Chapter 3

9.8K 383 83
                                    

Someone's Waiting
___

Ilang beses akong nagpapalit-palit ng posisyon pero hindi pa rin ako makatulog. What Commander Jensen said earlier keeps running in my mind. What's something about Peter? 

Alam kong sa oras na papayag ako sa gusto niya, maiiwan ko ang mga anak ko. And I don't like the idea of leaving them. Simula nang maging ina ako, sinukuan ko na ang pangarap ko sa UASA. My dream is to become a great mother to my children already.

"Mommy? I can't sleep," biglang saad ni Sky sa pinto. Iniwan ko itong nakabukas para agad silang makapasok kung may kailangan sila.

"Come here, baby," tawag ko kay Sky na dala-dala pa rin ngayon ang astronaut toy niya. Agad naman siyang sumampa sa kama at tumabi sa akin.

"Let's cuddle mommy, nilalamig ako," napangiti nalang ako sa narinig ko sa kanya. That was Pedro's line. Nagmana talaga itong anak ko sa kanya.

I hugged him and kissed the top of his head. Niyakap niya naman ako pabalik. Pero nagtaka ako nang lumingon siya sa likod.

"What is it, baby?" tanong ko sa kanya.

"Nothing mommy. I was just imagining how it feels if daddy is also lying on my side," saad niya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.

Those two oceanic blue orbs of his. First thing that reminds me of his dad whenever I look at him. Kumirot ang puso ko. Pilit kong nilalabanan na hindi maluha.

"Mommy your eyes are teary," he said. 

Kinurap-kurap ko ang mga mata ko upang hindi tuluyang tumulo ang mga luha mula rito.

"No, baby. You're just imagining things," pabiro kong saad kaya napangisi naman siya.

"You know what mommy? When I grow up, I want to be like daddy. I want to save people too just like you both did," he said with amusement.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o matatakot. Natatakot ako sa posibilidad na mawawala rin siya sa akin.

Being an astronaut is a life-and-death decision that everyone should think of a hundred times. At natatakot akong maulit ang nakaraan. Natatakot akong mangyari sa kanya ang nangyari sa kanyang ama. Hindi ko kakayanin pa kung pati siya ay agawin din ng kalawakan sa akin.

Should I prohibit him from pursuing his dream? Ayaw ko naman siyang masaktan. At ayaw kong isipin niyang hindi ko siya sinusuportahan.

"Are you sure?" tanong ko sa kanya at walang pag alinlangan siyang tumango. 

Nakikita ko sa bughaw niyang mga mata ang pangarap niyang ito. Sandali ko itong tinitigan bago nagsalita ulit.

"Close your eyes," sabi ko sa kanya. Sinunod niya naman ito agad.

I kissed both of his eyes. At sa sandaling iyon, tuluyan nang tumulo ang mga luha ko. Agad ko itong pinunasan bago pa man siya muling dumilat.

"What's that for, mommy?" tanong niya. Ngumiti ako nang bahagya at inayos ang buhok niya.

"That means that i love you, and I'll support whatever that would make you happy," ngiti kong sagot. Napapikit naman ako nang lumapit din siya sa akin at hinalikan ang magkabilang mata ko.

"I love you too, mommy," he answered and smiled.


I woke up due to Commander Jensen's call. Inaantok kong pinindot ang answer button at agad lumabas ang holographic image niya. Nag iwan lang pala siya ng voicemail kaya pinakinggan ko nalang iyon.

"Behati, I'm sorry if we didn't say this ahead of time. You're the reason why we came back here in the Philippines. We were tasked to convince you to go back to UASA. This is important. We are not asking you to renew your vow and get back on duty. We are just asking you to visit. The UASA heads are waiting for you," putol niya at narinig ko ang mabigat niyang hininga. 

"Someone's waiting for you, Behati." he added.

Muli akong binalot ng pagtataka. Who's waiting for me?


Kinabukasan, tinanong ko si Papa kung pwede ko bang makita ang private plane ni Peter at agad naman siyang pumayag.

Agad akong nagtungo sa basement kung saan ang private plane. Hinawakan ko ang bawat sulok habang nililibot ang kabuuan nito. Napapikit ako nang maalala ang unang beses na sumakay kami ni Pedro dito.

Bigla ko nalang narinig sina Aaron at Sky sa likuran ko. Sinundan ata ako ng dalawang ito.

"Wow! Did daddy own this, mommy?" tanong ni Aaron. Napangiti ako at tumango.

"Mommy, can we get in? Can we mommy? Pleaseee," paki-usap ni Sky.

Napatingin pa ako muli sa eroplano at tumango. Nasa akin naman ang susi nito ngayon kaya ayos lang. Excited silang pumasok at pinagmasdan ang bawat controls. Habang inalala ko naman kung saan kami umupo ni Peter noon.

Napahinga ako ng maluwag at bumaling sa dalawa kong anak na naka-upo na sa dalawang pilot's seat and acting like they're flying this plane. Napangiti nalang ako.

"Do you want this thing to fly, boys?" tanong ko sa kanila. Sabay silang napalingon at napatango sa sinabi ko.

Pina-upo ko sila sa isang seat at kasya naman sila sa iisang seat belt.

Umupo na ako at inayos ang controls bago ito pinaandar. I pushed the button for the autolift garage door.

"This is former Flight Lieutenant Behati Azalea Monzanto-Armstrong. Douglas 43 of Isla Verde flight in command....flying with my two angels..."

Taste Of Home (Taste of Sky Fanfiction) (✔️) Where stories live. Discover now