1 MAR, 6:12 PM
Agu Ferrera:
Hello. Si Fr. Emilio Talavera to ng Nueva Castallon diba?
6:43 PM
Agu Ferrera:
Ok kayo nga. Friend kayo ni Amartya eh
7:01 PM
Agu Ferrera:
Bale kaibigan ako ni Amartya dito sa Manila. Nagtuturo ako sa university niya
Background lang baka kasi iniisip niyo na sketchy akong tao. Hindi.
7:09 PM
Agu Ferrera:
Hindi na rin ako magpapaliguy-ligoy pa ah. Alam ko yung mga ganap sa buhay niyo at wag mo nang tanungin kung paano ko nalaman.
7:12 PM
Agu Ferrera:
Gusto ko lang sabihin na hindi ok si Amartya ngayon.
Bale may tarantandong animal na kung sino man ang naninira sa kaniya sa nanay niya kaya wala siyang access sa kahit na ano.
Cellphone, laptop, wala. Kulang na lang ikulong yan ng pamilya niya sa bahay nila
Alam niyo naman siguro na anak siya ni Senator Sagarbarria. Nakakatakot na tao yub
*yun
Agu Ferrera:
Bale kinakausap kita ngayon kasi dawit ka.
Prangkahan lang tayo dito Father. No hard feelings
May nagsend ng kung anu-ano tungkol sa'yo at sa kaniya.
7:40 PM
Agu Ferrera:
Kaya kinukulit ko na nga na humingi ng tulong sayo pero matigas ang ulo. Sinubukan ko na rin kausapin yung kapatid niyang babae pero tahimik din.
Ewan ko ba sa dalawang to. Ang sasakit sa ulo
7:45 PM
Agu Ferrera:
Di niya to alam pero wala na akong pake pag nalaman niya kasi para sa buhay naman niya to
At bale ginagawa ko to kasi sana kausapin mo na tong batang to
Gamitin mo na lang number ko o kahit Facebook ko, ako nang bahala magkonekta sa inyo
8:00 PM
Agu Ferrera:
Or better yet puntahan mo rito sa Favre Manila.
Pag-usapan niyo to kasi halatang may nangtitrip sa inyong dalawa eh. At hindi magandang trip.
Sasabihin na lang siguro sainyo ni Amartya yung detalye. Kung gano kalala
9:07 PM
Agu Ferrera:
Maawa ka na rin kay Amartya o
Kasi ako awang-awa na sa taong to
Nagtethesis pero kahit laptop kumpiskado. Nakikigamit na lang sa eskwelahan ng computer
Kung pwede lang ipahiram ko laptop ko sa kanya nang magamit niya. Kaso baka itapon naman ng nanay niya yun
9:09 PM
Agu Ferrera:
Ano ba kasi tong gulo nyo?
Gusto lang magthesis nung tao, o.
BINABASA MO ANG
Ang Kwento ni Amartya
General FictionAmartya's goal for her senior year is straightforward: to finish her senior thesis in Nueva Castallon, graduate, and dip. Constantly crossing paths with a young clergyman named Emilio was out of the list... and so is discovering that her sister is h...