Introduction

1.4K 29 5
                                    

Introduction

"Let's stop the chase, Ruein.." I let go of his hand. I'm tired. Gusto kong umiyak pero there's too much shit to take in at hindi ko na alam kung ano pa bang dapat kong gawin.

"No, Era. You know i'll chase you whatever it takes." Napa-ngiti ako sa sinabi niya at agad kong tinanggal ang seatbelt ko.

"Ang paasa mo, Era." Mas lalo akong napa-ngiti sa sinabi niya. But right now, I just don't care. I love him but it's not enough. Alam namin parehas na hindi pwede. Loving someone will never be enough reason to take the risk. Minsan kailangan mo din talagang gamitin ang utak mo at hindi puro nararamdaman lang ang paiiralin. That is just so wrong.

"I'll be leaving." Uuwi ako ng Davao at dun ko na balak mag stay. Maghahanap ako ng trabaho and I wanna be independent. Isa pa, eto din ang gusto ng pamilya ko. One thing na pinagkaiba namin ni Ruein. He's so willing to be against his family just for us to work and i'm not. Mahal ko ang pamilya ko at kung papipiliin pa rin ako, mas mangingibabaw sakin ang pamilya ko.

"You know I won't stop chasing you." Mahigpit ang hawak niya sa manibela at halatang nahihirapan na siya. I know. Pero nakapagdesisyon na ko. Panay naman ang vibrate ng phone ko na magdamag kong hawak. Puro missed call at text ng mga pinsan ko pati na rin nila Mommy. 

"And we both know you can't chase me." Mariin kong sagot sa kanya at agad bumaba sa Crosswind niya. Ilang minuto bago niya ko sinundan.

"I'll take you home. Please, Era." Sabi pa niya pero nakatitig lang ako sa malayo. He's acting as if hindi niya sineseryoso 'to.

"No need. Parating na si Drey." At mabilis namang nag high beam sa harap namin ang Hillux ni Drey. Yes. Andrey Felix Natividad is my cousin.

"Get in the car, Era." Galit na utas ni Drey at agad ko naman siyang sinunod. Hinawakan ako ni Ruein pero agad din siyang pinigilan ni Drey.

"Dude, fuck off."

Chasing HeartsWhere stories live. Discover now