Chapter 4

5.8K 193 2
                                    

Pagkatapos ng eksena namin sa mall ay agad rin kaming bumalik sa dorm namin.

Tinawagan ko rin si Kuya Bench na magpadala nalang ng groceries dito at sinabing tinamad kami kaya hindi natuloy ang pago-groceries namin.

Ni hindi na nga kami kumain ng lunch dahil sa nawala kami sa mood.

Habang nung dinner naman eh parang wala sa sariling kumakain ang dalawa.

Ang lakas naman yata ng impact ni Lance para magkaganyan sila.

Maaga akong nagising kinabukasan kaya ako nalang ang nagluto ng breakfast.

Pancake lang naman at sanswiches ang ginawa ko.

Pinagtimpla ko na rin silang dalawa ng kape habang ako ay kontento na isang baso ng chuckie.

Pupuntahan ko na sana ang dalawa nang makitang pababa na ito.

Si Loveliz na mukhang kulang sa tulog habang si Amanda naman ay mukhang nakalaklak ng droga dahil sa dark circles sa mga mata nito.

"What's with you guys? Ganyan ba kalakas ang impact ni Lance para magmukha kayong kalalabas lang sa isang mental institution?" tanong ko sa kanila at agad naman silang napangiwi.

"No, sinong may sabing dahil 'to kay Lance pangit?" napairap naman ako sa sinabi ni Loveliz, magdedeny pa talaga.

"Of course, the three of us were just fine not until Lance showed up at nawala na kayo sa mood." sabi ko at agad naman silang napabuntong hininga.

"I just didn't expected na dito pala sya nag-aaral akala ko kasi nasa underworld sila kasama ng ahas nating ka-friendship. Hindi ako na-inform na tapos na pala ang sentensya nila sa mundong ilalim." napangiwi naman ako sa sinabi ni Loveliz.

"Yah right. Idagdag mo pa ang babaing nakaaway natin, and based on my research isa daw yun sa darling of the crowd dito sa school at isa sa mga bullies and b*tches." napailing nalang ako, makapagsabi na b*tch kami eh sya pala yung totoong b*tch sa aming apat eh.

"And guess what, si Karelle, our ex-bestie ay ang reyna ng mga walking skeleton dito sa academy." napataas ang kilay ko.

"Nalaman ko pang nilandi niya pala si Kuya Zeke mo kaya naghiwalay rin sila ni Lance." napataas naman ang kilay ko.

"Pinatulan ni Kuya Zeke?" nakita ko namang ngumisi si Amanda.

"No, napahiya nga sya eh. Muntikan pang ma-expell." napabuntong hininga naman ako nang malamang hindi pinatulan ni Kuya Zeke si Karelle.

Ayoko pa namang mabahiran ng dugo ng ahas ang magandang lahi namin.

"Good, akala ko pinatulan niya ang mukhang ahas na yun." sambit ko.

Karelle was one of our friends.

Apat kami noon, kahit home schooled ako ay may naging kaibigan pa rin ako dahil magka-friendships ang parents naming tatlo.

Nakilala namin si Karelle nang lumipat sila sa subdivision na tinirtirhan ng family ni Amanda.

Kaya ayun, naging friends kaming apat pero hindi alam ni Karelle na isa akong Maxwell which is a good thing dahil magkikita rin pala kami uli.

After a few years nagkamabutihan si Lance at Loveliz at naging sila nga.

After ilang months nalaman nalang namin na niloloko palang ni Lance si Loveliz at may relationship sina Lance at Karelle.

At dun na nga po lumabas ang tunay na kulay ni Karelle at tuluyan na talagang natapos ang pagkakaibigan naming apat.

"So what's the plan?" kumunot naman ang noo ko sa sinabi ni Amanda.

"What do you mean by what's the plan?" nakita ko namang umirap ito.

"What I mean is that, saang club tayo sasali?" ngumisi naman ako.

"Of course sa outcasts" sambit ko kaya nagulat sila.

Sabay pang nagsabi ng "What!"

"Sabi mo nga isa yung babaing nakaaway natin sa walking skeletons, darling of the crowd at bullies. Habang si Karelle naman ay leader ng walking skeletons, at kung hindi niyo napapansin, ina-under ng walking skeletons ang ibang clubs except for 'the bands' at mukhang not in good terms sila sa 'outcasts'. So meaning ang 'the bands at outcasts lang ang choices natin. At dahil hindi ko type ang 'the band' dahil may gut feel ako na doon kasali si Lance, meaning ang outcasts ang last at pinaka-alternative na choice natin na club." nakita ko namang tumango ang dalawa at sabay ulit sila sa pagsasalita.

"Oo nga noh?" kaya napairap ako.

"So Outcasts then. Aym supah dupah eksaytedd!" sabi ni Loveliz.

"Ako rin! Meh twoooo (Me too)." sabi ni Amanda at pagkatapos niyang sabihin yun ay sabay pa silang dalawa sa paglingon sa akin.

Tinaasan ko sila ng kilay kaya sabay silang napa-pout.

"Dapat sumagot ka ng me three." -Amanda

"Oo nga, ang kj." -Loveliz

"Just shut up guys at tapusin na yang pagkain, maglilibot libot pa tayo around the campus." napa-cross arms naman ang dalawa sabay pout.

Eww.. Mukha silang mga pato, kakanta na ba ako ng may tatlong bibe?

"Pssh fine, me three then."

"Yehey!!"

'Mga isip bata' bulong ko sa sarili habang nakangiting nakatingin sa dalawa.

Musical Academy (Pop Star High): When Love Occurs [Completed]Where stories live. Discover now