Kabanata 2

4.4K 121 26
                                    

Jenny's Point of View

Nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi niya. "Sino ka ba?" tanong ko.

"Yeah, of course you don't know who I am," sabi nya ng wala pa rin emosyon. Medyo nainis ako dahil hindi naman niya sinagot ang tanong ko. Pinili ko na lamang siyang huwag pansinin. Kinakailangan ko mag ingat lalo na sa taong 'to.

Kain lang ako ng kain. Wala akong pakialam kung anong maging tingin niya dahil ang mahalaga saakin ngayon ay ang makakain ng marami. Ramdam ko pa rin ang titig niya at hindi manlang nag aabalang alisin saakin iyon.

Naka ilang bulos pa ako ng kanin bago makuntento. Napasandal ako sa upuan matapos uminom ng tubig. Hinimas himas ko ang tiyan ko dahil sa busog na nararamdaman. Kinuha niya ang platong pinagkainan ko. Dinala niya iyon sa lababo at hinugasan.

Habang nakatalikod sa dereksyon ko ay hindi ko maiwasan titigan ang likod niya. He's wearing a fitted black long sleeves shirt. His shoulder is broad. Matangkad sya and has a pure black hair. He also has a tattoo on his neck. Napakunot ang noo ko nang mapansin na parang may kumikinang sa kaniyang tainga. Isang sandali pa ang lumipas bago ko napagtanto na hikaw iyon. Gangster kaya siya? Pero hindi naman mukhang adik.

Bakit ko ba siya inoobserbahan? Ano bang pakialam ko sakaniya? Napailing nalang ako. Itinuon ko ang aking atensyon sa kanang braso ko. Mabuti at nagamot na ito. Sino kaya ang gumamot nito? Baka siya? Pero parang wala naman sa itsura niya na marunong siya maggamot. E sino naman ang ibang taong makakapunta sa gantong lugar? Baka siya nga.

Napailing muli ako sa naisip. Kung tutuusin ay puwede naman akong magtanong sakaniya subalit pinipili ko na lamang manahimik. Ayokong makipag usap sa taong hindi ko naman kilala. Pero nagpapasalamat pa din ako sakaniya dahil iniligtas niya ako.

Ngayon ko lang naalala na hindi pa pala ako nakakapagpasalamat sakaniya. Ibinaling ko ang paningin ko sakaniya. Tapos na ito maghugas ng plato. Nakatuon na sya ngayon sa ref habang minamasdan ako. Walang emosyon na makikita sa mga mata niya.

"Thank you," usal ko habang nakatitig pa rin sa kaniyang mga mata.

"Yeah, your welcome," simpleng sagot niya lamang.

"I'm sorry, kung kailangan mo pa yon gawin para sa'kin," nakayukong sabi ko.

"It's okay, I'm used to it," malamig ang boses na sabi niya at umalis. Nagsalubong ang kilay ko habang minamasdan siyang naglalakad palabas ng kusina. I'm used to it? Anong ibig niyang sabihin don?

Lalong nadagdagan ang mga tanong sa utak ko. Ilang minuto ang lumipas bago ko napagdesisyonan na tumayo na. Sumasakit lang ang ulo ko kakaisip. Nang makalabas ako ng kusina ay nagsalubong ang kilay ko. Hindi ko alam kung saan ako dadaan.

Mayroong daan sa kanan. May hagdan ito pababa. Naisip ko na hindi ako ron dumaan dahil wala naman akong natatandaan na tumapak ako sa hagdanan. Mayroon naman sa kaliwa. May hagdan rin ito pababa. Medyo sinilip ko kaya may nakita akong pintuan. Sa tingin ko ay basement iyon.

Nang sa harap ako tumingin ay lalo nagsalubong ang kilay ko dahil sa dami ng pintuan. Bakit wala naman akong nakitang ganito kanina? Lima ang pintong nakikita ko ngayon. Tatlo ang nakikita kong hallway. Kailangan ba talaga ganito kalaki ang bahay para sa isang tao lang? Sa isang gubat pa niya naisipan magpatayo ng ganito.

Napahawak ako sa aking batok at sinamaan ng tingin ang bawat daanan. Hindi ako makapagdesisyon kung saan ako dadaan. Wala sa sariling naglakad ako sa pangalwang hallway. Wala naman sigurong masama kung libutin ko ang bahay niya. Wala rin naman siyang sinabi na huwag magpunta kung saan-saan.

Napapanganga ako dahil sa mga painting na nakikita ko. Medyo creepy nga lang dahil puro mga larawan ito ng mga patay na tao. Masyadong brutal ang ginawa sa mga katawan. Kung saan-saan may saksak, yung iba pugot pa ang ulo, mayroon rin na kulang-kulang na ang bahagi ng katawan.

Imbis na mandiri ay humahanga pa ako sa mga ito. Wala naman akong kaartehan sa katawan. At isa pa, art ang mga nakikita ko, dapat lang hinahangaan. Dahil sa pagtingala ay parang inatake ako sa puso saglit nang bigla akong madulas. It hurts.

Nauna ang pwet ko sa pagbagsak. Nang hahawakan ko na sana ito ay nanlaki ang mata ko nang makakita ng dugo. Wala sa sariling napatayo ako na parang walang iniindang sakit sa pwetan.

Nanlaki ang mata ko dahil may direksyon ang dugo. Parang may kinaladkad na kung ano. Pumasok sa isip ko yung taong dumukot saakin. Dugo niya kaya 'to?

Sinundan ko ang dugo dahil sa curiosity. Ilang hakbang palang ang nagagawa ko pero nakakita agad ako ng isang malaking pinto. Nagsalubong ang kilay ko dahil may nakasulat roon na 'Vampire Only'. Ano naman ang ibig sabihin nito? Medyo creepy rin ang pagkakadesign ng pinto.

Wala sa sariling binuksan ko ito. Gusto kong makita ang nasa loob. Sa lahat ng pinto, ito lang naman ang kakaiba. Pagbukas ko ng pinto ay nakagawa agad ito ng ingay.

Hindi ko maiwasan ang magulat nang makakita ng dugo sa paligid. Ang iba ay nasa pader pa na parang tumalsik ang mga iyon. Napakakalat rin ng paligid. Inilibot ko pa ang aking mga mata.

Nagtayuan ang mga balahibo ko sa katawan sapagkat napakadami talagang dugo sa paligid. Ano bang meron dito? Pansin ko rin na sobrang lansa ng amoy ng paligid kaya napatakip ako sa aking ilong.
Nakarinig ako ng kaluskos kaya sinundan ko kung saan nanggaling. Dahan-dahan ako naglakad dahil palagay ko ay may tao dito. Nasaan ba ang may-ari ng bahay na 'to? Hindi niya alam may nakakapasok na palang iba.

Nang may makita akong daan pakaliwa ay sumilip ako roon. Nahagip ng paningin ko ang lalaking nagligtas saakin. May hawak siyang baso na transparent. Akala ko ay wine ang laman non pero nakita ko na isinahod niya ang baso sa may hiwang braso ng lalaking nagtangka sa akin kaya napagtanto ko na dugo ito.

And worst, he's drinking it.

--
Votes and comments please!

Revealing the Truth with BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon