagkaanak sila.Though she contemplated on the idea of introducing her daughter to him in the future,nag-aalangan na naman siya.But did he not notice their uncanny features?Sana lang ay hindi.Isa pa,natsismis na dati dito sa bayan nila na baka foreigner daw ang ama ng anak niya dahil halata namang may banyaga itong features.She would let them think of that.

"Ha?!Sorry,inaantok kasi ako."Pagdadahilan niya.

"Pinapatanong po ni Teacher Rosel kung ready na po 'yung papers na kailangang isubmit para sa art summer class ng mga bata na i-sponsor ni Ex-Mayor Neilsen."Tanong ng isa sa mga tauhan niya.

"Ah sige,papadala ko na lang mamaya."Maikling sagot niya dito.Mabilis ang panahon.Magbibirthday na sila ng anak sa isang buwan.Her baby is turning four already.Mabuti at hindi ito nagtatanong tungkol sa daddy nito.Minsan lang,noong family day sa school nito.Dahil nga sa kalagayan ng Daddy niya,kahit gustuhin nitong sumama sa mga ganoong affair ay hindi ito makapunta.Kaya ang ending,siya at ang Mama niya lang ang nakakapunta.Nagtaka tuloy ang anak niya kung bakit wala silang kasamang boy sa family nila bukod sa Lolo nito katulad ng mga classmates.Sinabi na lang niyang nag-wowork sa malayo ang Daddy nito kaya mga ilang taon pa bago siya mapuntahan.Her daighter presumed malayo means "outerspace"kaya naman tinanong nito kung astronaut ang Daddy nito.She was caught offguard,kaya pinatulan na niya ang anak.Kaya ngayon,ang alam ng anak niya ay astronaut ang tatay nito,na umani ng sermon mula sa Mama niya.Alam ng mga ito na hindi siya aamin kaya hindi na siya kinukulit tungkol sa katauhan ng tatay ng anak.Her Mom told her to prepare herself,hindi daw niya maiiwasan na hindi sabihin kay Sandy ang katotohanan,kahit gaano man siya kagalit sa nakabuntis sa kanya.

She sighed,nakakainis talaga ang presensiya ni Neil.Ginulo nito ang utak niya.Halos wala siyang nagawa buong umaga dahil sa kakaisip.She decided to get Sandy's papers,i-susubmit na lang niya sa teacher ang mga requirements ng anak kaysa nakatunganga sa munting opisina.

—————————

Kakatapos lang sagutin ni Neil ang tawag ng nobya.Marami pa daw itong gagawin kaya hindi pa ito makakasunod sa kanya.He assured her it was okay.Isa pa,he needs time to think about his plans.Nagpaparinig ang mga magulang ni Sheena sa tuwing dumadalaw sila doon.Gusto na daw magkaapo ng mga ito at dahil member ng LGBT ang naunang kapatid nitong lalaki ay si Sheena lang daw ang pag-asa ng mga itong magkaroon ng apo.Sumagi sa isip niya na mag-propose na dito ngunit ilang beses siyang nag-aalangan.Sa tuwinang gagawin na niya ay hindi niya maituloy tuloy.Katulad ngayon,he was thinking about proposing to her again.Seeing Cassy married and with a child triggered so many emotions inside of him.It was like a closure for him.Kahit galit na galit at nasaktan siya dati sa ginawa nito,deep in his heart he still longed to see her.May it be to asked her what happened or just for closure.Now,he got what he wanted,a closure,maybe it's time to settle with Sheena.

Tumayo na siya para hanapin ang mga Lolo at Lola niya.He would tell them about her girlfriend and her plans.Agad niya itong nahanap sa study room sa second floor.Busy ang dalawa sa pagbabasa ng mga papeles na nakasalansan sa mesa.

"Mukhang busy po kayo?Ang daming papel naman niyan.Anong meron?"He sat down in an empty chair.

"Mga papers ng mga bata na i-ni-sponsor namin ng Lolo mo para sa Summer Art class.Kailangan kasing maipasok sa system para sa certificates nila.Para hindi na gahulin pag i-piprint na.Medyo madami kasi sila pero okay lang masaya naman kasi ang kukulit nila."Animated na kwento ng Lola niya.

"Oo lalo na si Sandy.Naku!Hindi ko alam pero ang ganda ganda talga ng batang iyon."Sabat ng Lolo Neilsen niya.

"She seemed to be your favorite.Pero parang ang bata pa 'nun ah kesa sa mga classmates niya."Tugong ni Neil.

Napangiti ang nakakatandang lalaki. "Ewan ko ba.Ang gaan ng loob ko doon sa batang iyon.Isa pa,she has the same eyes like your Lola.Alam mo bang may picture din na ganoon ang Mommy mo.Medyo halata lang na may dugong banyaga si Sandy."

"Shoot!That's it.Iyon pala,kasi unang kita ko kay Sandy parang nakita ko na siya before,but I know it's not possible.Nakita ko nga ang picture na iyon ni Mommy.Kamukha niya talaga."Napapalatak na sabi ni Neil.

"When I first saw her,akala ko nga anak mo.Kasi you have a resemblance.But then I thought,imposible kasi hindi naman naging successfull ang pagreto namin ng Lola mo sa inyong dalawa.

Biglang kumabog ang dibdib ni Neil sa sinabi ng Lolo.Could he be the father?But it's impossible,sinabi sana sa kanya ni Cassy.But then,nagpalit nga siya ng numero para hindi na siya matawagan ng babae.Isa pa,imposible kasi kakatatlong taon nga lang ang bata,or could he be wrong?He just assumed she was three because she looked so young...

Kinakabahang tinanong niya ang mga kaharap. " Imposible po,saka tatlong taon po si Sandy di ba?"

"Uhhmm,I think she's turning four next month.Wait lang,eksakto,andito na papers niya."Binuksan na ng lola niya ang folder sa harap nito at inilabas ang kulay dilaw na Birth certificate nito saka iniabot sa kanya ng may bahid ng pagtataka.His grandfather just looked at him.

Agad niyang pinasadahan ang papel.

Sandriel Maximo.

That was her name.Sandriel.It obviously came from Cassandra.
He almost fell on his chair when he saw the birthdate.April 1.He can't be wrong.Kung April ito ipinanganak ibig sabihin ay nabuo ito ng July.They broke up on the month of September!

Halos naririnig na niya ang pintig ng puso niya.Could she be his daughter?But Cassy ismarried!It does not make sense at all.

Agad niyang tiningnan ang pangalan na nakalagay sa birth certificate ni Sandy.It was left blank.

"Neil,are you alright?Anong nangyari sa iyo?Saka bakit parang sobrnag interesado ka sa birth certificate ni Sandy?"Tanong ni Neilsen.

Nagtaas siya ng tingin. "I need to talk with Cassy Lolo.Sandriel could be my daughter..."

My summer loveWhere stories live. Discover now