Chapter Two

442 13 0
                                    


Zeus-Apollo Academy. Ano bang klaseng school ito? School ng mga Greek Gods? Pinuntahan ni Loise ang school kung saan nagwo-work si Choco para ibalik ang digicam nito. Matagal na niyang napapansin ang prestigious school na iyon na ilang kilometro lang ang layo sa office niya sa Los Baños. Ayon kay Thea, private school for preparatory, elementary, at high school iyon at ang may-ari nito, walang iba kundi si Suencho Covey Sandoval aka Choco.

Papunta na siya sa Principal's Office nang mapadaan siya sa gym. May mga estudyanteng sumasayaw ng ballroom dance combination sa saliw ng kanta ni Shakira, Hips Don't Lie. Naalala tuloy niya ang high school life niya. Kinakaya-kaya lang niya ang ballroom dance dahil may angking talento siya sa pagsasayaw. Napatigil siya sandali at pinanood ang mga estudyante hanggang sa madako sa teacher nila ang kanyang atensyon. Nakatalikod sa kanya ang PE teacher kaya malaya niyang napagmasdan ang likod nito habang kumekembot kapartner ang isang babaeng estudyante. DI ang drama ng lolo ah. In fairness magaling kumembot. Lihim na itinawa niya ang sariling biro. Sa tindig at built ng katawan nito, palagay niya ay bata pa ang teacher. Mga ilang taon lang siguro ang tanda sa kanya. Guwapo ang likod ng lolo mo. The face kaya?

Bilang sagot sa tanong niya, bigla siyang itinuro ng isa sa mga estudyante nito.

"Sir, may nanonood sa inyo oh. Magandang babae."

Aalis na sana siya nang biglang lumingon ang teacher at nginitian siya. It was no other than, Suencho Covey Sandoval. Ang isang iyon, PE teacher din pala.

Dahil sa pagngiti ni Choco ay kinantyawan ito ng mga estudyante.

"Si Sir, may visitor! Ang lakas ng appeal n'yo, Sir. Dinadalaw-dalaw na lang kayo dito."

"Sir, sabi n'yo wala kayo girlfriend. May girlfriend pala kayo eh."

"Maganda siya, Sir. Bagay kayo!"

Binalingan nito ang mga estudyante. "Kayo talaga, ang babata n'yo pa alam n'yo na ang mga bagay na iyon. Mga hijo, hija, mag-aral muna kayo. 'Wag n'yo muna intindihin iyang love life. Marami kayong oras para dyan kapag nakatapos kayo ng pag-aaral," baling ni Choco sa mga first year students.

In her mere surprise, nagsitahimik ang mga ito nang magsalita si Choco. It only spoke of one great word- respect.

"For now, we had enough of dancing. Did you enjoy it, class?" pagpapatuloy ni Choco.

"Yes...Sir!"

"Good. I'm expecting all of you to memorize the dance steps and we're going to have a practical test next meeting. Class dismissed. Ingat kayo sa pagtawid n'yo, sa pag-uwi. And always remember...."

"God will guide us along the way." At sinabayan pa ito ng mga estudyante.

Nagsialisan na ang mga estudyante nang lapitan siya ni Choco. Seryoso na ang mukha nito na parang di siya kilala. Well. Hindi nga naman sila magkakilala di ba? Pero bakit nginitian siya nito kanina na parang close sila? Ang gulo.

"Naligaw ka ata dito, Miss...?" bungad nito.

"Maria Luisa Dernadez," tugon niya.

"Huh? Eh ano ngayon?"

Aba, magtatanong ka kung sino ako tapos iyan ang isasagot mo sa akin? Antipatiko! Piniglan niyang mapikon. "Iyon ang pangalan ko. Nagpakilala lang ako kung sakaling nakalimutan mo na ako." Dinukot niya sa dalang body bag ang digicam at iniabot iyon dito. "Naiwan mo ito sa bus na sinakyan natin noon. Pasensiya ka na kung natagalan bago ko ito naisauli. Walang gasgas iyan at never kong ginamit. Nahirapan lang talaga akong humanap ng paraan para maisauli iyan sa iyo kasi hindi naman kita kilala. Si Thea, this past few months ko rin lang nakilala ng husto at saka lang ako nakakita ng paraan-"

Kilig Republic: The Closet I Got For You (Published by Psicom Publishing, Inc.)Where stories live. Discover now