Kabanata 5

3.3K 105 2
                                    

Jenny's Point of View

Batid ko na ako ang batang babae sa panaginip ko pero hindi ko mawari kung bakit wala naman akong maalalang ganon na pangyayari sa buhay ko. Pilit ko na inaalala araw-araw ang mga pangyayaring iyon pero wala talagang pumapasok sa utak ko.

Napakahirap ng ganitong sitwasyon. Nagpacheck up na ako sa isa sa mga neurologist sa ospital namin pero wala naman nakitang problema sa utak ko.

Hindi ko alam kung paano ko iiwasan ang mga panaginip na iyon. Minsan ay pinipili ko nalang huwag matulog dahil alam ko na masasaksihan ko lang naman ulit ang paghihirap ng dalawang bata sa panaginip ko. Nasasaktan lang din ako dahil alam kong ako talaga ang batang babae.

Bigla ko naisip na hindi tama na hayaan ko ang sitwasyon ngayon kaya minadali ko ang pagkalas ng yakap sa kaniya.

"What happened?" seryosong tanong niya.

"P-panaginip lang," nag-aalangang sabi ko. I don't know if I would explain further than that.

"Alam ko, tulog ka kanina. Hindi 'yan ang hinihingi kong sagot," kalmadong sabi niya.

Medyo nakaramdam na naman ako ng inis sa lalaking 'to. Gusto ko siyang sapukin. Hindi ba siya nakakahalata na ayaw ko sabihin sakaniya?

"Wala. Wag ka nga makialam. Mind your own business," pagtataray ko.

Inayos ko ang sarili ko. Pinunasan ang mata at sinuklay ko ang buhok ko gamit ang daliri. Pagtingin ko sakaniya ay naglalaro lang na naman siya ulit. Nagdadala ng tao dito pero hindi naman niya inaasikaso.

Bigla kong naalala na baka hindi ako bisita dito. Hindi raw niya ako papakawalan. Paano ako makaka survive dito na siya lang ang kasama? Hindi ko kaya 'to lalo na alam ko na siya ang pumatay kay Marky. Wala ba siyang pamilya na uuwian? Hindi ko na alam ang gagawin. Binabalot pa din ako ng takot sa tuwing tumitingin ako sa kaniya.

Mukhang manonood lang ako maghapon dito. Maybe I should start conversation to know more about him?

"Hey," agaw pansin ko sakaniya.

"Oh?" sagot niya pero nasa nilalaro pa rin ang atensyon. Hindi man lang siya natingin sa akin.

"I-tour mo ako," excited kunwari na sabi ko.

"Bakit?"

"Boring," walang ganang wika ko kahit sa loob-loob ko ay nakakaramdam pa din ako ng takot sapagkat baka hindi niya magustuhan ang mga sasabihin ko.

"Bakit hindi mo i-tour yung sarili mo? Maglibot ka mag isa," parang iritang sabi niya.

"Baka hindi na ako makabalik," pagdadahilan ko. Ayaw na lang niya sabihin na ayaw niya maistorbo sa paglalaro.

"Hindi ka naman dito titira," salubing ang kilay na sambit niya.

Nagsalubong din ang kilay ko. Aba, saan ako balak patirahin nito? Sa labas ng bahay niya? Ano ako taga bantay? Napaka gulo ng utak ng lalaking 'to.

"Saan mo ako balak patirahin?"

"Bakit? Ano sa tingin mo, ikukulong kita dito?" magkasalubong ang kilay na sambit niya habang naglalaro pa din.

"Aalis rin tayo dito," saad niya. Mabuti kung ganon. Akala ko mabubuhay na ako ng walang kalayaan at ang tangi ko nalang makikita ay nag pagmumukha niya.

Pansin ko na malakas nga talaga ang saltik niya. Ang hilig rin niya mangbara. Nakakairita siya. Wala naman akong magagawa dahil natatakot pa rin ako sakaniya. Ikaw ba naman makakita ng parang bampira.

Magdadalwang oras na akong naka-upo at sumasakit na rin ang pwet ko. Samantalang ang lalaking 'to abalang abala sa paglalaro. Hindi ko naman trip yung ganyan. Baka pag nakipaglaro lang ako sakaniya, talo lang ako lagi. Hindi ba siya nagsasawa? Paulit-ulit lang rin naman yung nakikita ko. Lagi siyang panalo at paiba-iba lang naman ang kalaban niya.

"May tanong ako," sambit ko ngunit hindi manlang siya nag abalang lingunin ako. Hindi rin siya nagsasalita na parang walang paki. Makakasapak na talaga ako. Napahinga ako ng malalim. Paraan para pigilan ang sarili ko. Magbait ka Jenny. Hindi ngayon ang panahon para pairalin ang pagiging maldita mo. Pilitin mo magpigil. Bahala na siya, basta ako'y magtatanong.

"Anong pangalan mo?"

Nagsalubong ang kilay ko dahil bigla siyang parang nanigas. Nagpabalik-balik ang tingin ko sa T.V at controller dahil napansin kong hindi na niya ginagalaw iyon. Matatalo na ang pinili niyang character na kanina ko pa pinapanood. Jin Kazama ang pangalan non. Nakalagay ang pangalan nito sa ilalim ng HP kaya naman alam ko.

"Para kang nakakita ng multo. Yung nilalaro mo, matatalo na," sabi ko sakaniya. Winawagayway ko na ang kamay ko para maagaw ang atensyon niya ngunit parang hindi naman niya napapansin at tulala pa rin.

Ano bang problema nito? Nagtanong lang naman ako ng pangalan. Bakit naging ganyan siya? Sa tagal niyang ganon, natalo na siya. Game over.

Tinapik ko ang balikat niya. Napakurap siya at napatingin saakin. Ilang sandali ang nagdaan pero hindi siya nag iiwas ng tingin.

Ang ganda pala talaga ng mata niya. Hindi ko alam pero hindi ko maiiwas yung tingin ko sakaniya. Ang sarap titigan ng mata niya.

Hindi 'to katulad ng madalas kong makita na walang emosyon. Itong nakikita ko ngayon ay kakaiba. Ewan ko kung dahil lang ba 'to sa sobrang lapit ko sakaniya at ngayon ko lang talaga natitigan ito ng malapitan o talagang may something.

Dahil mukha na kaming tanga dito na nagtititigan ay winagayway ko ulit ang kamay ko sa harap niya.

Kahit meron sa loob-loob ko na gusto ko pa titigan ang magaganda niyang mata ay binali wala ko nalang. Hindi naman importante saakin iyon. E ano naman kung may maganda siyang mata? At least ako may mata. Mukha naman natauhan na siya sa ginawa ko.

"So ano ngang pangalan mo? Hindi ko alam itatawag sayo. Parang hindi naman patas yung marami kang alam saakin, samantalang ako, ni hindi ko alam ang pangalan mo," sambit ko. Nagsalubong muli ang kilay ko dahil napayuko siya.

Ano ba talagang problema nito? Bakit siya nagkakaganyan? Nagtatanong lang naman ako ng pangalan. Gaano ba kahirap sabihin iyon?

Inangat niya ang kaniyang mukha mula sa pagkakayuko. Napatingin muli ako sa mga mata niya.

"I-it's Shan."

The expression of his eyes changed. Pero bakit ganto yung nakikita ko? Why am I seeing pain in his beautiful eyes?

--

If you want to read the story, please read it in Dreame App. Thank you!

Revealing the Truth with BloodOù les histoires vivent. Découvrez maintenant