Chapter 28.2

1.1K 39 1
                                    

Dumiretso ako sa kusina. Ako na bahala para sa celebration. Ako na magluluto este tutulong sa pagluluto.

Nagpatulong akong magluto ng menudo, Lumpia, kaldereta tsaka letche flan at kung ano-ano pa para sa celebration ng family day.

" Hello Laurence " tinawagan ko si Laurence

[ Hello rin ]

" Hmm. Pwede ba pagpumunta ka dito pwede ka bang bumili ng dalawang cake "

[ Oh sige. Sige ]

" Salamat I love you "

[ I Love you too ]

Ibinaba ko na yung phone ko. Naghanda na rin ako ng mga kakainan.

" Baby Princess ik--- "

" Mommmy!! " tinalikod ko na sya agad " Mamaya na kayo pumunta dito. Di na ito magiging surprise kapag nakita nyo na " hinila-hila ko sya papuntang sala

" Hahaha. Sorry baby princess "

" Wag po kayong pupunta sa kusina at Dinning area. Mamaya na po tatawagin ko na lang kayo " pagpapa alala ko kila Mommy, Daddy at Kuya Lay.

Nang matapos na ang lahat. Tatawagin ko na sana sila ng may tumawag sa akin sa cellphone. Lumabas muna ako at pumunta ng garden

" Hello "

[ Are you enjoying your life with them? ]

" Ang sabi ko wag na kayong tumawag sa akin. Two months na lang naman ang hinihingi ko sa inyo "

[ Wag kang mag-alala ang pangako ay pangako kaya tutuparin namin pero siguraduhing tutupad ka din ]

" Nangako ako sa inyo " sabay patay ng cellphone ko.

Dapat hindi ko muna sila intindihin. Magpapakasaya na lang ako sa dalawang buwang ibinigay nila sa akin.

Pumunta na ako sa may sala. Nandoon na rin pala si Kuya Dennis at Ate Lea tsaka si Laurence.

" Hi sa inyo. Dali punta na tayo sa lamesa " yaya ko sa kanila.

Tumayo naman sila at sinundan ako. Pagkarating namin sa Dinning table.

".SURPRISE!!! "

" Wow baby princess sila Yaya ba naghanda nito " sabi ni Kuya Dennis

" Hindi ah. Ako kaya nagprepare nyan. Syempre tinulungan ko lang sila magluto "

" Pwede ng mag-asawa ang baby princess ko " hirit ni Mommy " nakuh si Laurence lalong nainlove kay Angela " namula naman ako sa sinabi ni Mommy.

" Upo na po tayo " yaya ko sa kanila.

Nag start na kaming kumain. Ang saya nga sa feeling hindi inaaway ni Kuya Dennis si Laurence. Masaya ring nag uusap sila Mommy at Ate Lea. Ang gandang tingnan ng ganto.

" Ieexplain mo na ba sa akin? " tanong ni Laurence. Nandito kasi kami sa kwarto ko.

" Wag na lang kaya baka maisine pa hahaha----woah " nagulat na lang ako ng bigla nya akong hinila kaya napapatong ako sa kanya " Baka makita tayo ni Mommy at Daddy " ngumiti lang sya ng nakakaloko sa akin.

" Wag kang mag alala nilock ko yung pinto " hinampas ko sya sa balikat

" Bakit mo ginawa yun baka kung anong isipin nilang ginagawa natin "

" Anong iisipin nila? Wala naman tayong ginagawa except kung gusto mong gawin ang iniisip mo " ano kaya tinira nyang katol at ganyan sya magsalita.

" Ano yang tumatakbo sa is--- " hindi ko na natapos yung sasabihin ko dahil hinalikan ako ni Laurence. Hindi naman ako pumalag at nagrespond rin ako sa halik nya. Ngayon sya naman ang nakapatong sa akin.

" Angel--- oppss! " napatingin kami sa may pinto " Sige tuloy nyo lang isipin nyo di ako dumating. Secret lang natin " sabay sara ng pinto ni Ate Lea

" Kyahh nakakahiya! Ang sabi mo nilock mo " sabay hampas sa dibdib nya ng mahina

" Hahaha Joke lang yun di ko naman aakalain na hindi pala uso dito ang kumatok sa pinto "

" May gana ka pa talagang tumawa dyan. Tumayo na nga tayo baka sila Mommy pa makakita sa atin "

Tumayo na sya sa pagkakapatong sa akin. Nag ayos lang ako ng konti.

" Oh bakit? " takhang tanong ko ng yumakap sya sa likod ko bago ko mabuksan ang pinto.

" Namiss kita ng sobra sa susunod wag mo ng uulitin yun. Wag ka ng maglilihim sa akin mangako ka " hinarap nya ako " Pangako? "inulit nya uli.

Hindi ako sumagot sa tanong nya. Hinalikan ko na lang sya. Ayaw kong mangako dahil ngayon pa lang di ko na agad matutupad. Ayaw kong panghawakan nya ang isang pangakong mapapako.

----

Salamat sa pagbabasa :)

My First Strict LOVE ( COMPLETED )Where stories live. Discover now