016

109 10 0
                                    


Chaehye's

"Chaehye & Lee, you two got the highest score sa ipinagawa kong project last week. Congrats to the both of you."

Nagsipalakpakan naman ang mga kaklase namin at pilit akong ngumiti kay Ma'am nang i-announce niya iyon sa klase.

Tch, ako lang naman ang may gawa nun. Pera lang ambag niya. Palibhasa kasi, inuna muna ang landi. Tch.

"Uy Chae, thank you talaga ha?"

Hindi ko pinansin 'yung bumulong sa akin sa likuran. Pabuhat.

Nang recess time na, agad kong hinatak ang kakambal kong si Danicka para ipunta sa cafeteria. Mamaya nanaman kasi, sumama 'yan kina Waller at Ethan eh 'di wala nanaman akong kasama.

"Uy Chae, pupunta ba tayo kina Nayih unnie?" tanong sa akin ni Danicka.

"Ewan, break din ba nila?"

Danicka shrugged kaya naglakad nalang kami ulit papunta ng cafeteria.

Pagkarating namin ay agad naming nakita sila Minha, Sheena at Janice unnie kaya lumapit na kami sa table nila at tumabi.

"Oh, andito na pala 'yung mga bunso natin. Si Teffie, nasaan?" bungad ni Janice unnie sa amin.

"Hindi pa break ng section nila eh." sagot ni Dani nang makaupo na sa tabi ni Sheena unnie.

"Sige na, oorder na ako. Anong gusto mo?" I asked my twin.

"The usual, 'lam mo na 'yun hehehe."

Pabiro akong umirap na ikinatawa naman nila unnir bago tumayo at naglakad papunta sa pila. Medyo hindi na nga mahaba dahil halos lahat ng students ay nandoon sa bagong tayong fastfood resto dito sa loob ng university.

"Chaehye ija! Anong order mo?" bati sa akin ni Mrs. Gong, 'yung laging tindera rito.

I smiled at her at nag-mano muna bago sinabi ang order ko, "Isa pomg blueberry cheesecake, isa pong strawberry cheesecake, at dalawa pong banana milk."

Inulit niya ang order ko bago ako nagbayad. Pagkatapos ay niya kinuha ang mga iyon. Pagkakuha niya ay nilagay nya na sa tray na nasa harapan ko at ibinigay sa akin.

"Salamat po, Mrs. Gong!"

Ngumiti naman siya sa akin at tumango.

Nang malapit na ako sa table namin ay nanliit ang mga mata ko nang makitang nandoon sina Wade oppa, jowa ni Minha unnie.

(a/n: timeline po nito is shs sila which means sila Wade at Minha palang po.)

Pero may dalawa pang lalaki ang nandoon at nagtatawanan pa silang lahat.

Nang papalapit na ako ng papalapit ay agad kong nakilala ang isa sa kanina na katabi nina Sheena at Dani, si Hover oppa.

Hindi ko makilala ang isa dahil nakatalikod pa ito sa akin pero nang lumingon...

PUTAKTE MGA MAMSH 'YUNG CRUSH KOOOO!!!!!!! SI MIGUEL OPPA!!!!!!!


Chaehye • l.ch & s.cy Where stories live. Discover now