Chapter 04

218 10 7
                                    

One day...

"Manong, sa Dahican lang po." Agad kong sabi kay kuyang driver ng taxi para ihatid ako kung nasaan ang resthouse namin. Mabilis naman niyang pinaandar ang sasakyan habang panay tingin ko lang sa labas. Davao. Malamig ang simoy ng hangin at isang linggo na lang ay mag papasko na. Unang beses na malayo ako kila Mommy. Kung tatanungin ako, hindi ko rin alam paano o saan ako mag uumpisa ngayong nandito na ko sa Davao. Basta ang alam ko lang ay malayo na ko sa kanila. You can't say im escaping, cause im not. Let's just say, I wanna start my new life. Masyadong madaming nangyare sa Manila and it's all full of shit and shit. Atleast dito, I can find the peace I deserve.

"Maam, dito na po. Kailangan niyo lang maglakad ng konti para makarating sa mismong Isla." Sabi ni kuyang driver kahit hirap siyang magtagalog. Bumaba naman ako at bumungad sakin ang malamig na simoy ng hangin. Tinulungan lang ako ni manong na kunin ang mga gamit ko at lumakad na din ako palayo pagtapos magbayad sa kanya. Hindi naman masyadong malayo ang lalakarin ko. Pagkapasok ko sa mismong resort ay dumiretso na ko kung nasaan ang resthouse namin. Konting bahay lang ang nakatayo dito dahil may hotel din naman. Marami-rami na ang tao dahil bakasyon na para sa nalalapit na pasko. Nilapag ko lang ang mga gamit ko at mabilis na tumungo sa veranda netong resthouse namin. Isang palapag lang ngunit malaki. Naghahalong mint green, puti at gray ang buong kulay. Tanaw na tanaw ko ang mga taong masasayang naliligo sa dagat dahil alas kwatro na ng hapon at hindi na ganon kasikat ang araw. Balak ko sanang mamahinga muna pero gusto ko din maglibot kaya naman nagbihis ako ng swimsuit at pinatungan ng midriff at shorts. 

Pagkalabas ko ay mabilis na dumampi sakin ang malamig na hangin. Mabilis kong naalala si Elisse at nakalimutang tawagan siya. Bukas pa ang dating niya at dito siya sa resthouse namin tutuloy pero dalawang buwan lang siya. Nawala naman ako sa pag-iisip ng makarinig ako ng tilian ng grupo ng mga babae at mabilis silang tumungo sa dagat na parang may pinanunuod kaya naman lumapit din ako. Talk about curiosity.

"Bro, ace that shit!" Rinig kong sigaw ng isang lalake habang papalapit ako sa mga nag kukumpulan na tao most specially, mga babae. Agad ko namang nakita ang naka-set na net sa medyo malalim na parte ng dagat. Nakita ko ang halo-halong babae at lalake na nag lalaro ng Water Polo. Lumapit pa ko dahil ngayon na lang ako ulit makakanuod neto at isang lalake ang nakapukaw ng atensyon ko. Oh. So, he's here. Tinitigan ko lang siya habang lumalangoy siya hawak ang bola upang maka-score. Kitang-kita ko kung paanong swabe siyang lumangoy at hinagis ang bola para sa goal.

"Nice one, bro!" Sabi ng isang lalake sabay tapik sa braso niya. Matinding hiyawan naman ang narinig nung nakitang lumalangoy na sila para umahon na. Agad nagtama ang mata namin ng lalakeng namukhaan ko at alam kong nakilala niya din ako kaya mabilis naman akong nag iwas ng tingin at lumakad palayo. So, nandito nga siya. Wow.

"Wait up." Napahinto naman ako sa paglalakad ng biglang may humila sakin at halos masubsob ako sa dibdib niya. Humalakhak lang siya at nagtaas ng kilay.

"Uh, what?" 

"You look so familiar." Sabi niya habang tinititigan ako. Hindi ko makaya ang bigat ng tingin niya sakin kaya panay ang iwas ko.

Chasing HeartsWhere stories live. Discover now