BENTE-SINCO ✞
ROGER's POV
Janice...
Janice...
Janice...
Anak ko si Janice? Paano nangyari iyon? Bakit hindi sinabi sa akin ni Maria? Bakit ngayon lang?!
Nag-isip ako. Alam ko kung saan ito nabuo. Sa isang beses naming pagkakamali. Iyon ang panahong bagong kasal kami ni Nana at nagsisisi naman si Maria sa kanyang napangasawa dahil wala itong pera. She realized that love was not enough, but it was already too late, she had married his husband already.
Sa parte ko naman ay hindi ko talaga sinasadya. Lasing ako at may mga bagay akong ikinakatampo kay Clarisse, dahil sa aking pakiramdam noon ay ayaw niyang higit na makilala ko siya. My wife was full of reservations and it made me feel like she didn't trust me at all. That she just married me for the sake of it. Alam kong kagaguhang excuse iyon, pero nadala ako sa pambubuyo ni Maria. Nalasing ako at may nangyari nga sa aming dalawa. Nakapagtaksil kami sa aming mga asawa.
I was not proud. Pinagsisihan ko iyon nang matindi, pero hindi ko magawang kalimutan ang aking kasalanan. Palagi akong kinakain ng konsensiya ko, kaya nga mas isinusubsob ko na lang ang sarili sa trabaho.
Sabay na nagbuntis sina Nana at Maria. Never akong nag-isip na akin ang anak ni Maria.
Pagkapanganak ni Maria kay Janice, namatay si Eric sa isang aksidente.
Itinuon ko ang sarili sa pagmamaneho. Sa wakas, nasilayan ko rin ang araw. Nagpasya ako. Ipaghihiganti ko ang mga taong nawala sa buhay ko. Kahit kapalit pa non ang sarili ko – papatay ako.
Habang nasa biyahe ako, saktong umulan nang malakas. Humito ako sa isang liblib na lugar. Hinubad ko ang suot kong damit at ganoon din ang damit ni Maria. Lumabas ako ng kotse at naligo ako sa ulan nang sa ganun ay mawala ang malansang dugo sa aking katawan.
Nang malinis ko na ang sarili ko, bumalik ako sa kotse at muling nagbihis ng hinubad kong damit. Samantalang inilagay ko naman ang katawan ni Maria sa backseat sa ilalim nito. Pinunasan ko ang sarili ko gamit ang damit na hinubad ko kay Maria at saka ibinalot iyon sa bangkay niya. Nagpatuloy na ako sa pagmamaneho.
Huminto ako sa isang gasoline station at nagpagasolina gamit ang credit card ko. Bumaba ako at nagtungo sa convenience store nito. Bumili ako ng maraming kandila at posporo. Bumili rin ako ng maraming energy drink at kalamansi. Pagbalik ko sa kotse, ipinagpatuloy ko na ang pagmamaneho ko. Mahaba-haba rin kasi ang biyahe ko.
Tanghali na nang makauwi ako sa bahay. Pagbaba ko ng kotse – luminga muna ako sa paligid. Walang tao.
Kinuha ko ang bag sa loob ng sasakyan ko kung saan naroon ang kalansay ni Ara. Kinuha ko rin ang red wine na nakuha ni Ka Pineng don sa dating bahay nila Nana, ganoon din ang coat nito. Dinampot ko rin ang mga pinamili ko. Nilingon ko muna ang katawan ni Maria. Dito muna siya – may tatapusin lang ako. Then, pumasok na ako sa bahay.

YOU ARE READING
I Love You, ARA
ParanormalBased on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in horror and paranormal 2015-start of 2016. Artist: Aeious Plata