Chapter 7

16.4K 397 18
                                    

*Late UD ngkasakit po kasi ako*


Nagising si Ruby sa kailaliman ng gabi. Iginala niya ang paningin sa paligid at ngumiti ng matagumpay bago humiga ulit saka natulog.

"Ruby, gising!" Yugyog ni Nora dito. Kanina pa niya ito ginigising pro tulog mantika ito't ayaw talagang magising.

"Ano ba?" Pupungaspungas na tanong nito sa kanya.

"Aalis na tayo ngayon ng Siquijor."

"Ba't ang aga naman?"

"Ruby, ikaw ang nagsabi kagabi na maaga tayong aalis ngayon. Bakit ka nagrereklamo?"

"Ruby?"

"Ruby? Oo Ruby alangan naman anong itawag ko sayo eh yun ang pangalan mo."

"Oo nga pala."

"Grabe naman to kung maalimpungatan nagkakaamnesia. Tara na nga."

"Uie kayong dalawa matagal pa ba kayo dyan?" Tanong ni Joboy na sumilip pa sa kanila.

"Eto na lalabas na." Ani Ruby na Nagmamadaling bumaba bitbit ang gamit.

"Ba't ang tagal niyo?" Himihikab pang tanong ni Zhed.

"Pano ang tagal magising nitong si Ruby." Nakanguso namang pahayag ni Nora.

"Tara na baka mamaya kung ano na naman ang mangyari kung magtagal pa tayo dito." Aya sa kanila ni Mercylito na nagpatiuna ng lumabas.

"Nanay Shine, aalis na po kami. Sigurado ho ba kayong hindi nalang kayo sasama?" Paalam ni Zhed dito.

"Hindi na sasama si Nanay Shine? Bakit daw?" Nagtatakang tanong ni Nora na kibitbalikat lang ang naging sagot ni Zhed.

"Hindi pa ako pwedeng umalis. May nangyaring hindi dapat. Diba Ruby, anak?" Anitong tila may ibang pinapakahulugan.

Hindi naman nila iyon napansin at lumabas na ng kubo. Sakto namang may dyip kaagad pagdating niya sa daan kaya nakasakay kaagad sila. Ilang oras pa ang dumaan at tahimik na silang naglalayag.

"Salamat naman at makakauwi na tayo ng ligtas." Nakangiting saad ni Mercylito.

"Ligtas nga tayo pero di ba kayo nagiguilty sa ginawa nating pag-iwan sa iba nating mga kaibigan? 4 silang nawala." Sansala naman ni Ruby dito.

"Wag na nating alalahanin ang mga pangyayaring yun pwd ba? Ibaon nalang natin yun sa limot at magbagong buhay." Seryosong wika naman ni Joboy.

"Tama. Siguro hanggang doon nalang talaga sila. Kaya dapat wag nating sayangin yung pagkamatay nila." Sang-ayon din ni Zhed.

Gabi na ng makarating sila ng Maynila. Umiyak ang mga magulang nila Mercylito at Deak ng malaman ang malagim na sinapit ng huli. Ngunit wala silang magagawa kundi tanggapin nalang ang lahat kaysa bumalik pa sa lugar na maaring maging mitsa pa ng buhay nilang lahat. Naging normal naman ang mga sumunod na araw. Bumalik na sa trabaho si Mercylito at nagkaroon narin ng trabaho sina Joboy at Zhed.

"Zhed tga putol daw tayo ng bakal ngayon." Anang bagong kaibigan at kasamahan nito sa trabahong si Randy. Sa pagawaan kasi sila ng bakal nag tatrabaho.

Nag-uumpisa na silang magtrabaho ng makarinig si Zhed ng mga yapak palapit sa kinaroroonan nila. Lumingon ito at nanlaki ang mga mata sa nakita.

"Aswang!!!" Malakas na sigaw ni Zhed sabay hawak ng malaking bakal at hinampas niya iyon sa papunta sa kanila na si Joboy pala.

"Zhed si Joboy yan." Awat sa kanya ng mga kasama ngunit huli na dahil sa lakas ng bawat hampas niya ay tuluyang bumagsak sa sahig ang wala ng buhay ng katawan ni Joboy.

Dumating naman ang mga pulis at hinuli siya. Dinala siya ng mga ito sa presinto at ipinasok sa isang selda doon. Para namang nababaliw na si zhed na panay gala ng mga mata sa paligid. Tila may kung ano itong kinakatakutan. Mayamaya ay bigla nalang itong nagsisisigaw at nangisay. Nang puntahan ito ng mga gwardya ay nakadapa na ito sa sahig. Binuksan nila ang selda at pilit itong itinihaya. Ngunit ng mapatihaya na tila ito ay bigla nalang may naglabasang iba't ibang insekto sa katawan nito. Habang nangyayari iyon ay tila naman kandilang unti unting nauupos ang katawan ni Zhed. Hanggang tuluyan na itong naging tila papel. Nahintakutang tinawagan naman agad ng mga pulis ang kaanak ni Zhed.  Di naman makapaniwala sa nangyari sina Nora at ang Tiyahin at Tiyuhin ng dalawa.

