Chapter 35.1

1.2K 42 0
                                    

Ang bilis lumipas ng panahon at tatlong linggo na lang birthday ko na at ikakasal na. Excited na malungkot ako dahil alam nyo naman diba?! Sana excited  na lang ang nararamdaman ko.

Nakapagprepare na kami sa gagawing debut party ko. Plinano ko kasi sa bahay na lang namin dahil malaki naman ang garden namin at duon na lang ganapin. Nakapagbigay na rin ako ng mga invitations sa mga classmate ko at pati na rin si Kuya Dennis para sa mga kaibigan nya.

Kasalukuyan ako at si Laurence nakikipag-usap sa isang wedding organizer. Kami na lang daw ang makipagmeet para daw makapagdesisyon kaming dalawa.

" Gusto ko yung blue , white, pink roses ang maging theme ng mga flowers ko " sabi ko sa organizer na agad naman nyang tinake note.

Nag-usap pa kami about sa mga ibang bagay ng dumating si Mommy dahil pupunta pa kami sa isang sikat na designer para kuhanin ang sukat ko para sa wedding gown.

" Mommy ang rami pa lang ginagawa kapag ikakasal na " sabi ko habang nakaupo kami dito sa loob ng wedding shop.

" Yes baby princess pero kapag sa oras na naglalakad ka na sa altar mawawala lahat ng pagod mo " tumingin sa akin si Mommy at hinawakan ang kamay ko " Excited na ako na makitang ikakasal ka dahil alam ko na magiging maayos kayo ni Laurence dahil mahal nyo ang isa't-isa " niyakap ko si Mommy ng mahigpit.

Parang gusto ko ng umatras sa kasal namin ni Laurence. Hindi dahil sa hindi ko sya mahal, dahil sa mangyayari pagkatapos ng kasal. Iiwan ko sya na kakakasal pa lang namin. Kung sana wala lang ang kasunduan sa may last and will testament nila Lolo at Lola ay sana iniwan ko na sya ng hindi pa naiitali sa akin at hindi lalong nahulog ang loob nya at hindi sya masaktan ng sobra sobra pero eto na eh. Wala ng atrasan to kailangan ko rin itong gawin para sa kanilang lahat. Alam nila na maiintindihan nila ako balang araw.

Pagkatapos ng buong gawain ay humiga ako sa kama ko at tumingin sa kisame. Napaluha na rin ako sa mga mangyayari sa susunod na tatlong linggo. Dapat diba masaya ako. Diba dapat excited ako especially dahil ikakasal ako. Ikakasal ako sa taong mahal ko na sana makakasama ko habang buhay pero hindi eh. Hindi mangyayari yun kahit anong pilit kong isipin kung paano makakatakas sa kaguluhang ito.

Flashback ( Eto po yung time na kinidnap si Angela )

Papunta na ako sa parking lot para pumunta sa driver ko at para makauwi na ng bahay. Napapagod na kasi ako kakaisip kung sino yung tumawag kagabi sa akin ( para maintindihan nyo punta po kayo sa Chapter 26 sa pinakadulo )

" Langit lupa impyerno, im..im..impyerno " napahinto ako sa narinig kong boses. Kaboses nya yung tumawag kagabi.

" Saksak puso tulo ang dugo " naalala ko ang dating nangyari kila Lolo at Lola noon. Nakita ng dalawang mata ko kung paano nila saksakin sa puso si Lolo. Si Lola dahil gusto akong iligtas hinarang nya ang sarili nya para hindi ako masaksak.

" Patay. Buhay. Umalis ka na sa pwes.. " hindi ko na pa pinatapos ang kinakanta na kung sino man sya.

" SINO KA?! " naglakas loob akong sumigaw kahit hindi na ako makagalaw sa pwesto ko. Para akong sinimento sa kinatatayuan ko. " SINO KA? " tanong ko uli ngunit wala uling sumagot. Hinakbang ko ang paa ko para makaalis sa pwesto ko ngunit may tumakip sa bibig at ilong ko kaya nawalan ako ng malay.

Pagmulat ng mata ko hindi ko magalaw ang katawan ko dahil nakatali ako sa silya. Inikot ko ang tingin kung nasan ako pero ang tanging nakikita ko lang ay isang lamesa at upuan sa harap ko.

" Pakawalan nyo ako! " unang sigaw na lumabas sa bibig ko.

May naring akong pagbukas ng pinto kaya napatingin ako sa gilid. May isang babae at lalaki na lumabas mula rito na may dalang baril.

My First Strict LOVE ( COMPLETED )Where stories live. Discover now