C H A P T E R 0 7

284 10 0
                                    

07: SLEEPING BEAUTY

A T A S H A


"Hi bestie.." napangiwi ako dahil sa natawag ko sa kanya. I was in state of shock and joy para mabother and cringe pa sa biglaang tawag ko kaya 'di ko na naisip 'yun.

Isa pa tama naman mag-bestftiend na kami kaya ayos na callsign 'yon.

To see him in my front is unexpected. Iniangat ko ang kamay ko para kurutin ang pisngi niya para makumpirmang hindi ako nanaginip.

"Hey, bitch!"

Umarko ang kilay ko at dahan-dahan nilingon ang tagiliran para hanapin kanino galing ang matinis na boses and then..

There I saw a small lady glaring at me. Uminit ang ulo ko dahil sa pananalita niya. What did she just said?! She called me bitch.

She's cute pero hindi pwedeng basta-basta niya na lang ako tawagin ng gano'n.

Kunot noo ko siyang tinitigan. Who are you?

"I'm Andrea Clarisse Dawson, Naizer Dawson's girlfriend and who the hell are you?!"

Uh-oh.

Kunot-noo ko siyang ni-head to foot at napalingon kay Naizer. Girlfriend? Are you kidding? She looks like his little sister.

"You can announce to the world that you're his girlfriend without calling me a bitch." napipikon na sabi ko.

Biglang nawala ang antok ko dahil sa batang babae na to. She's small but irritable. Wala naman talaga akong pake kung girlfriend siya I just wanna greet my friend. Masama ba 'yon?

Tahimik akong napasinghal at muntik matawa nang mapabaling kay Naizer na gulat na gulat at hindi pa rin makapaniwala sa presensya ko. Whenever lilitaw ako sa harap niya he's always in state of shock like I was a new species for him. Parati siyang gulat na gulat sa'kin na para bang nakakatakot o nakaka alarma ako.

Mukhang may lakad sila at pupuntahan nakakaistorbo na pala ko. Bigla akong tinablan ng hiya kaya naman yumuko ako sa harap ni Naizer.

"Hala pansensya na." ngumiti ako nang malawak pagka-angat ng ulo.

Pero naka awang pa din ang bibig nito at tulala sa'kin. Hindi na ko naghangad na babatiin niya 'ko paalis. Agad akong naglingon sa self-proclaimed girlfriend nito.

"Okay, bye! I'm just a pretty lady passing by."

"You're not pretty." sabat nung batang babae na hanggang tuhod ko lang naman.

Hindi ko ugaling pumatol sa bata kaya naman agad akong tumalikod na.

Bago ako tuluyang maglakad palayo ay muli ko munang sinulyapan ang bahay ni Naizer. Magkapit bahay lang pala kami. What a small world.

Napangisi ako nang mahagip ang masamang tingin sa'kin ng girlfriend ni Naizer. Nakipagtitigan ako sa kanya at habang patagal ng patagal ay pabusangot ng pabusangot ang mukha nito. Ang sarap niyang asarin. Kaya dinilaan ko ito dahilan para magsalubong lalo ang kilay niya.

I flip my hair sa muling pagtalikod ko. Napabungisngis ako habang naglalakad palayo.

Bumalik na ako sa bahay ni Elisse which is sa likod lang naman ng bahay ni Naizer. Naabutan ko siyang pakanta-kanta habang dindiligan ang mga halaman niya sa labas ng gate.

"Bakit ganyan ang mukha mo? Wala kang karapatang ngumiti hangga't hindi ka pa nakakapaglinis." sabi niya nang mapansin ang presensya ko. "Nasaan na pala yung pinapabili kong twin pack?" ani nito at nag angat tingin kaya napatakip ako sa bibig.

SLEEPYHEAD MET THE SLEEPLESS [ UNDER MILD REVISION ]Where stories live. Discover now