Kabanata 24

1.8K 50 0
                                    


Mommy

Minulat ko ang mata ko at kaagad nakita ang puting kisame. Nagtaka pa ako kung nasaan ako pero kaagad akong napabangon ng maalala ang nangyari.

"Caia, mahiga ka pa. Magpahinga ka," sabi ni mommy at pinahiga ulit ako.

Pinilit kong bumangon at kinapa ang sinapupunan.

"Mommy, ang-"

"Yes, Caia, okay ang baby mo. Don't worry. Kailangan mong magpahinga," sabi ni mommy at tumango-tango. Hindi ako nakakita ng kahit anong galit sa mga mata niya. Ang akala ko ay magagalit sila.

Tumingin ako sa paligid at nakitang nandoon si daddy at pinagmamasdan ako. Nahihiya ako dahil siguradong masama ang loob niya sa akin. Sila dapat ang unang nakaalam simula noong malaman kong buntis ako pero pinili ko pang ilihim sa kanila.

"Caia, kailan mo balak ipaalam sa amin ito?" malumanay na tanong ni mommy.

"I'm sorry, natatakot lang po ako. Baka kasi magalit kayo. Sabi niyo kasi kailangan kasal muna ako bago ako makipag-sex at mabuntis. Sorry po, mommy at daddy," sabi ko.

"Hindi mo kailangang matakot. Hindi naman namin kontrolado ang buhay mo. Hindi naman kayang diktahan ang bawat galaw na gagawin mo. Nasa tamang edad ka na at alam kong alam namin na alam mo na ang ginagawa mo," sabi ni mommy at hinaplos ang balikat ko.

"And who is the father?" tanong ni daddy at saka lumapit sa amin.

"Dad..." sabi ko at umiling.

"See, Amanda? Hindi niya alam," sabi ni daddy kay mommy na namumula ang mukha hanggang leeg.

"Calm down, Calix. Ang OA mo. Sa tingin mo ba magpapabuntis ang anak mo kung kani-kanino lang?" Kinurot ni mommy ang pisngi ni daddy. Pinanggigilan pa!

Hindi ko alam kung maiiyak ako o matatawa. And speaking of, 'yung tatay ng anak ko kailangan ko siyang puntahan. I need to see him para mapalagay na ako.

"Anak, magpahinga ka," sabi ni mommy at inalalayan akong tumayo. Hindi naman ako nakaswero o kung ano man. Nahimatay lang talaga ako dahil sa hilo at nerbyos na rin siguro dahil sa nangyari kay Harry.

"Kailangan kong puntahan si Harry, mommy. Nasaan sya?" sabi ko at naglakad na palabas kasunod si mommy.

"Dito, anak." Tinuro niya ang isang kwarto.

Pumasok kami sa isang private room. Nakita ko si Harry na nakahiga sa kama at may nakakabit na oxgen at dextrose sa kanya. May binabasa siya sa kaya hindi kami nabalingan.

"Ma, ang bilis-"

Natigilan siya nang makita ako imbis na ang mama niya.

"Caia," tawag niya at bumuga ng hangin. Tinabi niya ang binabasa at sinenyasan akong lumapit sa kanya.

Lumapit ako at sumampa sa kama niya. Niyakap ko siya at umiyak sa bisig niya.

"Please don't cry, my love," bulong niya sa akin at hinaplos ang buhok ko.

"I hate you. You're so unfair," mahinang sabi ko habang marahang hinahaplos ang dibdib niya kung nasaan ang puso niya.

"I'm sorry. Ayoko lang makulong ka sa akin. Gusto ko makahanap ka pa ng ibang mamahalin. I know that I can't be with you for so long. Bibigay ang katawan ko at maiiwan kita. I don't want you to be too dependent on me. Maraming nagkakagusto sa iyo, you can go on without me." Naramdaman ko ang labi niyang humalik sa ulo ko.

Umiling ako. "No, hindi ko iyon kaya."

"Tama na ang pag-iyak. Makakasama 'yan sa baby, sige ka." May pagbabanta sa boses niya.

Extreme Beats Of Epiphany (EX SERIES 1) Self-Published Under Immac PPHWhere stories live. Discover now