APNI Part 4: Titig

4.5K 198 34
                                    

Tongtong Kitsakorn as Irano

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tongtong Kitsakorn as Irano

Tongtong Kitsakorn as Irano

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

************

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Ang Paraiso ni Irano

AiTenshi

June 26, 2019

"Hindi ako nakikipag away, pinagtatanggol ko lang rights ko bilang isang bakla. Anyway, ngayong alam na ang buong isla na ikaw ang lalaban kay Cyan, kailangan ay mag handa kana."

"Anong laban ba iyon?" ang tanong ko

"Ang labanang iyon ay tinatawag na "Hari ng Isla" isang contest para sa mga kalalakihan, pagandahan ng katawan, pa gwapuhan at pa angasan. Taon taon ay si Cyan ang nanalo dito. Kailangan ay putulin na natin ang sumpa!" ang wika niya sabay bukas ng cabinet at dito nga nag kahulog ang maraming tropeyo sa loob nito.

Part 4: Titig

Alas 8 ng gabi..

"Baliw ka ba Tibursio? Ilalaban mo sa akin yung ermitanyong boarder ni papa? Tang ina, mag ahit muna siya ng bulbol niyang kasing kapal ng bigote at balbas niya." ang narinig kong wika ni Cyan sa sala. Nasa loob naman ako ng aking silid at naka silip lang sa awang ng pinto at nakikinig sa kanilang usapan.

"Makapal na rin iyang sayo, gusto mo sabay na kayo mag ahit?" ang pilyong sagot ni Tibur habang isa isang iniaayos ang mga tropeyo ni Cyan sa cabinet. "Teka, bakit ba inaayos mo iyan. Saka bakit may bakanteng space diyan sa taas?" tanong ng binata habang naka pamewang na ubod ng yabang.

"Yung space na iyan ay para kay Irano. Para may mapag lagyan siya ng trophy niya sa susunod na linggo."

"Ah ganon? Gusto mong ilagay ko yung ulo mo diyan? Ayusin mo na nga iyan. Nasaan ba yung ermitanyong iyan? Lakas ng loob lumaban sa akin! Tangina, alam niya dapat ang pag kakaiba ng physical looks namin! Baka pag nakita niya ko ng malapitan ay matulala iyan at mawala sa kanyang ulirat!" ang pag yayabang nito habang lumalakad patungo sa aking silid kaya naman isinara ko ang pinto at nilock ito.

Ang Paraiso ni Irano (BXB FANTASY 2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon