Prologue

73 3 2
                                    

"Ronan, takbo!" sigaw ni Dan habang papalapit sa akin, sandali pa akong natigilan, at nakuha ko na ang gusto niyang mangyari.

Hindi ko namalayan na nakalabas na pala kami sa gate ng school habang hingal na hingal na nagtatago sa ilalim ng puno.

Nakita kong magkahawak pala ang kamay namin ni Dan. Matangkad si Dan, matangos ang ilong, moreno, siguro hanggang leeg ako sa kaniya.

Sandali kong pinagmasdan ang makisig niyang mukha. Nagulat na lamang ako ng tumingin siya akin at nagagalit ako sa sarili ko dahil umatsing ako sa mismong harap niya.

Dinig na dinig ko ang malulutong niyang tawa na kinaiinisan ko.

" Ang panget mo.." saad niya sabay hawak sa tiyan at walang tigil na pag tawa.

"Letse ka!"

Natahimik kami dahil may naririnig kaming yapak ng paa at nakita sa guard. " Hoy kayo!"

Ang sakit ng braso ko dahil sa pag dala sa akin ni Dan tumakbo ulit kami hanggang sa makarating sa computer shop.

Nag-laro kami ng halos tatlong oras at hindi ko talaga maitanggi na ang saya ngayong araw. Pero saka ko naalala na lagot kami bukas hindi lang sa eskuwelahan lagot ako kay Lola.

"Hoy! Hoy! Dantot, lagot talaga tayo ngayon!" sabi ko sa kaniya na hindi na pala siya gumagamit ng computer. Hindi man lang niya ako kinibo. " Dantot, alis na tayo dito. Punta tayo sa park." nang marinig niya ang salitang park ay agad siyang tumayo at naunang lumabas.

Agad kaming humanap ng bench ni Dan nang makarating na kami. Ngunit sa hindi inaasahan, nakita ko si lola. Tama namamalengke ang lola ko tuwing biyernes.

Agad kong kinuha ang polo ni Dan at dalawa kaming nagtago roon.

Bumili kami ng pagkain siyempre libre niya, ang dami na niyang utang sa akin.

"Dan, may tanong ako, ba't mo ko kinaibigan?" tanong ko sa kaniya. Tumingin siya akin at parang hindi alam ang isasagot. "Ewan ko. Bakit nga ba? Wala namang rason eh, siguro dahil panget ka kaya palagi aking masaya. AHAHHAHA."

"Ang labo mo, diyan ka na nga." sabi ko sa kaniya at tinulak at malakas na tumawa.

Naramdaman kong hahabulin niya ako at nag madali akong tumayo ngunit nahawakan nita ang paa ko. Kinurot-kurot niya ang tagiliran ko. Hindi masakit pero nakakakiliti.

Kita kong tumitingin ang lahat sa amin dahil sa malakas kong pagtili.

"Dantot tama na!" sigaw ko pero hindi pa din siya tumigil. Patuloy pa rin siya sa pagkiliti hanggang sa nagkaroon ako ng lakas na kurutin siya pabalik. Malakas kong kinurot ang beywang niya. AHAHA alam ko na kung saan ang weak spot niya.

Lumuhod ako habang siya nakahiga at walang tigil na kinikiliti ang beywang niya. "Hoy Rondak pag ako ang bumawi. Who you ka talaga!"

Natapos din ang kulitan naming dalawa naalala naming naiwan pala namin ang aming mga bag. Ang tanga kasi ni Dan.

Bumalik kami sa school pero naglakbay lang. Hinanda na namin ang aming nga tenga sa sermon na gagawin nila sa amin.

Kahit harap na namin si Ma'am Guidance pinipigil lang talaga namin ang pag tawa. Sinisiko ko si Dan na pigilan na ang pagpapatawa baka lalo silang magalit sa amin.

Halos matunaw ako sa titig ni Ma'am. Ang mga salita nila parang mga lamok lang na malapit sa aming tenga.

"Why did you do it?!" malakas nitong sigaw.
"Alam niyo bang isa itong kahihiyan sa eskuwelahan at lalong lalo na sa mga magulang niyo! Pumunta pa kayo sa computer shop ng naka uniform!"

Hindi ko na matandaan kung ano ang sinagot sa amin ng mga walang kuwentang tanong.

"Naalala mo yung mukha ni taba?" parang tungenge si Dan na tumatawa. Pauwi na kami sa bahay. Malapit lang ang bahay namin sa isa't isa kaya nga sabay kaming pumupunta sa school.

"Sige una na ako." sabi ko kay Dan sa kaniya at pumasok na sa bahay. "Hoy babae." Bungad sa akin ng lola ko. Patay, nalaman niya na siguro.

Pagkatapos ng sermon ng lola ko parang wala lang sa akin. Tumawag ako kay Dan na doon ako matutulog sa kanila.

"Dantot nandito na ako sa tapat ng bahay niyo." sabi ko sa kaniya sa telepono. Narinig ko na ang pag yapak niya hanggang sa niluwa na siya ng pintuan. Agad akong pumasok.

"Hello po tita." bati ko sa mama niya. "Hija alam kong hindi ka nagpaalam sa lola mo ako na ang magsasabi sa kaniya." yes! I'm saved.

Niyaya ako na kumain ng mama niya, siyempre hindi ako makatanggi, pagkain na yun eh! Tsaka hindi naman na ako nahihiya dito. Sanay na sila na pumupunta ako dito, minsan naman si Dan ang pumupunta sa amin.

Nag laro muna kami ni Dan ng baraha. Unggoy-unggoyan. Hindi talaga mananalo sa akin sa Dan. " Danggoy nalang kaya itawag ko sayo?" asar ko sa kaniya, pikon na si Danggoy!

Nang dalawin na kami ng antok ay pumunta na kami sa kama at humiga.

Bigla niyang pinatong ang paa niya agad ko itong inalis. "Hoy umayos ka Danggoy." sabi ko sa kaniya at tinalikuran siya ng papikit na ako, bumangon si Dan.

Nabigla ako sa kaniyang ginawa dahil bigla siyang lumuhod sa harapan ko at may sinabing dahilan kung bakit gumuho ang mundo ko.

"Ronan Marie, is there a chance for me in your heart?

When My Bestfriend Was TiredWhere stories live. Discover now