"Hindi kaya may kinalaman dito si Abegail? Sigurado nagalit yun ng iwan natin." Bigay opinyon ni Mercylito ng sila nalang.

"Ewan ko pero natatakot ako." Ani Nora.

"Nag-uumpisa palang siya." Wika naman ni Ruby na ikinagulat ng dalawa.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Nora dito.

"Wala. Natatakot lang akong baka umpisa na ito ng paghihiganti ni Abegail. Mangkukulam siya, diba?"

Naging maayos naman ulit ang lahat hanggang sumapit na ulit ang pasukan. Marami ang nalungkot sa pagkawala ng apat na estudyante. Ilang araw iyon naging usap usapan sa paaralan.

"Uie look who's here. Sabi ko na nga ba mangkukulam ka, eh. Siguro kaya buhay ka pa kasi ginamitan mo ng kapangyarihang itim mo yung mga dumukot aa inyo." Bungad kay Nora ni Dhalle. Iba kasi ang sinabi nila sa school na dahilan ng pagkamatay ng apat. Hindi nila sinabing dahil iyon sa aswang dahil alam nilang walang maniniwala.

"At pati din pala etong si Ruby na assistant mo buhay parin pala? Bakit naipasa mo na rin ba sa kanya ang mga kaalaman mo? At si Abegail ba't di siya nakaligtas? Siya pa naman talaga yung sinabi ni Ms. Irene na mangkukulam daw? At saka-

"Gusto mong mamaga ulit yang labi mo?" Galit na putol ni Ruby sa mga sasabihin pa sana nito. Sinamaan naman sila ng tingin nito. At umirap pa bago tuluyang umalis.

Kinagabihan ay kapansinpansin ang pananahimik ni Ruby sa harap ng pagkain.

"Ba't ang tahimik nyan?" Ani Mercylitong inginuso pa si Ruby. Kibit balikat lang naman ang naging sagot ng tinatanong niyang si Nora.

Maaga silang natulog ng gabing iyon kaya walang sinuman ang nakapansin ng lumabas ang isang itim na usok mula sa silid ni Ruby at tila may sariling isip na tinalunton ang isang direction. Ang bahay nina Dhalle.

" Dhalle, matulog ka na maaga pa pasok mo bukas." Paalala dito ng Yaya nito.

"Opo. Matutulog na po." Naiiritang sagot nito na humiga na sa kama. Nakatulog sa sobrang pagkairita si Dhalle at di niya napansin ang usok ang pilit pumapasok sa nakasarang bintana ng silid niya. Ng magtagumpay ito ay pumwesto ito sa baba ng higaan at dun inumpisahan ang ritwal.

"Ahhhhh..... Ahhhhh..... Ahhhhh......" Halos mapugto ang mga litid sa leeg ni Dhalle sa kakasigaw ng makita nito ang sariling mukha sa harapan ng salamin. May mga butlig sa mukha niya na nag-uumpisa sa maliit tas lalaki ng lalaki at pagmalaking malaki ay samasabog at naglalabasan ang mga nakakadiring nana mula dito. Di nakayang tingnan ni Dhalle ang sarili sa salamin kaya bigla itong nahimatay.

"Ruby?" Katok ni Nora dito ngunit walang sumasagot.

"Baka tulog pa bayaan mo na magigising din yan mamaya." Ani Mercylito sa kanya.

Kumakain na sila ay di parin lumalabas si Ruby. Nag-aalala na sila dito.

"Vocans tibi aut deum cautorem. Ut veniat petitio mia, respondebit. Non delines cor meum corpus dauthers." Paulit ulit na usal ni Shine sa orasyon upang maproteksyonan ang katawan ng anak.

"Ahhhh..." Namilipit sa sakit si Abegail ng para siyang napaso sa isang napakainit na bagay ng tangkain niyang pumasok ulit sa katawan ni Ruby.

"Demoler la carrera de obstaculos y yo" Sinubukan niyang kontrahin pero nabigo siya.

"Humanda ka sa kapangahasan mo, shine." Gigil na wika niya bago humalo sa hangin.


To be continued...



































Maraming salamat po sa pagbabasa. Please vote, leave a comment and share...

❤❤❤Mitch

KulamWhere stories live. Discover now