Chapter 28

4.6K 171 3
                                    

Makalipas ang isang linggo ay bumalik na nga si Nadia.

Na hindi matanggap tanggap na ang outcast ang nakuha para opening foundation week.

Busy naman ang officers sa pag-iisip ng concept.

Para naman daw hindi magsisi ang board members at dean sa pagkuha sa outcast.

Napatawa pa nga ako nang sabihin nina Laila at Courtney na kailangan raw ma-amaze ang Maxwell Heiress dahil they were planning on dedicating our perfomance sa kanya.

Ang sarap sabihin na 'Guys, no need to please or impress her, jusko. Kasama niyo kaya siya sa pagpe-perform'.

"Woy! May free karaoke dun sa may gym, sino daw ang may gustong kumanta?" napatigil naman kami sa sinabi ni Kyle.

"Talaga? Ay, kanta ka Loveliz!!" sabi ni Elena at nakita ko naman siyang nginuso ako.

"Hoy! H'wag ako, tinatamad ako." sabi ko kaya napasimangot sila.

"Oo nga Loveliz, kumanta ka! Kantahin mo 'Shout Out to My Ex', asarin mo si Nadia at Lance!" sabi ni Amanda saka tumawa. Napailing naman ako.

"Ay, type ko nga yan. Ano bang maganda na kantahin para kay Karelle?" nakita ko naman silang napatigil at napaisip.

"Kantahan niyo nalang siya nang 'The Prayer' nang matakot at bumalik sa mundong ilalim. Hahahaha" napatawa tuloy kami sa sinabi ni Janine.

"Uy bad kayo. Pero teka nga, nasaan nga pala si Loki?" sambit ni Jace kaya napatigil silang lahat at tumingin sa akin.

"Oh? Ba't kayo nakatingin sa akin? Anak ko ba si Loki?" sabi ko at nakitang umiling-iling sila.

"Mga baklaaaaaa! Si Loki ar Andrei kakanta. Kyaaaaah!" napatingin naman kami at nakitang tumatakbo papalapit sa amin si Courtney at Laila.

"Talaga?" napatayo naman si Pres.

"Oo nga! Kaya dalian niyo na diyan!" nagulat nalang ako nang magtatakbo si Pres.

"Omo! Baby Andreiiii! Wait for me!" napatawa naman kami.

"Baliw talaga ang baklang yun. Eh stepbrother din naman niya si Andrei." Sambit ni Elena kaya napangiwi kami.

"Pero sabi niya okay lang naman daw, hindi naman daw sila magkadugo kaya pwede pa. Hahahaha.. Antaas ng pangarap ni Pres." Napailing tuloy ako.

Ang obsess talaga ni Pres kay Andrei.

Idagdag mo pa na, lovey dovey niya raw si Kuya na Dean namin.

Pagdating namin sa gym nakita naming si Andrei ang may hawak ng mikropono.

"Ahm Andrei, kanino mo idini-dedicate ang kantang kakantahin mo? A special someone perhaps?" nakita ko namang iginala niya ang kanyang tingin sa paligid at tumigil ito sa akin kaya napatigil ako sa kinatatayuan ko.

"A childhood sweetheart. But sadly, hindi niya ako maalala." Tila nalungkot naman ang iilan dahil sa sinabi nito.

Nakita ko namang dumilim ang mukha ni Karelle at Loki.

May sumigaw pa na 'Ako nalang Papa Andrei! Ako nalang! Kasi ako hinding hindi kita kakalimutan!'

"Can't Help Falling Inlove With You by Elvis Presly"

"This song is for you My Angel, My Angelina"

Napatigil naman ulit ako at nanlalaki ang mga matang napatingin sa kanya.

Nakita ko naman siyang nakatitig sa akin.

Ngumiti pa siya, pero yung ngiting malungkot na naman.

Musical Academy (Pop Star High): When Love Occurs [Completed]Where stories live. Discover now