APNI Part 3: Ang Hari ng Isla

4.3K 217 18
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Ang Paraiso ni Irano

AiTenshi

June 25, 2019

Part 3: Ang Hari ng Isla

"Kumain ka ng kumain para manumbalik ang katinuan ng utak mo, saka infairness ha bagay na bagay sayo iyang tshirt ni Cyan." ang wika ni Tibur naman pinanood niya ako sa pag kain ng almusal.

"Matino naman pag iisip ko, hindi ko lang talaga maalala yung mga nangyari sa akin. Pero ang lahat ay nakikita ko sa panaginip ko, kung paano ako lamunin ng malalaking alon sa karagatan, yung hagupit ng bagyo ay naririnig ko pa rin hanggang ngayon, ang akala ko ay doon na ako mamamatay."

"Pero swerte ka pa rin dahil buhay ka, kung sa bagay ay nauunawaan kita. Kung sa akin nangyari iyan ay baka maloka loka na ko." ang wika niya sabay lagay ng kanin sa aking plato.

Habang nasa ganoong posisyon kami noong biglang sumulpot si Cyan sa harap ng lamesa, naka hubad ito ay brief lamang ang suot. Umupo siya sa aking tabi at saka dumakot ng kanin at ulam. Wala siyang paki alam, ni hindi man lang kami binati o parang wala itong nakita. Malaking subo ang kanyang ginagawa, magulo ang pag kain sa kanyang plato at barakong barako kung kumilos. "Ehem" ang pag papa pansin ni Tibur.

Tumingin sa kanya ang binata, napahinto ito sa pag nguya, nakabukol ang pag kain sa pisngi. "Ikuha mo nga ako ng kape." ang utos nito saka humarap sa akin at ngumiti. "Ikaw pala yung bagong boarder ni papa. Balita ko matagal ka daw palutang lutang doon sa gitna ng karagatan at medyo naalog nga daw ang utak mo. Kawawa ka naman." ang wika niya.

"Dito muna siya titira sa atin, iyon ang sabi ng papa mo." ang wika ni Tibur habang nag titipla ng kape

"Hindi ka naman siguro masamang tao diba? Wala ka namang sigurong dalang kamalasan sa isla namin."

"W-wala lang ako maalala ngunit tiyak kong hindi naman ako masamang tao." sagot ko.

"Mainam na yung malinaw. Tangina tagal naman ng kape ko." ang utos pa niya sabay tayo at siya na mismo ang kumuha ng kape niya na tinitimpla ni Tibur. "Bagal mo e."

Napatingin ako sa katawan niya, putok ang dibdib, makinis ang balat, bilugan ang braso, walang kataba taba ang tiyan, may abs at makapal na buhok sa ilalim ng kanyang pusod pababa sa kanyang pag kalalaki. "Aba may mapabuhok si kuya." ang wika ni Tibur noong makita ito.

"Huwag kang mag alala dahil mas makapal ang bulbol niyang si ermitanyo kaysa sa akin. Sa haba ng bigote, balbas at buhok niya sa ulo e baka pwede nang itirintas yung bulbol niya sa burat." ang wika nito sabay higop sa kape at umalis sa aming harapan. Natatawa ito na hindi mo mawari.

Ang Paraiso ni Irano (BXB FANTASY 2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon