[MBI-TWENTY-EIGHT]

16.3K 332 0
                                    

[MBI-TWENTY-EIGHT]

LANDON'S POV 

NATULALA siya sa sinabi ko. Well, I am just being so honest with my feelings to her. 

"You okay?" untag ko. 

"Ha? Ah oo! Grabe! Ang ganda ko naman yata para magustuhan mo ako," naiilang niyang sagot. 

Napatawa ako ng bahagya. 

"Hindi naman siguro sa lahat ng bagay ay itsura ang pagbabasehan, nasa ugali din 'yan," sagot ko. 

Bigla naman siyang napangiti. Ugh! Ito na naman ang puso ko. Kailangang itigil ko na ang kahibangang ito. Malaki ang respeto ko sa pinsan ko kaya kailangan kong magparaya. Mukhang maling panahon yata ang napasukan ng puso ko. Isa pa, halata naman sa kilos ng pinsan ko na nagkakagusto na siya kay Kyla. Glad to know that. 

"Friends?" I said at inilahad ang kanang kamay ko. 

"Friends!" sagot niya sabay abot sa kamay ko. 

"Don't tell Kyran na may gusto ako sa 'yo," biro ko. 

"Psh! Iyon? Wala naman iyong pakialam sa akin minsan," sagot niya. 

"Talaga? Well, let see." 

Hinampas naman niya ako ng marahan sa balikat ko. 

"Kung may kalokohan kang gagawin. Huwag na!" she said. 

"Fine," I said. 

But I was lying. I'll push my cousin to his limits para mapaamin ko siya. Hindi rin naman ako ganoon ka selfish. Gusto ko ring makitang masaya ang pinsan ko gaya noong buhay pa si Emily. Gusto ko ring maging masaya si Ashley. Kung sa simpleng pagpaparaya ko lang ay kapalit noon ay makita ko silang masaya, okay lang. Ang daming babae sa mundo. Nag-eenjoy pa rin naman ako sa pagiging single ko. 

"So? The early bird catches the worm," bungad sa amin ni Hailey. 

Napabaling ako kay Kyla. 

"Did you hear something Kyla?" drama ko. 

"Oo, iyong tiyan natin, tara Landon." 

Haha! I really like this woman! So kulit! Tumayo na kami at tinalikuran si Hailey. Pinauna ko si Kyla na maglakad at hinarap si Hailey. 

"Bakit ba napakaepal mo!" sita niya sa akin. 

"Leave her alone! Kung ayaw mong isumbong kita kay Kyran sa mga kasamaan mo!" I said. 

I caught her off guard. Tsk! Tinalikuran ko na siya at sumunod na kay Kyla. 

"Magtatagal ba si Kyran?" tanong niya habang nasa kusina na kami at nagsisimula ng kumain. 

"I don't know, maybe by now his heading back right here," sagot ko habang nakasulyap sa relo ko. 

"Am I not invited?" Hailey said sabay upo sa kabilang silya. 

Sinimangutan ko lang siya at ipinagpatuloy na iyong kinakain ko. Si Kyla din walang imik. Napabaling ng tingin sa akin si Kyla kaya kinindatan ko siya. 

LYKA'S POV 

PESTI! Ano na naman kaya trip ni Landon. Kindatan daw ba ako. Kinilig ka naman! 'Di kaya! 

"Nga pala Kyla? May business trip kami sa Hongkong next month. I guess Kyran will do something in your Honeymoon." 

Nanlaki mata ko sa sinabi ni Landon. Anong Honeymoon iyang pinagsasasabi niya? 

"What!?" galit na reak ni Hailey.

Baliw din siya. Ginagalit niya si Hailey. 

"Why so over reacting Hailey? As far as I know? Hindi pa sila nakakapag-honeymoon," sabi ni Landon sabay kindat ulit sa akin. 

Tumayo naman siya bigla. 

"Oh Hailey? Since you really love traveling. Saan ba iyong magandang spot? Out of the country or dito na lang sa Pilipinas," tanong pa ni Landon. 

Hala siya! Ginawa akong audience ng dalawang 'to! 

"Are you crazy! Ugh! You Jerk!" inis na sabi ni Hailey sabay walk out. 

Nagkatinginan kami ni Landon at...

"Haha!" malakas na tawa naming dalawa. 

"Give me five!" 

Nag-high five kaming dalawa. 

"Balik na ako sa guest house Kyla. Thank you for the breakfast and to that little scenery," nakangiting sabi ni Landon sa akin sabay alis sa harap ko. 

Kumaway lang ako sa kanya at umakyat na papunta sa kuwarto ko. 

"Kyran wants you to cook his favorite prawns," sabi bigla ni Hailey sa likuran ko. 

"Ha? Hindi naman siya nag-text sa akin," taka kong sagot. 

"Well, nag-text siya sa akin!" sabi niya sabay alis sa harap ko. 

Nakapagtataka namang hindi niya ako tinawagan o i-text man lang para ipaalam sa akin na ipagluto ko siya. Nagkibit-balikat na lang ako at nagtungo pabalik sa kusina. 

HABANG nasa kalagitnaan ako ng pagluluto ay bumungad sa akin ang katulong ni Ashley. 

"Ma'am Kyla? Si Ashley po ayaw tumahan," nag-aalala niyang tanong. 

"Ganoon ba? Teka, tawagin mo iyong ibang katulong para sila na tumapos ng niluluto ko, pakihain na lang pagkadating ni Kyran," bilin ko. 

Agad akong nagtungo sa kuwarto ni Ashley. 

"Ano ba nangyari?" tanong ko sa isang katulong. 

"Iyak po nang iyak ma'am eh. Pinadede na po namin siya tapos ilang oras lang iyak na po nang iyak," paliwanag niya. 

"Hindi niyo pina-burp 'to eh kaya umiiyak," sagot ko. 

Pumuwesto ako sa veranda at inalo si Ashley. Tumigil na siya sa pag-iyak pero hindi pa rin mapakali. 

"Anong masakit sa 'yo baby?" lambing ko habang hinihimas ang tiyan niya. 

Ngumiti lang siya sabay digay. Gigil na gigil naman akong napangiti. Dumating naman bigla ang sasakyan ni Kyran. Pulang-pula na Ferrari. Hindi din naman siya masiyadong mayaman ano? Bumukas naman iyong kotse at iniluwa doon ang isang Adones! Ang guwapo niya talaga, kailan kaya siya magiging akin. Hanggang pangarap na lang ako dahil alam ko na sa oras na malaman niyang isa akong impostor ay talagang mag-go-goodbye Philippines ako. Kahit mukha siyang pagod ay guwapo pa rin. Tumalikod na ako at pumasok ulit sa kuwarto ni Ashley. Ibinigay ko siya sa mga katulong niya at pumanaog. Naabutan ko si Kyran na papasok sa opisina niya. Hindi man lang ako napansin! Anino ka Lyka? No? Multo ako! Padabog akong nagtungo palabas ng bahay at naglakad-lakad. Nakakabagot maghintay kung kailan ito matatapos. Nakakabagot magpanggap na ibang tao ka gayong gustong-gusto mo namang maging totoo. Buhay nga naman oh! Sa dami ba naman ng problemang ibabato sa akin, ito pa?! God? Another request? For a change naman! Matapos kong magliwalil ay bumalik na ako sa bahay. 

MISTAKEN BRIDE'S IDENTITYWhere stories live. Discover now