Chapter Six

297 11 0
                                    


Katatapos lang kausapin ni Loise ang kakaalis lang na kliyente nang mag-ring ang cellphone niya. Napalunok siya nang rumihistro ang pangalang 'Choco' sa screen ng kanyang cellphone. Tatlong araw din ang nakakalipas nang huli niya itong nakita. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman. Parang bigla siyang na-excite, parang na-miss niya ito, at parang... nagsi-circus na naman ang puso niya. Linchevez! Why like this and like that?! Bakit ganon na lang ang impact ng lalaking ito sa kanya? Sa naaalala niya, hindi naman ganon ang naramdaman niya noong maging sila ni Lem. Pero bakit ngayon, parang sasabog na ang dibdib niya nang makita ang pangalan nito sa screen ng cellphone niya.

Dahil sa tagal ng pag-emote-emote niya, huminto na ang pag-ring ng cellphone. Pero makalipas ang ilang minuto ay nag-ring na naman iyon. Excited na sinagot niya iyon.

"Hi there! Glad you finally answer my call," bungad ni Choco.

Dumoble ang kabog ng dibdib niya nang marinig ang boses nito. "Pasensiya na kasi may kliyente ako kanina kaya di ko nasagot ang tawag."

"Just okay. Andyan ka sa opisina mo?"

"Yup. Medyo busy nga lang. Andami naming naka-book na events."

"Can I snatch some few minutes from you?"

Napangiti siya. Pakiramdam niya ay para siyang teenager na kinikilig. Crush na nga niya ito or maybe much more than that. She liked him. Kung bakit at kung paano nangyari iyon ay hndi rin siya sigurado.

"Ninanakaw mo na nga ang oras ko, Choco," tugon niya.

Impit na tumawa ito. "So, puwede na akong pumasok sa opisina mo?"

"Ha?"

Napabaling siya sa pinto ng opisina niya. Kampanteng nakasandal ito sa pintuan at nakatitig lang sa kanya. May bitbit itong dalawang paper bags at isang punpon ng bulaklak. Sa sobrang kalokahan niya, hindi na niya namalayan ang pagdating nito. Napatanga na lang siya nang ngumiti ito. Wow, he's really...really... cute!

Pinapasok niya ito at umupo ito sa visitor's chair. Masuyong iniabot nito sa kanya ang peach roses.

"I don't know what kind of roses do you prefer pero nang mapadaan ako sa flower shop, iyan agad ang nakakuha ng atensyon ko kaya iyan na lang ang napili ko. Hope you like it," nakangiting sambit nito.

Sinamyo muna niya ang bulaklak bago ito inilapag sa left side ng mesa. "Thanks. Ahm, bakit mo nga pala ako dinalhan ng bulaklak? Di naman tayo war, wala ka namang kasalanan sa akin, di ko naman birthday, di naman valentines at hindi ka naman... nanliligaw di ba?"

Masuyong hinawakan nito ang kanyang mga kamay the lovers hled their hands together. Hindi siya handa sa ganong sitwasyon kaya hindi agad siya nakapag-react. Para siyang nakuryente nang dumaloy sa sistema niya ang kakaibang damdaming dulot ng mainit nitong palad sa kanyang kamay.

"I want to apologize for what had happened few days ago. Di kita dapat binigla sa pag-aalok ko ng date. It was late when I realized that it wasn't a right move. I'm sorry." Nakatitig ito sa kanya habang nababakas sa mata nito ang buong sinseridad.

"H-ha? Ah wala iyon. Okay lang iyon. Wala lang iyon sa akin." Sinubukan niyang bawiin ang mga kamay niyang hawak pa rin nito pero mas lalong hinigpitan pa nito ang pagkakahawak sa mga iyon. Natatakot siyang baka hindi na niya ma-control ang emosyon at manginig na rin ang mga kamay niya.

"Loise...."

"Hmm...?"

"I still want you to be my date tomorrow. Pero this time, I'll explain everything to you. I admit. I'm little desperate to get a date for that class reunion," sambit nito.

Kilig Republic: The Closet I Got For You (Published by Psicom Publishing, Inc.)Where stories live. Discover now