39th Chapter

6.2K 365 59
                                    

XXXIX:
We're Not Breaking Up

***

BAS' POINT OF VIEW

NAGULAT sina Max at Pattie nang tinawagan ko sila at yayain na mag-inuman. May kanya-kanya sana silang rampa pero pinilit kong samahan ako. Narinig siguro nila ang lungkot sa boses ko kaya nakonsensya't nag-cancel na lang sa plano nila.

We went to a KTV Bar at kumuha ng room para doon kumanta at maglasing. Hinayaan lang nila akong mag-walwal at ngumawa ng ngumawa. Halos ako nga lang ang kumakanta at lahat ng naka-reserve na kanta ay hugot songs. I was extremely devastated and I wanted to sing my heart out kasi baka makatulong iyon upang maibsan ang nararamdaman kong sakit.

"Kung 'di rin tayo sa huli—" Inagaw bigla ni Max ang microphone mula sa'kin. "Bakla, ano ba, bastos ka! Kumakanta 'yong tao, eh!"

"Tama na, lasing ka na."

"Oh, eh, ano ngayon? Kaya nga tayo umiinom ng beer para malasing, 'di ba? C'mon, let's have some fun! 'Wag kayong KJ!"

"Hindi makakatulong sa problema mo ang pag-inom. Magkaka-hangover ka lang bukas," paliwanang ni Pattie.

Mas mabuti nga iyon. Mas gugustuhin ko pang mamroblema sa hangover 'kesa maalala ko na naman ang kataksilan ni Josh. Mas gusto kong problemahin bukas ang pagkahilo at pananakit ng ulo 'kesa ang love problem ko.

"Okay lang 'yon, ano ba kayo? Sige na, mag-reserve pa kayo ng songs. Mag-concert tayo, mga bakla!"

"Mag-a-alas dos na, 'teh. Kanina pa tayo rito."

Tama naman sila. Kanina pa nga kami rito. Pero ayoko pang umuwi. Kasi 'pag umuwi ako sa condo ng mag-isa, mag-e-emote na naman ako. Maaalala ko na naman ang eksenang nadatnan ko kanina sa office ni Josh.

Dapat kasi hindi na lang ako nagpunta do'n, eh. Pocha, napagastos pa ako ng take-out food na hindi naman napakinabangan kasi itinapon ko at naging dahilan pa ng pagkadapa ko sa sahig. Dapat nakinig na lang ako sa secretary ni Josh no'ng pinigilan niya akong pumasok. Hindi ko sana nakita iyon.

But on second thought, mabuti na rin pala na nakita ko iyon kahit nasaktan ako. At least alam ko na ngayon na hindi siya loyal sa akin. Masakit pero at least hindi na ako nabubuhay ngayon sa ilusyon. Mulat na ako sa realidad na laru-laro lang pala para kay Josh ang lahat. Sa huli, si Miracle pa rin ang nagwagi. May pekpek kasi siya, eh. Pocha!

"Ayoko pang umuwi." Umiyak ako na parang bata at nahiga sa sofa. "Dito lang ako. Gusto ko dito lang muna tayo."

"Gaga, hindi 'to hotel. Magsasara na sila mamaya, kailangan na nating umuwi," ani Max.

"Samahan n'yo ako sa condo. Ayokong mag-isa!" pakiusap ko. "Daan tayong 7-Eleven, bili tayong beer tsaka yelo. Mag-inuman tayo sa condo ko."

"Kaloka. Ano, magpapakalunod ka ba sa alak? Hindi ka pa nakontinto sa mga nainom natin? Aba, ilang bote rin 'yon ah," reklamo ni Pattie.

"Kulang pa." Pinukpok ko ang naninikip kong dibdib. "Kulang pa 'yon. Hindi pa kasi namamanhid ang dibdib ko, eh. Ang sakit-sakit pa rin."

"Gaga. Ang alak, hindi 'yan anesthesia sa heartache. Tigilan mo 'yang kabaliwan mo. Uwi na tayo, pagod na kami."
"Ako rin, pagod na." Ayu'n, bigla akong humugot. "Pagod na pagod na akong umasa at masaktan. Akala ko tapos na, eh. Akala ko hindi na ako masasaktan. Akala ko road to happy ending na. 'Yon pala, humopia na naman si bakla."

"Bakit kasi hindi mo muna pakinggan si Josh? I'm sure naman may explanation siya do'n sa nangyari," mahinahong sabi ni Pattie. "Mahal ka ng gagong 'yon at hindi ka n'on sasaktan ng basta-basta. Bakla, may tenga ka naman, gamitin mo 'yan para makinig."

Romancing JoshDonde viven las historias. Descúbrelo ahora