14화: Trust

9 7 0
                                    

Pagkatapos ng fan signing event ng Bleu Mwun lumabas na si Yani ng venue nang hindi pa nakakabalik sa sarili dahil sa naexperince nya.

"Anak kumusta? Nakapag paautoughraph ka ba?" tanong ng mama nya

"Mama, nagtagalog si Gian" sabi ni Yani

"Sino si Gian? Yun ba yung kulay yellow na buhok? Na naka checkered na damit?" tanong nya

"O-opo.. Pano mo po nalaman?" takang tanong ni Yani

"Kanina kasi pagkapasok mo ng venue....."

(<Flashback>)

Greta's PoV

Pagkapasok ni Yani ng venue, lumabas ako para magpahangin nang bigla akong dinagsa ng maraming kabataan pasalubong. Grabe pala tong mga batang to, pinagbubunggo lang ako hanggang sa matumba ako.

Sobrang sakit ng balakang ko kaya hindi na ako makatayo nang may lalaking nagtayo saken.

"Maam sorry po ah dito na muna po kayo sa dressing room" sino to? Saka bakit sa dressing room ako dinala imbes na clinic.

Habang naghihintay at naghihimas ng masakit na parte ng katawan ko. Dumating yung mga kpop idol, nginitian nila ako at nagbow saken isa isa pero yung isang yellow ang buhok na nakacheckered ay lumapit saken

"Maam magulang po ba kayo nung isa sa mga fangirls?" tumango nalang ako

Akala ko ba koreano tong mga toh

"Sorry po ah, hindi namin napipigilan ang mga ganong insidente, ang magagawa nalang namin ay manggamot every time na may nasasaktan na mga fans namin"

"Oo naintindihan ko, isa rin yan sa dahilan kung bakit di ko pinapayagan ang anak ko sumali sa mga ganyan. Akala ko mga koreano kayo?" sabi ko

Like My Korean Heart (Kaye's Drama)Where stories live. Discover now